Chapter 323 - Chapter 12

Nakapangalumbaba si Celestine habang nasa cottage na madalas nilang I-occupy ni Philippe sa Lakeside Café. Ilang araw na silang di nagkikita ni Philippe. Lagi kasing nakadikit dito si Samantha. Hanggang sulyap lang ito tuwing nagkikita sila. Sinusubukan siya nitong tawagan pero agad ding pinapatay ang cellphone dahil nakabantay dito si Samantha.

Bumuntong-hininga siya. She missed him a lot. Nami-miss niya ang pangungulit nito sa kanya at pagiging sweet nito. Pero habang nariyan si Samantha, hindi man lang niya ito maabot. Sino ba si Samantha sa buhay nito? Minahal ba nito ang babae? Baka naman nagkabalikan na ang mga ito. At paano na siya? Habambuhay na lang ba niyang itatago ang nararamdaman niya kay Philippe?

"Celestine!" tawag ni Philippe sa kanya at hangos na yumakap nang mahigpit. Di na siya makahinga sa yakap nito. Parang sampung taon silang di nagkita.

"B-Bakit, PJ?" naguguluhan niyang tanong.

"Wala. Nami-miss lang kita."

Pumikit ito at hinayaan itong yakapin siya. She also missed him. And the warmth of his body was enough to melt the emptiness she felt. It was like another part of a very nice dream. At wala siyang balak na gumising.

"Talaga? Na-miss mo ako?" tanong niya.

"Yes." Kinintalan siya nito ng halik sa labi. "Hindi ka naniniwala?"

Umupo siya sa bamboo seat ng cottage. "Lagi mong kasama si Samantha. Bakit mo naman ako mami-miss?"

Inilapit nito ang mukha sa kanya. Mukhang balak na naman itong ilangin siya. "Nagseselos ka, no? Uy, nagseselos," tukso nito.

Umirap siya. "Hindi, no? Bakit naman ako nagseselos?"

"You are right. Wala kang dapat ipagselos."

Nasaktan siya sa sinabi nito. Ipinamumukha ba nito sa kanya na wala silang relasyon? Wala siyang karapatan dito kaya anong ipagseselos niya? Samantalang si Samantha ay naging girlfriend nito.

"Anong ginagawa mo dito?" masungit niyang tanong.

Humiga ito sa kandungan niya at inunat ang katawan sa kawayang upuan. "God! I am so tired. Buti na lang alam ng driver ng golf cart na naghatid sa akin na nandito ka. Siya rin kasi ang naghatid sa iyo."

Mukhang pagod nga ito. Nanlalalalim ang mga mata nito. "PJ, bakit parang wala ka na namang tulog?"

Di maiwasang bumangon ang selos niya. Baka di ito pinatutulog ni Samantha. Balita nga niya ay magkatabi pa ang kuwarto ng mga ito sa guesthouse.

Tumingala ito sa kanya. "I am always on guard. Di ako makapagpahinga nang matagal. Lagi kong inaalala na baka pasukin na Samantha ang kuwarto ko. Ngayon nga tumakas lang ako sa kanya. Daig ko pa ang may guwardiya-sibil."

Hinaplos niya ang noo nito. "Hindi ba naging girlfriend mo siya?"

Naging malungkot ang mga mata nito. "Yes. Pero last year pa kami break."

"Bakit kayo naghiwalay?"

Ipinatong nito ang kamay nito sa tiyan. "Magkaiba kami ng gusto sa buhay. At first, I fell in love with her. She is very smart. Maganda na ang mga plano namin at gusto ko na rin siyang alukin ng kasal. Then I told her about my past. Na hindi ko alam kung sino ang tunay na magulang ko. That's when the row started. Ayaw niyang hanapin pa ang tunay kong ina. Makakasira lang daw siya sa reputasyon ko kung sakali. At di daw niya matatanggap na kikilalanin kong ina ang babaeng nang-iwan sa akin. Pati daw reputasyon niya madadamay kapag nalaman ng iba na isang ampon lang ang boyfriend niya."

Napamaang siya. "What? Sinabi niya iyon?"

Malungkot itong ngumiti. "Yes. Right to my face. Lumabas ang totoo niyang kulay. She is a brat. Sarili lang niya ang iniisip niya. Saka ko lang na-realize na isang mababaw na tao lang pala ang minahal ko. Dahil din sa kanya, pinili kong tumanggap ng projects abroad. Ayoko na sana siyang makita."

"Siya ang dahilan kung bakit ayaw mong makinig ng love songs?"

"Natatakot na kasi akong ma-in love. Paano kung mangyari ulit iyon? Na ang babaeng mahal ko, di katulad nang inaakala ko. Na di niya kayang tanggapin ang totoong pagkatao ko? I can't live with that."

"But she wants you back, Philippe. Minsan mo na siyang minahal. Baka bumalik ang nararamdaman mo sa kanya." Ayaw man niyang ma-in love si Philippe sa ganoong klaseng babae, di naman niya hawak ang emosyon nito.

"Ayoko na sa kanya." He touched her hair and fondled it with his fingers. "Celestine, huwag mo akong ibibigay sa kanya."

It was like a plea. Ayaw na nitong bumalik pa kay Samantha. Pero di niya alam kung bakit sinabi nito iyon sa kanya. She didn't own him. But right at that moment, she felt like she had the right over him. Di na niya tinanong pa kung tama ang pakiramdam niya. Masyadong komplikado kung magtatanong pa siya at di rin niya makukuha ang sagot na gusto niya. The message was simple. She won't give him away. Definitely not to Samantha.

"Yes, I won't."

Ngumiti ito at ipinikit ang mga mata. "Tin, please sing for me. I want to hear your voice before I go to sleep."

"Ano ka? Baby? Ginawa mo pa akong yaya mo."

"Tin, please! Ilang araw na akong walang tulog. Ni hindi kita makausap. Hindi ko marinig ang boses mo. Ngayon lang ako nakatakas kay Samantha. Ngayon lang ako magiging komportable dahil alam kong kasama kita."

She breathed deeply. How could she say no to him? "Anong gusto mong kanta? Total Eclipse of the Heart."

"I am too tired to laugh. Baka mamaya masesante ka na ng boss mo. O kaya ihagis ka sa bulkan. We Belong na lang."

"Akala ko ba ayaw mo no'n?"

"Before, I decided not to give my heart to anyone. Sa palagay ko kasi walang tatanggap sa pagkatao ko at mamahalin ako nang buo. But I found out to whom I belong to. And I want to hear that song again."

Hinaplos ng daliri niya ang buhok nito. "Don't you know that we both belong, baby? Don't you know that we will last forever? I knew it from the start. We belong."

Nakatulog na nga ito sa kanta niya. He looked like a baby. Parang walang problema at kasalukuyang nasa isang magandang panaginip. She wished that he was dreaming about her. She wished that he belonged to her.

GALING si Celestine sa Manila para dalawin ang pamilya niya. Inaayos na ang kasal ng Ate Evita niya at tumutulong siya sa preparation. May schedule pa siya na magpasukat para sa gown. Mabuti at pumayag ang designer na si Jenna Rose na sa boutique nito sa riding club na lang siya kunan ng sukat.

Pagpasok ng lodging house ay nagulat siya nang nakapaligid ang lahat ng mga Malisyosa sa nakaupong si Samantha. Matalim ang tingin ng bawat isa at halatang di komportable si Samantha.

"Ma'am Tin, may bwisita kayo," nakataas ang kilay na sabi ni Ericka. May hawak itong tray at parang gustong ihampas sa mukha ni Samantha.

Tumayo si Samantha. "Finally, you are here. Please tell there ugly people to get out of my sight. Ikaw lang ang gusto kong makausap."

Tinanguan niya ang mga tauhan. "Girls, sige na. Ako na ang bahala."

"Tawagin mo lang kami kapag may sinabing hindi maganda ang babaeng iyan. May kalalagyan iyan," babala ni Ericka at lumabas na kasama ang iba.

"Can I offer you anything?" she asked nicely. Kahit naman ayaw niyang makita ito, kailangan pa rin niyang maging sibilisado.

"Don't bother. I won't stay here for long."

May inabot ito sa kanyang papel. Nagulat siya nang matuklasang cheke iyon. "What is this?"

"A check worth half a million. Just stay away from Philippe."

She inhaled sharply. "Excuse me? At bakit ko naman siya lalayuan?"

"Because he is mine," walang kakurap-kurap nitong sabi.

"If he is yours, you don't have to do this." At inilapag niya ang tseke sa center table. "You don't even have to ask me to stay away from him."

"I know your type, Miss Gonzalo." Tiningnan ulit siya nito mula ulo hanggang paa. "Ambitious. Dumidikit na parang linta sa mga taong makakatulong sa pag-angat nila sa buhay. And it happens that Philippe is your host. You are right. Hindi na kita dapat bayaran. But I want to make sure that Philippe will be mine alone. At wala nang manggugulo pa sa aming dalawa."

Siya pa ang linta. Siya pa ang panggulo. "Break na kayong dalawa, hindi ba? That didn't give you any right to call him yours."

"I am taking him back and I want you out of the way."

"What if I don't want to?"

Naglakad ito paikot sa kanya. Her high-heeled stiletto made a click on the floor. "As if I would allow that. Sisirain lang ng cheap image mo ang career na ilang taon niyang pinaghirapan. Mawawala sa kanya ang lahat. Unlike me. My dad is a producer. Marami siyang koneksiyon. Philippe and I would be a perfect couple. Lalo pa siyang sisikat dahil sa akin. Lalo na kapag kasal na kami."

"And what makes you think that he will marry you. Hindi ka naman kailangan ni PJ para sumikat," prangkahan niyang sabi. "Hindi siya kasing babaw ng iniisip mo. He can make it on his own. Without you or your dad's influence."

"Did Philippe tell you that?"

"Yes. And a lot more. He asked me a big favor. Huwag ko daw siyang isusuko sa iyo. At hindi naman ako papayag na sa isang makasarili at walang manners na babae siya mapupunta. His life would be miserable."

Sumabog ang galit nito. "Miserable? I am going to give him a good life! Paano siya magiging miserable kung ako ang pakakasalan niya? I will give him everything. He will get the best projects in the industry. Dadami ang sponsor niya."

"Kaya mong ibigay sa kanya ang lahat?"

"Yes. Anything," she emphasized.

"If you can, then you can help him find his mother."

"No way!" mariing tutol nito. "Definitely not when that woman is concerned. Hinding-hindi ko siya tutulungan na hanapin iyon."

"Iyon ang pinakaimportanteng bagay kay PJ. To see his real mother."

"Silly. I already worked so hard to ensure his success. Nagawa kong bayaran ang nanay niyang nakatira sa squatter's para lang di masira ang reputasyon niya at kaya ko ring gawin iyon sa iyo."

Pakiramdam niya ay binagsakan ng malaking bato ang dibdib niya. Ang babaeng ito mismo ang naglayo sa kay Philippe ng taong magpapasaya dito. Binayaran nito ang nanay ni Philippe para di magpakita. All his life, Philippe wondered who he really was. Parang sinira na rin ni Samantha ang pagkatao nito.

Nakuyom niya ang palad habang pinipigilan ang sarili na saktan si Samantha. She thought she was simply a brat. But she was worse than that. She was the most rotten person she had ever met.

"Get out! Bago pa ako may magawa sa iyo." Binuksan niya ang pinto. "Just get the hell out!"

Subalit sa halip na lumabas ay nanatili lang ito sa kinatatayuan at nakatulala. Daig pa nito ang nakakita ng multo. "P-Philippe."

Nang tumingin siya sa labas ay naroon nga si Philippe. Matiim ang anyo nito at gaya niya ay nakakuyom din ang palad. Narinig nito ang lahat. "Tama ba ang narinig ko? Binayaran mo ang nanay ko para di magpakita sa akin? How dare you! Matagal ko na siyang hinanap pero inilayo mo lang siya sa akin!"

"Bakit ka nagagalit? Dapat nga magpasalamat ka sa akin. I am just trying to protect you," depensa ni Samantha.

"Protect me?" Sinambilat ni Philippe ang braso nito. "You did it for your own sake! Wala ka namang pakialam sa nararamdaman ko."

"Oh, don't you get it? Your reputation will be tarnished once the people find out that your mother gave you up and she lives in a slum. Kung di ko pa siya nakita, baka sinabi na niya sa lahat na siya ang nanay mo. In-explain ko sa kanya na kung inaalala ka niya, di niya sisirain ang career mo. So I helped her a little!"

Humigpit ang pagkakahawak ni Philippe sa braso nito. "Conniving bitch! You even used me against my own mother. Masyado kang nagmamagaling! Akala mo ba kailangan ko ng mga kaipokritahan mo? I don't really care if you don't accept me. Hindi ko mabubura kung ano ako kahit pa ng pera mo."

Maluha-luha na si Samantha. "But Philippe, I did it for us. For our future."

"We have no future together." Saka nito binitiwan si Samantha.

"At sino ang gusto mo? Ang babaeng iyan!" At dinuro siya ni Samantha.

Ginagap ni Philippe ang kamay niya habang naghihintay siya ng isasagot nito. "I love her. It is something you can't erase."

"Why? Because she accepts who you really are?" Ngumisi si Samantha at pinahid ang luha. "That is bullshit! Tingnan natin kung hanggang saan ka niya maidadala. Kung masasagip ka pa niya kapag wala ka nang career dahil sa kanya. Lalo na sigurong mawawalan ka ng career kapag nalaman ng lahat kung sino ang tunay mong ina."

"Go ahead! Gawin mo kung anong gusto mo. I don't really care," sabi ni Philippe. "I don't care about you anymore."

"Fine! Huwag mo akong sisihin kapag sirang-sira ka na. I will make sure that you will regret this, Philippe."

"Just a piece of warning," sabi niya kay Samantha nang aalis na sana ito. "Bago ka gumawa ng kahit ano laban kay Philippe, gusto ko lang ipaalam sa iyo na marami rin kaming mai-impluwensiyang kaibigan dito sa riding club. They have lots of connection. More than you can imagine. At di nila kami pababayaan. Who knows what juicy secrets they can find out about you."

Napasinghap si Samantha at halatang natakot. "You two deserve each other. Low life!" singhal nito bago tuluyang umalis.