"Evie, galit ka ba sa akin?" tanong ni Rolf nang tapos na silang mag-dinner. Sa Rider's Verandah sila dahil maya maya lang ay may private meeting si Rolf kasama ang iba pang core member ng riding club sa function room.
Sinulyapan niya ito. "Ha? Bakit naman magagalit ako sa iyo?"
"Si Rhoda kasi bigla na lang akong niyakap. Nagulat na lang ako. Kung alam ko lang na ganoon ang gagawin niya, sana ipina-ban ko muna siya sa polo arena para di na niya tayo ipinahiya," nag-aalala nitong sabi.
"You don't have to fret. I saw everything. Siya ang yumakap sa iyo at hindi ikaw. Kaya hindi ako galit."
"Tama! Siya ang yumakap sa akin. Ayoko naman talaga!" defensive nitong sabi. "Sana bumaba ka agad ng bleacher para di na siya nakalapit sa akin. Gusto kong ipagmalaki sa lahat na ikaw ang inspirasyon ko. Para wala nang magsabing playboy ako."
It couldn't be helped. Di pa rin nawawala ang stigma kay Rolf at sa mga kaibigan nito bilang pinaka-notorious na playboy sa riding club. Naging past time kasi ng mga ito na mag-contest kung kanino makikipag-date ang mga single na babaeng pumupunta sa riding club nang walang escort.
"I don't really mind if they still call you a playboy. Kahit naman dati iyon na ang tawag nila sa iyo."
"Napatino mo naman ako," maagap nitong sabi. Ginagap nito ang kamay niya. "Kapag ba niyaya kitang magpakasal, okay lang sa iyo ang forest wedding? Doon tayo sa may waterfalls sa may Forest Trail."
Tumango siya. "I like the idea. Nakabahag ka kapag ikinasal tayo?"
Namula ito. "T-Teka, ibang usapan na iyan."
Natawa siya. "You will look cute on it."
Natigil ang pagkukulitan nila ni Rolf nang makita niyang nakatayo sa likuran nila si Reichen at nakahalukipkip. "Kanina pa kayo tawanan nang tawanan diyan. Ikaw na lang ang hinihintay sa meeting, Rolf."
"Huh!" bulalas ni Rolf at nilingon ito. Nagulat pa ito nang makitang si Reichen ang nakatayo doon. "Ginulat mo naman ako. Akala ko si Kuya Reid ka."
"Magsisimula na sana kami kaso mukhang busy ka pa," walang kangiti-ngiti nitong sabi. "Alam mo naman na malaki ang problema natin!"
"Oo na. Magpapaalam lang ako kay Evie," anang si Rolf at iwinasiwas ang kamay para itaboy ito. Idi-discuss ng mga ito ang open tournament kung saan makikipaglaban ang mga members ng riding club sa iba pang riders ng ibang club. Ginaganap iyon tuwing anniversary ng Stallion Riding Club.
"Anong problema no'n?" tanong niya nang makaalis si Reichen. Di siya sanay na nakikitang masama ang mood nito.
"Naku! Iyong mga leader ng Amazon Riding Club ang nagpagalit sa kanya nang ganyan."
"Anong Amazon Riding Club?" Di siya pamilyar sa riding club na iyon.
Kinintalan siya nito ng halik sa labi. "I will explain some other time. Are you sure that you are okay here?"
"I brought my laptop and some of my paperworks. Wala namang masyadong tao dahil gabi na kaya makakapagtrabaho ako."
"I will miss you," he whispered.
"Sandali ka lang mawawala."
"Basta mami-miss pa rin kita. Bakit pa kasi may meeting?"
Nagko-concentrate siya sa trabaho habang sumisimsim ng hot chamomile tea nang lapitan siya ni Rhoda Leocadio. "Can we talk?"
Her grave face took her aback. Looks like she didn't come to her for a friendly chat. "Sure. Take a seat." Sa lahat ng mga babaeng nai-date ni Rolf, ito pa lang ang unang lumapit sa kanya.
Mahabang sandali siyang pinagmasdan nito. "I hate you!" she hissed.
"Excuse me!" Wala pang taong nagsabi nang ganoon nang harapan sa kanya. And she could see so much scorn in her eyes.
Dinuro siya nito. "Alam mo bang ikaw ang pinaka-plastic na babaeng nakilala ko? Kaibigan ka lang naman ni Rolf, di ba? Ako ang ka-date niya. Tapos bigla mo na lang siyang aagawin sa akin," may kalakasan nitong sabi.
Mukhang sinasadya nitong I-broadcast sa buong riding club kung ano ang opinion nito sa kanya. She was not a bit bothered at all. Ang inaalala lang niya ay ang usap-usapan na maaring idulot niyon kay Rolf o kahit sa kapatid niya.
"I am sorry but I don't have the time and the patience to explain everything to you. Kung tutuusin, wala naman akong kailangang ipaliwanag."
"Ginawa ko ang lahat para mapalapit sa kanya pati na rin sa pamilya niya. Sa palagay mo ba ipapakilala niya ako sa pamilya niya kung di niya ako ikino-consider na pakasalan niya?"
Itinapik niya ang kamay sa table. Rhoda Leocadio was starting to annoy her. "Kung gusto ka niyang pakasalan, bakit ako ang girlfriend niya?"
"Well because…"
"I am sorry if you have false hopes about your relationship with Rolf. Correct me if I am wrong. Minsan lang naman kayong nag-date at hindi na naulit iyon. Kung gusto ka talaga niya, sana niyaya ka ulit niyang lumabas."
She fiddled with her handbag. She seemed uncomfortable with her analysis. "K-Kasi masyado na kaming busy. Alam ko naman na yayayain ulit niya akong lumabas. Saka sumasama ako sa charity works ni Mama Jassmine."
"At nakatulong ba iyon sa relasyon ninyo?"
"If we only have more time together…"
"I am afraid that he will spend more of his time with me. Ako na ang girlfriend niya. I will forgive you for what you did a while ago. Di mo pa kasi alam na may girlfriend na siya. But if you will do it again, I am afraid that you will only make a fool of your self."
"No! Oras na gawin ko ulit iyon, ako na ang pipiliin ni Rolf. Wala akong pakialam kung ikaw ang girlfriend niya. I always get what I want. Hindi ako papayag na basta-basta na lang tumapak sa akin."
"Kung ikaw ang girlfriend ni Rolf, irerespeto ko ang relasyon ninyo. Kaya sana ganoon ka rin sa relasyon namin."
Tumayo ito. "Wala akong pakialam sa relasyon ninyo. All I care about is Rolf. I will take him back. You will see. He will come back to me."
Nagkibit-balikat siya. "Suit yourself. Good luck!"
Pag-alis ni Rhoda ay siya namang pagbukas ng pinto ng function room at hangos na lumabas si Rolf. "A-Anong nangyari?" nag-aalala nitong tanong. "Nasaan si Rhoda?"
"She left. Tapos na kaming mag-usap. Bakit nandito ka? Tapos na ba ang meeting ninyo?"
"Tumawag sa akin si Jhunnica," tukoy nito sa manager ng Rider's Verandah. "Ibinilin ko na kapag may nanggulo sa iyo, sabihin niya sa akin. Kaya itinawag niya sa akin na ineeskandalo ka ni Rhoda."
Kaswal siyang sumimsim ng tsaa. "It is nothing. Nag-usap lang kami."
"With her screaming like a banshee?"
"Natural lang siguro na maging emotional ang mga babaeng naka-date mo kapag nalaman nilang ako ang girlfriend mo. Masyadong nag-expect si Rhoda na ikakasal kayo balang-araw."
Napaubo ito. "Kami? Ikakasal? Sana sinabi mo ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan para hindi na siya umasa."
"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi sa kanya?"
"Bakit hindi na lang natin ayusin ang kasal natin para wala na siyang masabi? Tapos di tayo lalabas sa villa ko hangga't di tayo nakakasal. Para lang makatiyak ako na walang manggugulo sa atin. Siyempre hindi imbitado ang mga dati kong naka-date sa kasal natin."
"Mr. Guzman, hindi natin kailangang madaliin ang kasal para lang itaboy mo ang mga babaeng naghahabol sa iyo." Napansin niyang lumabas ng kuwarto si Reichen at nakakunot ang noo habang nakatingin kay Rolf. "Unahin mo muna ang meeting mo dahil baka madoble ang Reid Alleje sa riding club."
"Uh oh," usal nito nang makita ang lalong pagdilim ng mukha ni Reichen. "Babalik pa ba ako sa meeting? Baka balikan ka ni Rhoda."
"I can handle her just fine." She cheated death once. Kaya madali na lang para sa kanya na harapin ang mga babaeng na-involve kay Rolf.