Pilit na tumawa si Tamara habang pinipigil na tumulo ang luha. "I ended up hoping and wishing a long time ago. Nakakapagod na magmahal nang di mo nararamdaman na naa-appreciate ka. Nakakapagod umasa na mamahalin ka rin."
"I am not used to this."
"Ano? Napapagod ka na bang makinig sa drama ko?"
Tinapik ni Reid ang balikat niya. "Hindi ako sanay na marinig mula sa iyo ang lahat ng ituturing mong weakness. You are one tough woman, Tamara. Sa buong riding club, ikaw lang ang malakas ang loob na sumalungat sa akin at magsabi ng mga opinion mo. May pagkakataon pa nga na mas takot pa sa iyo ang mga members at empleyado ng riding club kaysa sa akin."
"I have to be strong. Walang ibang magtatanggol sa akin kundi sarili ko."
"I know that we always argue. Marami tayong di napagkakasunduan. But I promise that I will protect you. Hindi ako papayag na may manakit sa iyo. That is my duty as your husband, Tamara."
"Why don't you just throw me out, Reid? Sakit lang ako ng ulo mo."
Kinintalan nito ng halik ang buhok niya. "I don't know either. Siguro dahil napapagod din ako na walang kumokontra sa akin dito."
Kinurot niya ang braso nito. "Wala palang matapang dito kundi ako."
"Teka, masyado mo akong nililibang. Dapat hindi ako nakikipagkwentuhan sa iyo. Matulog ka na," anito at ipinikit ang mata.
Pinagmasdan niya ito habang nakapikit ito. Si Reid ang huling tao na aasahan niyang mananatili sa tabi niya habang may sakit siya. "Reid, busy ka, di ba?"
"Strategy mo ba iyan para mapaalis ako dito? Si Reichen muna ang magma-manage ng riding club. Babantayan lang kita."
Muling pumatak ang luha sa mata niya. "Thank you."
Bahagya itong dumilat. "O! Bakit umiiyak ka na naman?"
"Because you are here. Noong bata pa ako, pangarap ko na may yumakap sa akin bago ako matulog o kapag may sakit ako. Iyong magsasabi sa akin na magpagaling ka o kaya huwag kang matatakot." Hinalikan niya ito sa pisngi. "Thank you!"
She was not sure if a smile curved on his lips. But he looked so handsome and his features were gentle. Parang ibang Reid ang nakita niya. "Then go to sleep now, Tamara. Hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo."
Sumiksik siya sa katawan nito at ipinikit ang mga mata. He was like those knights in fairy tales. He was ready to slay dragons for her and protect her. Kung kailan pa siya tumanda, saka pa niya naisip iyon. But the warmth of his body gave her comfort. Umaasa siya na paggising niya ay naroon pa rin ito.
"GOOD morning, Aling Simang!" bati ni Tamara nang bumaba sa garden. Doon ihinain ni Aling Simang ang agahan niya dahil maganda ang sikat ng araw. Maganda na rin ang pakiramdam niya matapos ang dalawang araw na pagtulog sa villa.
"Babalik na po kayo sa trabaho, Ma'am?" tanong nito.
"Opo. Hindi po ba sasabay na mag-breakfast si Reid sa akin?"
"Bumalik na po si Sir sa trabaho."
"Doon na lang po kami mag-uusap."
Si Reid ang nag-alaga sa kanya sa dalawang araw na nagkasakit siya. Di ito nagtrabaho at di na umalis pa ang kuwarto hangga't di bumababa ang lagnat niya. Pwede naman itong mag-hire ng nurse pero di nito nagawa. Di niya inaasahan na pagbubuhusan siya nito ng atensiyon at panahon.
Umalis lang ito nang gabi bago siya matulog. Kailangan pa niya itong itaboy. Kundi ay di na ito makakapagpahinga sa pagbabantay sa kanya.
"Ma'am, hinay-hinay lang po sa trabaho," anang assistant niyang si Felix habang chine-check up niya si Cookie. "Kami po ang pagagalitan ni Sir Reid kapag nagkasakit na naman kayo."
"Mas magiging maingat na ako ngayon," pangako niya.
Maghapon niyang hindi nakita si Reid. Gusto pa mandin niyang I-treat ito ng dinner. Nang di siya makatiis ay pinuntahan niya ito sa opisina nito pagkatapos ng duty niya. Nakasalubong niya si Reichen sa Red House.
"Magaling ka na, Doktora?" tanong nito.
Tumango siya. "Busy ba ako ng kuya mo?"
"Ha? Ako ang gumagawa ng trabaho niya ngayon."
Nagtaka siya. "Umalis ba siya?" Si Reichen ang nagma-manage ng riding club kapag umaalis si Reid.
"Di ba galing ka na sa grand villa? Di mo ba alam na may sakit siya?"
Napanganga siya. "Ha? May sakit si Reid?"
Naipadyak nito ang paa. "Lagot ako nito kay Kuya. Ayaw nga pala niyang ipaalam sa iyo."
"Ano ang sakit niya?"
Inilapit nito ang labi sa tainga niya. "Kung tutuusin sipon lang naman iyon. Kaso mabilis siyang mahawa," bulong nito.
"Eh, bakit ka bumubulong?" pabulong din niyang tanong.
"Ayaw niyang malaman ng mga tao ang weakness niya. Sa laki ng katawan niya, mabilis siyang mahawa sa sipon. Tapos buong araw siyang di makabangon. Kagabi lang naman niya naramdaman iyon."
Kung ganoon ay kasalanan niya kung bakit nagkasakit si Reid. Binantayan kasi siya nito. Na-guilty tuloy siya. Babawi siya dito.
"Sige. Dadalawin ko na lang siya sa grand villa," aniya at naglakad palayo.
"Huwag mong sasabihin na ako ng nagsabi," pahabol ni Reichen.
Pumunta siya sa mini-grocery para mamili ng prutas saka siya tumuloy sa grand villa. Nasalubong niya si Aling Simang. "Si Reid po?" tanong niya.
"Nasa kuwarto po, Ma'am. Ayaw magpakita kahit na kanino."
Ngumiti siya. "Di ko naman po siya aabalahin. Saglit lang po ako." Dali-dali siyang tumuloy sa kuwarto niya. "Reid!" tawag niya at kumatok.
"Anong kailangan mo? Busy ako ngayon," asik nito.
"Nagdala ako ng fruits para sa iyo."
"Bakit? May sakit lang naman ang dinadalhan niyan, ah!" sigaw nito sabay napabahing.
"Maganda ang prutas sa may sipon."
She heard him swear. "Wala akong sakit. Naniniwala ka naman kay Reichen. Humanda sa akin ang lalaking iyon!"
"Huwag ka nang magalit. Concern lang kami sa iyo. Pwede bang pumasok?"
"Hindi! Umuwi ka na lang. Baka mahawa ka pa sa akin."
Hindi ito galit. Concern ito sa kanya kaya siya itinataboy. Idinikit niya ang pisngi sa pinto. "Reid, thanks for taking care of me. I really appreciate it."
"You are my wife. Sino pang mag-aalaga sa iyo kundi ako lang? Saka ayokong mapasama sa mga taong nagpabaya sa iyo."
"No. Hindi ka katulad nila. And sorry kung nahawa ka sa sakit ko."
"Wala nga akong sakit.. Hachoo!" bahing nito.
Humagikgik siya. "Binantayan mo pa rin ako kahit alam mong mabilis kang mahawa kapag mayroon may sipon. Sana maalagaan din kita."
"No! Mas mabuti nang di mo ako makita. And I won't die yet so you have nothing to worry. This is just a petty cold."
Ah! He was still acting so tough. Pero ang totoo ay nasanggi ang pride nito nang malaman niyang simpleng cold virus lang ang katapat nito.
"Magpagaling ka, Reid. Kasi nami-miss na kita."
Nasabi niya iyon bago pa siya nakapag-isip. Dali-dali niyang iniwan ang basket ng prutas sa harap ng pinto at patakbong lumayo bago pa niya marinig ang sagot nito. Saan ba nanggaling na nami-miss niya ito?
Kinapa niya ang dibdib niyang matindi ang kaba. It came from her heart. She missed him. She missed him even if he was as grumpy as an old troll. Kahit na lagi itong nagagalit sa kanya. Nami-miss niya ang pag-aalala nito sa kanya.
Oh, yes! He was driving her crazy.