"ATE EVIE, anong ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ni Jenna Rose nang makita siyang nanonood ng polocrosse match ni Rolf sa polo arena.
Ngiti ang isinagot niya dito. "Ito ang first polocrosse match dito sa riding club at kasali pa ang Kuya Rolf mo. Sayang naman kung di ako makakanood."
"Gusto ko lang makita ang kapalpakan nila." Ang mga core members ng riding club ang unang maglalaro ng polocrosse. Ngayon pa lang kasi ini-introduce ang larong polocrosse sa riding club.
It was almost the same as polo. Ang kaibahan lang ay ang stick na gamit sa larong lacrosse ang gamit na panghampas sa bola. Tatlo lang ang players ng polocrosse kumpara sa polo na apat. At di maarte sa kabayo ang larong polocrosse kumpara sa polo na may piling polo horses. Tiyak na magiging mabenta iyon sa mga members na walang polo horses.
Hinampas niya ang braso nito. "Pinapunta kita dito para mag-cheer sa Kuya Rolf mo at hindi para laiitin sila."
Humagikgik ito. "Iyon ang sabi ni Illyze, eh! Pero paano ang trabaho mo?"
"Mamaya na lang iyon. Sayang naman ang laro ni Rolf."
Sinalat nito ang noo niya. "Ay! May lagnat ka ba? Di kaya naalog ang utak mo nang mabangga ang kotse mo? Is that you? Iiwan mo ang trabaho mo para lang manood ng polocrosse match?"
"Sabihin nating mas marunong na akong mag-manage ng oras ko."
Noong nobyo pa niya si Rolf dati, ni hindi siya nakakanood ng car race nito. She hated the crowd. Naiirita din siya sa maiingay na kotse. Mas priority rin niya ang pag-aaral at ang apprenticeship niya at wala halos siyang oras kay Rolf. Si Rolf ang kailangang mag-adjust sa schedule niya noon.
Ngayon ay di niya pwede basta na lang isantabi si Rolf. Kung may oras siya sa trabaho ay naglalaan din siya ng oras para dito. Gusto niyang maging visible girlfriend at di nawawala sa mahahalagang pagkakataon. She had to be there for Rolf even during events that seemed insignificant for her before.
She smiled softly. "You changed a lot. Dati wala kang pakialam maliban sa sarili mo. Mga tao ang nag-a-adjust para sa iyo. Medyo normal ka na."
"Normal?" Natawa siya. "Mukha ba akong abnormal?"
"No. You are just superior sometimes. I must say that you matured more."
"I have to. I want to be a better girlfriend for Rolf. Gusto ko lang pahalagahan kung ano ang minsan nang nawala sa amin. I won't lose it for the second it."
"Sana nga mauwi na iyan sa kasalan. Para naman matahimik na rin si Illyze. Di pa rin kasi tumitigil ang pag-ali-aligid ng mga babae kay Kuya Rolf."
"Well, I don't really mind." She was confident that Rolf was hers. At kapag siya ang girlfriend ni Rolf, di ito tumitingin sa ibang babae.
Twenty-eight na rin naman siya. Rolf was thirty-one. Bagamat nasa stage sila ni Rolf na parehong nag-e-enjoy sa bagong stage ng kanilang relasyon, handa na siya kung anumang oras ay magpo-propose ito ng kasal.
Natigilan sila sa pag-uusap nang isang babae ang tumayo sa harap nila at nagsisigaw. "Go, Rolf! Please win for me! I love you."
Nagkatinginan sila ni Jenna Rose. Di na maipinta ang mukha nito at nakataas na ang isang kilay. "Excuse me. You are blocking our view. In case you don't notice, may mga tao dito na maayos na nanonood," mataray na sabi nito sa babae.
Gulat na lumingon ang babae sa kanila. "I am sorry!" It was Rhoda Leocadio, the famous Black Widow. Ngumiti ito nang makita siya. "Hi! You are Rolf's old friend, right? Nagkita tayo sa party ni Mama Jass."
"Mama Jass?" marahang usal ni Jenna.
"Hindi mo ba kilala ang Mama ni Rolf?" anang si Rhoda na hindi yata alam na si Jenna Rose ang malapit na kaibigan ng kapatid ni Rolf at parang miyembro na rin ng pamilya Guzman. "We are close now. Tumutulong na kasi ako sa foundation. Kaya nga gustong-gusto ako ni Rolf dahil nakikita niya sa akin ang mama niya."
"That is slander! Don't believe her," umiiling na bulong ni Jenna Rose.
"Are you with someone, Miss Leocadio?" she asked formally.
"A friend brought me here. Actually, it is Rolf who invited me to watch this match. Gusto ko siyang I-surprise kaya di ko sinabing dadating ako. He wants me to cheer for him, you know?" pagmamalaki ni Rhoda.
"Nasaan ba ang lawn mower?" may kalakasang tanong ni Jenna Rose. "Parang masarap magtabas ng damo ngayon."
"Aanhin mo ang lawn mower, Miss?" tanong ni Rhoda kay Jenna Rose.
Ibinaling ni Jenna Rose ang tingin sa kabilang direksiyon. "Para matabas ko rin ang dila mo. Ambisyosa," mariing bulong nito.
Siniko niya ito para mag-warn na mag-behave. Mabuti nang huwag pansinin si Rhoda. Tatahimik din naman ito.
Pumalakpak siya para sa team ni Rolf nang manalo ang mga ito. Kumaway si Rolf sa kanya at sinesenyasan siyang bumaba ng bleacher. "Yes, Rolf! Pupunta na ako diyan! Hintayin mo lang ako!" wika ni Rhoda at nagmamadaling bumaba.
"Addict ba iyon?" tanong ni Jenna Rose nang sinusundan ng tingin si Rhoda. "Ikaw ang kinakawayan ni Kuya Rolf at hindi siya."
Pinili niyang umupo na lang sa bleacher dahil ayaw niyang mang-agaw ng eksena. Yumakap si Rhoda kay Rolf. "You really did great!" tili nito.
Tinanggal ni Rolf ang braso ni Rhoda sa leeg nito. He uttered an excuse. Saka nagmamadaling umakyat sa bleacher papunta sa kanya. He kissed the corner of her lips. "Bakit hindi ka bumaba? Kinakawayan kita, ah!"
"Napagod kami sa pagtsi-cheer sa iyo," palusot niya.
"Congrats, Kuya Rolf! Sa susunod na polocrosse match sasali daw ang band nila JED. Ilalampaso na niya kayo," pagmamalaki ni Jenna Rose.
"And I will still cheer for Rolf," singit ni Rhoda at biglang inangkla ang braso kay Rolf. "Why don't we go out on a dinner with your friends tonight? I'm sure that also want to celebrate your victory."
"Sinong friends ko?" gulat na tanong ni Rolf.
"Sila!" At itinuro sila ni Jenna.
Rolf smiled slyly. "Sorry. May date na kami ng girlfriend ko mamaya." Inakbayan siya ni Rolf. "Anong gusto ninyo para sa dinner mamaya?"
"Ilibre mo naman kami, Kuya," ungot ni Jenna Rose. "Doon naman kami ni Illyze sa kabilang table."
"See you around, Miss Leocadio," aniya at iniwang tulala si Rhoda.