Alas dos na nang madaling araw na ihatid ni Rolf si Jenevie sa kuwarto niya nang tulala dahil sa halik nito. Isang malaking himala na nagising pa rin siya nang maaga. Kahit na kulang sa tulog ay magaan ang pakiramdam niya.
Tumuloy agad siya sa kusina at ipinagluto ng sinangag si Rolf at daing na bangus. She was excited. Ngayon pa lang niya mararanasang magluto para dito. Di kaya ito naman ang magbago ng isip sa relasyon nila oras na di nito magustuhan ang luto niya?
Hindi pa sila opisyal na nagkakabalikan. Even after the kiss, he decided to give her more time to think. Dahil kung magiging girlfiend ulit siya nito, titiyakin niyang di katulad ng dati ang magiging relasyon nila.
Napapitlag siya nang nakawan siya nito ng halik sa pisngi habang nagpi-prito siya ng itlog. "Good morning! Maaga ka yatang nagising."
"Hindi na ako masyadong nakatulog."
Hinaplos nito ang ilalim ng mata niya. "Why do you still look beautiful? Sigurado ka bang kulang ka sa tulog?"
"Anong oras mo na ako pinatulog kagabi?" ganting-tanong niya. "Alas dos na kaya huwag mo na akong bolahin diyan."
"Si Attorney parang lagi na lang binobola." Nagsalin ito ng kape mula sa percolator. "Iwan mo na iyang niluluto mo. Ako na ang magtutuloy."
"Gusto ko lang bumawi sa pag-aalaga mo sa akin. And besides, my wound is almost healed. Kailangan ko rin ng exercise."
His eyes softened as he watched her cook. "Ngayon mo lang ako ipinagluto, di ba? Kahit daw si Jenna di mo ipinagluluto noon."
"I was too busy to cook. Buong panahon ko puro aral at trabaho lang ang focus ko. Don't worry. Di ka naman malalason sa luto ko."
Inagaw nito ang siyansye sa kanya. "You don't have to do this. Hindi sa wala akong tiwala sa luto mo. Ayoko lang pagurin ka."
Inagaw din niya ang siyansya mula dito. "Sit back and relax. Kahit kailan, di kita ginawan ng pabor. Kahit noong boyfriend pa kita, wala ka nang ginawa kundi I-please ako at pagsilbihan. All I have to do is wait for you to do me a favor."
"And you are just returning the favor?"
She answered him with a smile. "No. I just want you back in my life."
Niyakap nito ang baywang niya at inikot-ikot habang buhat siya. "Really?"
"Rolf, put me down!"
Humalakhak ito at niyakap siya mula sa likuran niya. "I am just happy. You make me the happiest man in the world. Dapat pala hindi kita hayaan na magtrabaho. Sabi ko sa iyo aalagaan kita, di ba?"
"I also want to take care of you, Rolf."
"Ha? Okay naman kahit na ako ang mag-alaga sa iyo. Di mo naman ako kailangang intindihin. I told you. I won't take too much of your time."
"Kung ako siguro ang Jenevie na kilala mo noon, wala akong pakialam kahit na konting panahon lang ang ibigay ko sa iyo. I want to be a better girlfriend this time. I want to be the girl that you deserve."
"I am not asking you to do that for me. Sinabi ko naman sa iyo na willing akong makipag-compromise. You don't have to do the same."
"No. This is a second time for us. Kung may kailangan kang baguhin sa sarili mo, kailangan ganoon din ako. I don't want to waste this chance. Sa relasyon natin, ako ang mas maraming pagkukulang. Sa halip na harapin ko iyon, tumakbo ako. I even disregard the fact that I love you. Hindi ko na babalewalain ang nararamdaman ko para sa iyo. I am willing to overcome my weaknesses for you."
Kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit. "I love you, Evie!"
"And I love you, too, Rolf." She burst out laughing after saying it.
Nagtaka ito. "What's funny?"
"Nothing. I am just happy."
Parang isang pintong nakasara ang bumukas sa puso niya. She felt so free. All those five years was like a joke. Nabuhay siya nang may malaking kulang sa buhay niya. Si Rolf. At ngayong magkasama na silang muli, parang napakadali para sa kanya na maging masaya. Si Rolf lang ang kabuuan ng kaligayahan niya.
She won't hold back anything now. Wala na rin siyang katatakutan. Mas matindi ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Rolf kaysa sa multong bumabagabag sa kanya. Di na siya magpapatalo sa kahinaan niya.
"ROLF, pumunta ka na sa office mo. Okay na ako dito," paniniguro ni Jenevie dito nang hanggang sa lobby ng Crusade Against Violence and Injustice ay di pa rin siya nito iniiwanan. Iyon ang unang araw ng pagbalik niya sa opisina. Pero usapan pa rin nila ni Rolf na sa villa pa rin nito sa riding club siya uuwi hangga't di siya nito nakukumbinsi na kumuha ng bodyguard.
Pabor sa kanya kung sa riding club siya tutuloy. Mas safe ang pakiramdam niya doon. Safe din tiyak si Rolf dahil mamo-monitor niya kung may babae mang umaaligid dito. Di siya selosa. Gusto lang niyang ingatan si Rolf dahil ito ang naiinis kapag nilalapitan ng ibang babae.
"Paano kung sumakit pa rin ang sugat mo?" tanong nito.
"May dala akong gamot." Pinagtitinginan na sila ng ilang mga kasamahan niya. "Mamaya na lang tayo magkita. Daig ko pa ang estudyante sa kinder na hindi maiwan ng nanay niya. Malaki na ako."
Kinintalan siya nito ng halik sa labi. "I love you!"
Nanlaki ang mata niya. "Rolf!"
Ngumisi ito. "I am afraid I ruined your reputation."
"I love you, too," she mouthed. "Off you go. Baka ma-late ka sa appointment mo at kasalanan ko pa."
"I will call you later," he promised.
Magaan ang paa niyang sumakay ng elevator. It was a start a new day for her. Iba na ang pakiramdam niya sa mga araw na di pa bumabalik si Rolf sa buhay niya. She felt so light. Na kahit na anong problema ay walang epekto sa kanya. She was looking forward that at the end of the day, Rolf would be there for her.
Pagdating sa opisina niya ay sinalubong agad siya ni Reihina. "Ma'am Jenevie! Na-miss ko po kayo!" tili nito. "Wala na yata kayong balak na lumabas doon sa Stallion Riding Club."
"Nandoon lang ako para magpagaling."
Humagikgik ito at tinampal ang braso niya. "Hindi na kayo mabiro. Sabagay kahit na ako man ang papasukin doon sa riding club, di ko na rin gugustuhing lumabas. Ang daming mayayamang guwapo. Tapos si Sir Rolf pa ang kasa-kasama ninyo sa villa. Sana pinikot na ninyo."
"Hindi ko siya kailangang pikutin."
"Boyfriend na ninyo siya, Ma'am?"
"Bakit ang dami mong tanong?"
"Gusto ko lang namang malaman ang update sa love life ninyo, Ma'am. Wala bang nangyaring kakaiba sa inyo ni Sir Rolf? Ilang araw kayong magkasama, ah!"
Sinulyapan niya ito. "Maraming nangyari sa amin."
Halos malaglag ang panga nito sa pagkabigla. "Marami? Ay! May kasama bang acrobatics diyan, Ma'am?"
Kumunot ang noo niya. "Anong acrobatics?"
"Iyon ang tawag sa mahihirap na position sa Kamasutra."
"Heh! Anong Kamasutra?" Namula siya kaya mabilis niya itong tinalikuran. "Wala kaming ginawang ganoon ni Rolf, no?"
Sex was out of the question. If they would make love again, he wanted to have his ring on her finger first. Isa pa ay di pa siya handa nang mga panahong iyon. Gusto ulit nilang kilalanin ang isa't isa.
Iba na ang relasyon nila kaysa sa dati nilang samahan. She was more considerate now and open to change. Di tulad dati na si Rolf lang ang laging nag-a-adjust sa kanya. Mas naa-appreciate pa niya ang mga maliliit na bagay na ginagawa nito para sa kanya noon. And their bond was stronger now.
"Welcome back, Attorney Escudero," bati ni Lennard sa kanya.
"Sir Lennard, napansin ba ninyo ang pagbabago sa aura ni Ma'am Jenevie?" nang-iintriga pa ring tanong ni Reihina.
"She looks prettier now. It must be the air at the riding club."
"Naku! Si Sir Rolf lang ang sagot diyan." Nanghaba ang nguso ni Reihina. "Di naman kami nagkakalayo ng kagandahan. Bakit ako walang boyfriend na kasing guwapo at kasingyaman ni Rolf Guzman?"
"Magpabaril ka rin sa balikat," suhestiyon ni Lennard.
Napahawak si Reihina sa sariling balikat. "Aw! Di pang-action ang beauty ko. Magho-horror na lang siguro ako."
"Rei, ikaw na ang bahala dito. Sa office muna kami ni Attorney Agustin," aniya sa pormal na boses at kasunod na pumasok sa opisina niya si Lennard. "Ano nang update sa mga kasong hawak natin?"
"Dahil sa nangyari sa iyo, naging mahigpit na ang security dito sa opisina. Tumulong si Rolf para madagdagan ang security cameras at security officer dito sa area."
"Ginawa niya iyon?" Di naman kasi nabanggit ni Rolf sa kanya.
"Di daw siya mapapanatag kung kulang-kulang ang security dito habang may banta sa buhay mo. Galit ka ba?"
Umiling siya. "Nagulat lang ako. At least Rolf cares for me."
"Looks like you tamed a playboy, compañera."
Tumikwas ang kilay niya. "Nahahawa ka na kay Reihina. Anything else? Kumusta ang problema natin kina Mang Antonio?"
"Humigpit ang security sa kanila lalo na nang maaksidente ka. Nangako ang Regional Director ng PNP na sisibakin niya sa pwesto ang mga tao sa station doon kapag patuloy pa rin ang harassment kina Mang Antonio. Lalo na ngayon. Magpa-file tayo ng kaso sa harassment case."
"But we have to be careful. Marami pa tayong mga kalaban. We still have another case for the Maracabes at the Court of Appeals." Isa ang mga kasong iyon sa tinitingnang anggulo sa pagtambang sa kanya.
"You are right. We can't relax."
Hindi na siya magiging padalos-dalos ngayon lalo na't kaligtasan niya ang pinag-uusapan. She couldn't take the risk. Ngayon pa lang siya nagiging masaya sa piling ni Rolf. Di siya papayag na mawala sa buhay nito dahil alam niyang siya lang ang kaligayahan nito. They couldn't lose each other for the second time.