ALAS DIYES na dumating si Jenevie sa opisina niya sa Crusade Against Violence and Injustice. Galing siya sa breakfast meeting kasama ang iba pang miyembro ng organization. Dahil sa pagkakapanalo ng kaso nila sa tribong Maracabe, dumagsa ang nagbigay ng donasyon sa kanila at humihingi ng tulong sa kaparehong kaso. Maganda ang exposure na nakuha nila sa media kaya nakakuha iyon ng public awareness. maging ang ibang mga non-governmental organization ay gusto ring magbigay ang assistance sa kanila.
"Good morning, Ma'am," bati ng sekretarya niyang si Reihina.
Nakasunod ito pagpasok niya sa private office niya. "May natanggap ba akong tawag? What is my schedule for today?" tanong niya nang di ito nililingon. Agad niyang binuksan ang laptop computer niya para mag-check ng emails.
"Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo," anito sa nanginginig na boses.
Nang iangat niya ang tingin ay may hawak itong isang bouquet na black rose. Kinuha niya ang rosas mula sa nanginginig nitong kamay. "Sige na. Ako na ang bahala dito," aniya sa pormal na boses.
Binuksan niya ang card na kalakip niyon.
Attorney Escudero, tigilan mo na ang pagiging pakialamera mo kung ayaw mong dalawin ka na lang sa sementeryo.
"How inspiring," usal niya at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho.
Di na siya tinatablan ng mga death threats. Natutuwa pa siya dahil ibig sabihin ay maraming takot sa kanya. Mas masidhi ang kagustuhan niyang makatulong sa iba kaysa intindihin ang mga banta sa buhay niya. Walang mangyayari kung magpapatakot siya.
"Busy?" narinig niyang tanong sa kanya.
Paglingon niya sa pinto ay nakatayo si Rolf Guzman. Nahigit niya ang hininga. Tuwing nakikita niya ito ay di niya iyon maiwasan. He was a sight to behold. His slightly long wavy hair was hanging just above his shoulder. He was thirty years old now. Filipinong-Filipino din ang kulay nito dahil sa paglalagi sa ilalim ng araw. He was almost six feet with a perfect nose and tempting lips. Isa tingin pa lang, manginginig na ang tuhod ng kahit sinong babae.
He was into car dealership. Dati itong racecar driver. He gave up his passion when he asked her to marry him. And she turned him down flat. Di na ito nakikipagkarera pa. Naka-focus na lang ito sa pagiging miyembro ng prestihiyosong Stallion Riding Club kung saan mayayaman at sikat lamang na lalaki ang nagiging miyembro. And Rolf was one of the most celebrated members of the club. Magkaiba at malayo na ang buhay nila sa isa't isa.
Ilang buwan na ba niya ito nang huli niyang makita? Maliban sa occasional na paglabas nito sa diyaryo at magazine kasama ang iba't ibang magagandang babae ay madalang na silang magkita. Hangga't maari ay iniiwasan niya.
"Masyado yatang mataas ang araw dito sa opisina ko," tukoy niya sa sunglasses na suot pa rin nito hanggang ngayon.
Tinanggal nito sunglasses. Then he massaged the bridge of his nose. "Sorry. Late na akong nakatulog dahil may party kagabi sa riding club."
She pressed the intercom. "Rei, a cup of black coffee please."
Umupo si Rolf sa harap niya. "Anong coffee iyon?"
"Kona coffee."
Napapitik ito. "My favorite. That's sweet of you. Hanggang ngayon di mo pa rin nakakalimutan ang paborito ko. Pinaghandaan mo pa ang pagbisita ko."
"Excuse me! Hindi ko alam na dadating ka ngayon."
"Maybe you are wishing that I'd come. Kaya nag-stock ka ng kape para I-serve mo sa akin pagdating ko." Dumukwang ito at pinisil ang pisngi niya. "Thank you, dear. You are really an angel."
Tumalim ang tingin niya nang gamitin nito ang endearment na ginamit sa kanya dati. Rolf was her first and only boyfriend. They met during college when she was taking up Political Science. Noong una ay ayaw niya dito dahil nayayabangan siya dito at ubod nang playboy. Pero nagbago ito para sa kanya. Tatlong taon din niya itong naging boyfriend.
Until they broke up five years ago. Isa siya sa mga tinututukan di lang sa UP Law School kundi maging sa foundation nila. Malaki ang naitutulong niya sa mga abogado para maipanalo ang kaso. Nakakasama na rin siya sa mga tumatanggap ng death treats. Pinapili siya ni Rolf kung ang trabaho niya o ang relasyon niya. Mas pinili niya ang trabaho niya.
"Galing ang director namin sa Hawaii kaya nag-uwi siya ng Kona. Don't get any illusion that I am still carrying a torch for you. Saka bakit basta ka na lang dumating dito nang hindi nagse-set ng appointment?"
"Di uso iyon sa akin. Baka takasan mo pa ako."
Pinagsalikop niya ang mga palad. "What do you want from me?"
He smiled sweetly. "Nagustuhan mo ang flowers na padala ko?"
"Flowers?" tanong niya at itinaas ang bouquet ng black roses. "Ito ba ang flowers na tinutukoy mo?"
"Damn!" bulalas nito at inagaw ang bulaklak mula sa kanya.
"Rolf, akin na iyan!" aniya at tumayo.
Parang wala itong narinig at binasa ang nakasulat sa card. Nilukot nito ang card at namumuhing pinagmasdan ang itim na rosas. "Siguro dahil ito sa pagkakapanalo mo sa kaso kahapon. Pero hindi sa akin galing ito."
"Alam ko," kaswal niyang sabi.
"Dapat I-report natin ito sa mga pulis."
"Cool down, Rolf. This is nothing."
"Pinagbibintangan ka ngang patayin. Wala lang sa iyo?"
"Maniwala ka naman sa mga duwag na iyan. They can't harm me."
"Paano kung bomba na ang isunod nilang ipadala sa iyo?"
Nagkibit-balikat siya. "Eh, di thank you."
He gritted his teeth. Kahit kasi ano pang scenario ang ikwento nito ay di siya apektado. "Nasaan ang bulaklak na bigay ko?" pasigaw nitong tanong at dumungaw sa desk ni Reihina. "Rei, may nai-deliver ba kanina dito na isang basket ng assorted flowers? Iyong para kay Evie!"
Abot-tainga ang ngiti ni Reihina nang ipasok ang basket ng mga bulaklak. "Sorry, Sir Rolf! Nakalimutan ko po kasing ibigay."
"Dapat ito ang ibinigay mo. Not this trash. Masisira lang ang araw ni Evie dahil sa mga iyan. Mabuti pa itapon mo na lang ang mga iyan," utos ni Rolf.
"Huwag! Ipapa-frame ko pa iyan." Inilahad niya ang palad. "Akin na!"
Humarang agad si Rolf pagitan nila ni Reihina. "Huwag mo sabing ibigay."
Di tuloy alam ni Reihina kung sino ang susundin sa kanila. Inabot na lang nito ang bulaklak kay Rolf. "Bahala na po kayo diyan. Babalik na ako sa trabaho ko."
"Jenevie, why are being so stubborn about this?" Rolf asked.
"Because you are fretting over the stupid flower."
"I am not fretting over the flower. Naiinis ako dahil hindi mo iniintindi ang mga death threat sa iyo. Dapat nagre-report ka na sa pulis, nanghihingi ng escort at pinapa-check ang security para di ka nila ipahamak. Kung gusto mo magpapakuha ako ng bodyguards para sa iyo…"
Namaywang siya. "Rolf, stop acting as if you are still my boyfriend."
Natigilan ito. "Hindi na ba?"
Ngumiti siya at tumango. "Yes! Five years na."
Ibinaba nito ang tingin. "Sorry. I was carried away." Galit ulit ito nang humarap sa kanya. "Ikaw kasi! Nakakainis ka! Matigas ang ulo mo. Ikaw na nga ang inaalala pero parang balewala sa iyo."
"I appreciate the concern. Thank you. You have nothing to worry about me. Mag-iingat naman ako. Pang-ilang death threat na iyan pero wala pang nangyayari sa aking masama. And if worse comes to worst, I know how to protect my self." Marunong siya ng martial arts at pati paghawak ng baril.
"Hindi iyan ang gusto kong marinig sa iyo," anito sa madilim na mukha. "Mas gusto kong sabihin mo na susundin mo ako."
"You know that it won't happen. Not in this lifetime."
Naglaban ang mga mata nila. Alam ni Rolf na kahit kailan ay di niya isusuko ang trabaho niya at ang lahat ng panganib na kaakibat niyon. Minsan na siyang pinapili ni Rolf. Kung trabaho niya o ang pagmamahalan nila. Pinili niya ang una at pinalaya ito.
Sa huli ay ito rin ang sumuko at iniwas ang tingin sa kanya. "If that is what you want…" Ibinalik nito ang bulaklak sa kanya. "Sana hindi na lang ako nag-alala sa iyo. Nai-cancel ko pa mandin ang date ko para I-congratulate ka."
"Tawagan mo ulit. I am sure hindi iyon tatanggi."
Napanganga ito. Walang epekto sa kanya kahit na may ibang babae sa buhay nito. Break naman na sila. "Ikaw nga sana ang yayayain ko! Kaso busy ka naman kaya aalis na lang ako."
"Mag-enjoy ka sa date mo," aniya at kumaway.
Tumigil ito sa paglakad at humarap ulit sa kanya. "Wait. I forgot something."
"What is it?"
He grabbed her waist and claimed her lips in a passionate kiss.