Chapter 349 - Chapter 3

It came all of a sudden. Parang tornado ito na basta na lang siyang tinangay. She was swirling with sensation. She just opened her lips to accept his kiss. Kusa ring yumakap ang kamay niya sa leeg nito. It has been a long time since they last kissed. And she was responding to him in a way like they never kissed before. Ni hindi na siya nakapag-isip niya. She just responded on what her body dictated.

She just looked at him dazedly when their lips parted. And he had that victorious smile in his lips that had just claimed his prize. "If you change your mind about us, you know where to find me," he whispered.

Napasandal siya sa desk niya nang bitiwan siya nito. Parang nilindol siya ng intensity nine sa Ritcher scale. Di pa rin nagbabago ang epekto ng halik ni Rolf sa kanya. Gusto sana niya itong habulin para sabihin na wala itong karapatan na halikan siya dahil break na sila. Pero paano niya gagawin iyon kung naestatwa siya?

Pumasok ng kuwarto si Reihina at ikinaway ang palad sa mukha niya. "Ma'am, okay lang kayo?"

Napakurap siya at ibinigay ang black roses dito. "Itapon mo na ito. Sa susunod na may ganyan pang dumating, itapon mo na rin," aniya at bumalik sa harap ng laptop computer habang kinakalma ang sarili.

"Iyong bigay ni Sir Rolf itatapon din po ba? Akin na lang."

"Hindi pwede." Iwinaksi niya ang kamay. "Bumalik ka na sa desk mo."

Sinulyapan niya ang bulaklak na bigay ni Rolf nang makalabas si Reihina. Nawala ang pagod niya sa iba't ibang kulay ng bulaklak. Matapos ang kung anu-anong banta sa kanya, masarap ang pakiramdam na makatanggap ulit ng bulaklak galing kay Rolf. She sighed. She didn't understand why he was acting as if he was still her boyfriend. As if he had the right to hold her and kiss her . At may karapatan ba siyang maging masaya nanghalikan siya nito at bigyan ng bulaklak?

 Sumandal siya at huminga nang malalim nang maalala ang halik nito. Nararamdaman pa rin niya ang labi nito sa kanya. Kahit na tatlong taon na silang hiwalay, di pa rin nawawala ang epekto nito sa kanya.

It was like a curse. Rolf Guzman had branded her – body and soul. Ang akala ng lahat ay wala na itong epekto sa kanya. But she knew better. He had a claim on her. Dahil ito lang ang may kakayahang kumontrol sa puso niya.

"NAKU, Ate Evie! Kung makikita mo lang kung paanong dumikit ang Champagne na iyon kay Kuya Rolf. She's like a leech. Sinasabi pa niya sa akin kung saan sila magpapakasal at isasama pa daw niya ako sa entourage. Hindi rin naman siya ilusyunada, di ba?" sintir ni Illyze, ang nakababatang kapatid ni Rolf at matalik na kaibigan naman ng kapatid niyang si Jenna Rose.

Nasa fashion boutique siya ni Jenna Rose. Nagpapagawa ng gown si Illyze habang siya ay dumadalaw lang. Parang kapatid na rin ang turing niya kay Illyze. Nasanay na siyang makinig sa mga sentimyento nito sa buhay. Pero wala itong bukambibig tuwing magkikita sila kundi ang reklamo nito sa mga babae ni Rolf.

"Walang masamang mangarap. Libre iyon," aniya at habang binabasa ang article sa isang women's magazine tungkol sa breast cancer. Mas interesante sa kanya ang isyu na iyon kaysa sa mga babae ni Rolf.

"I don't want to be a part of it! Minsan lang naman silang nag-date ni Kuya pero kung umasta siya parang magpapakasal na sila." Napangiwi ito. "Ewww! Kinikilabutan talaga ako kapag naiisip ko. It gives me creeps."

Kinuha ni Jenna Rose ang sukat ng waistline nito. "Paano nga kung magpakasal sila? Wala ka namang magagawa, di ba?"

"Kung magpapakasal man sila ni Kuya, malamang pinikot niya o kaya kinulam," sintir pa rin ni Illyze. "At ipapa-salvage ko muna siya o kaya ipapatapon ko sa malayong isla sa Pacific Ocean para di niya guluhin ang buhay ni Kuya. Ayokong magkaroon ng sister-in-law na walang brain cells."

"Ano bang sister-in-law ang gusto mo?" tanong ni Jenna Rose.

"Siyempre si Ate Evie lang. Siya lang ang bagay kay Kuya. Matalino, smart, maganda at siya lang ang babaeng sineryoso ni Kuya."

Nilingon niya ito. "And I also dumped him. Alam mo naman kung bakit di ko na pwedeng balikan ang Kuya Rolf mo, di ba?"

Bumagsak ang balikat ni Illyze. "Yes. Pinapili ka niya sa trabaho mo at sa kanya at trabaho mo ang pinili mo."

"Do you think I deserve your brother after I did it?" she asked Illyze.

Nagkatinginan sina Jenna Rose at Illyze. Nagkibit-balikat lang ang una. Wala rin naman magagawa kahit ang pamilya niya nang hiwalayan niya si Rolf.

"Hindi mo na ba bababalikan si Kuya Rolf? Isang salita mo lang doon, magkukumahog na iyong bumalik sa iyo," anang si Illyze.

"Bakit pa niya ako babalikan? Marami namang babae na naghahabol sa kanya. Kabi-kabila ang idine-date niya. Ang mga babaeng iyon, ibibigay sa kanya ang lahat ng atensiyon na gusto niya. And it has been five years. Wala na kaming epekto sa isa't isa."

Illyze looked at her with narrow eyes. "Are you sure? Wala nang epekto sa iyo si Kuya Rolf kahit na halikan ka pa niya?"

Mabilis siyang tumalikod. "Kahit maghubad pa siya sa harap ko."

Ayaw niyang makita nito ang pamumula ng mukha niya. Mabuti na lang at sanay siyang kontrolin ang boses. HUwag lang sana siyang hahamunin ni Illyze sa totoong buhay. Tiyak na matatalo siya. Isang halik pa lang sa kanya ni Rolf, paniguradong manginginig na ang tuhod niya. At kung maghuhubad man si Rolf sa harap niya, tiyak na tuluyan na siyang mawawala sa sarili.

"Sabi ko sa iyo abnormal si Ate Evie," wika ni Jenna Rose. "Siya lang yata ang babae na di tatablan kapag naghubad si Kuya Rolf."

"Mabuti pang tumandang binata na lang si Kuya Rolf kaysa naman sa ibang babae lang siya mapunta. Baka malahian pa ng di kanais-nais na lahi ang lahi namin. Hindi talaga ako papayag!" anang si Illyze at humalukipkip.

"Oo nga. Sayang ang lahi ninyo," sang-ayon ni Jenna Rose.

"Kahit ba ikulong natin si Kuya Rolf at Ate Evie sa isang kuwarto, sa palagay mo wala pa ring epekto sa kanila?" suhestiyon ni Illyze.

Nanlaki ang mata niya at tumayo. "Hoy! Magsitigil nga kayong dalawa. Subukan lang ninyong gawin iyan at ipapatapon ko kayo sa crocodile infested na ilog! HIndi na ako natutuwa sa inyo!"

Nagtataka siyang pinagmasdan ng dalawa. "Okay ka lang, 'Te?" tanong ni Jenna Rose. "Akala ko ba wala nang epekto sa iyo si Kuya Rolf kahit na maghubad pa siya sa harap mo? Bakit nagpa-panic ka diyan?"

Natigilan siya. "Ano… hindi na maganda ang sinasabi ninyo, eh!"

Kilala niya ang dalawa kapag nagplano. Ang mga ito ang madalas na mag-set up ng date nila noon si Rolf. Nang nakawan siya ng halik ni Rolf, napilitan siyang sagutin ito para sagipin ang kanyang puri.

Nanunuksong ngumiti si Illyze. "Uuuyyy, nagba-blush si Ate Evie. Ngayon na lang ulit kita nakitang nag-blush."

Sinapo niya ang pisngi. "Blush on lang iyan!" Mabilis niyang hinablot ang bag niya. "Aalis na ako. May pag-aaralan pa akong kaso. Next week na ang hearing ko."

"Ate Evie, may ipinabibigay pala si Kuya Rolf sa iyo," habol ni Illyze.

"Ano na naman iyan? Tigilan na ninyo ang katutukso sa akin, ha?" aniya at pinanlakihan ito ng mata. Nawawalan siya ng kontrol basta si Rolf ang pinag-usapan.

"Invitation lang naman para sa birthday niya," sabi nito at inabot ang black envelope sa kanya. Sa isang buwan na iyon.

"HIndi pwede. Busy ako," aniya sa malamig na boses.

"Ay!" malungkot nitong usal. "Sabi niya kapag di ka daw sumama, gagawin daw ulit niya iyong ginawa niya nang huli kayong magkita."

"Ano?" bulalas niya. Nagtayuan ang balahibo niya nang maalala kung paano siya halikan ni Rolf. She was nailed. Alam ni Rolf ang kahinaan niya.

"Ate, anong ginawa ninyo ni Kuya Rolf nang huli kayong magkita?" inosenteng tanong ni Jenna Rose.

Hinablot niya ang invitation mula kay Illyze. "Wala!"

Wala talagang balak si Rolf na patahimikin siya. Matagal na silang hiwalay pero di pa rin siya makatakas dito.

Huminga siya nang malalim nang makapasok sa loob ng kotse niya. Calm down, Jenevie. She was a calm and cool lawyer. Di siya dapat nagpapadala.

Sinulyapan niya ang invitation sa birthday ni Rolf. Di siya pupunta doon. Ano ngayon kung magbanta ito? Kahit pa halikan ulit siya nito. She would be ready for his onslaught. She would resist him this time.