SABAY nilang pinanood ni Philippe ang papalayong kotse ni Samantha. Matapos ang komprontasyon ay nag-impake agad ito ng gamit. Parang sinisilihan na sa riding club. Nasa kuwarto sila ni Philippe at nakatanaw lang dito.
"Tapos na ang problema mo," sabi niya. "Kahit ilabas pa ang balita tungkol sa iyo at sa tunay mong ina, mas mapapadali pa no'n ang paghanap mo sa kanya."
"Yes, thanks to her I know my mother is alive. Alam ko na rin na gusto niya akong makita kung di lang nakialam si Samantha. I am sorry if she insulted you. Inalok ka pa niya ng pera para lumayo sa akin."
"But I did a great job. Di ko tinanggap ang pera. Pero saying din iyon. Half a million." Tumawa siya. "Di rin iyon basta-basta napupulot."
"But you didn't accept it. Mas importante ako sa iyo."
He didn't know how important he was for her. Kung malalaman ba nito, matutuwa kaya ito. "You are free now. Di ka na niya guguluhin." She smiled at him. "Makakatulog ka na rin nang mahimbing sa gabi."
"Sa tingin ko di pa rin ako makakatulog hangga't di mo sinasagot ang tanong ko." Hinawakan nito ang kamay niya. "Do you belong to me, Celestine?"
"P-PJ, what do you mean…"
He planted a kiss at the tip of her nose. "You called me PJ. Alam mo ba na pamilya ko lang ang tumatawag sa akin ng PJ? When you called me that, you already take a claim on me. As if you branded me as yours. And I know that I belong to you. I just want to know if you feel the same."
"Ano ba talaga ang nararamdaman mo?"
"I love you, Celestine."
"Ows?" pabiro niyang tanong. It was defense mechanism. Baka kasi mamaya ay nagbibiro lang ito. "Hindi nga? Mahal mo ako. Joke ba iyan?"
"Kailan ba naman ako nakipagbiruan sa iyo?"
"Nang sabihan mo akong I love you, too sa music lounge."
"Totoo ba ang I love you mo?"
"Ako pa ang tinanong mo. Sa dami ng guwapo dito sa riding club, ikaw lang ang pinansin ko. Ikaw lang ang laman ng panaginip ko. Willing akong I-risk ang buhay ko basta lang ipakita ang tiwala ko sa iyo. Kung di pa love iyon sa iyo, ewan ko na lang kung…"
Pinigil nito ang paglilitanya niya nang angkinin nito ang labi niya. It was a fierce kiss. So fierce, she felt the earth under her feet move. Yumakap siya sa leeg nito para di siya tuluyang bumagsak. She loved him. Nasabi na niya kung ano ang totoong nararamdaman niya. And she wished… how she wished that what he said was real. Na mahal rin siya nito. Na para ito sa kanya.
When the kiss ended, she just stared into his eyes. Nabubura na naman ang huling mga pinag-usapan nila. "Philippe, sinabi mo na bang mahal mo ako?"
"Oo. Kanina pa. Hindi ka pa naniniwala?"
Ipinilig niya ang ulo. "Nang halikan mo ako, parang naalog ang utak ko. Di ko alam kung imahinasyon ko lang iyon o totoo."
Humalakhak ito at niyakap siya. "Totoo iyon. Ikaw lang ang babaeng pinagkakatiwalaan ko at walang takot na nagtiwala sa akin. You risked riding that horse with me. You risked loving me despite of my past. You accept the real me even my weaknesses. At ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habambuhay."
"Pero hindi ka ba natatakot na masira ang career mo dahil sa akin?"
"I can risk losing that but I can't risk to lose you. You are the reason why I smile and laugh. I don't even have to fake it. It just shows how happy I am when I am with you. Don't take my happiness away from me, Celestine."
Yumakap siya dito. "I won't leave you ever. I love you, PJ!" sigaw niya.
DINAGSA ang premier night ng Stallion movie. Isa kasi iyon sa pinakamalaking pelikula ng taon. Di matawaran ang ganda ng istorya at ng cast. It was a sure box office hit. And Celestine was so proud of him.
"Magaling talagang umarte ang anak ko, hindi ba?" anang si Aling Alma, ang tunay na nanay ni Philippe na katabi niya noong premier night.
"Opo. Magaling po talaga siya."
Natagpuan din ito sa tulong ng ilang members ng riding club. Si Philippe mismo ang nagpakilala dito sa publiko. Lalo pang nakakuha iyon ng simpatya at malugod na tinanggap ng fans.
"Anak, narinig ko ang sabi ng isang talent scout kanina. Kukunin ka daw nilang artista. Bakit hindi ka pumayag?" tanong ni Aling Ditas.
"Huwag na. Tama nang may boyfriend akong artista."
"Aba'y may fan's club ka na. Sayang naman."
Natawa siya nang makita ang mga Malisyosa na nananood din ng premier night. Ang mga ito ang nagtatanggol sa kanya kapag may nagsasabi nang hindi maganda sa kanya bilang nobya ni Philippe. Sa kabuuan naman ay tanggap na ng mga fans ni Philippe na may girlfriend ito na labas sa showbiz. Sa panggigilalas niya ay padami na rin nang padami ang Malisyosa.
Niyakap siya ni Philippe nang victory party na. "Gosh! Na-miss kita."
"You did great, PJ. At maganda rin ang eksena ninyo ni Chloe sa kabayo. Mukhang hindi na siya takot."
"Idol ka daw niya pagdating sa pagiging matapang."
"Happy?" tanong niya.
"Yes. I feel complete. And I can't ask for anything more. Iyon nga lang, may favor na hinihingi sa akin ang Malisyosa."
"Ano iyon?" tanong niya.
"Ihalik mo daw sila sa akin. Ngayon na."
Nanlaki ang mata niya. Luminga siya. They were at the middle of the party. "PJ, maraming tao. Nakakahiya…"
He stopped her words with a fiery kiss. Gaya ng dati ay di na niya nagawa pang tumutol. Nagkislapan ang mga camera subalit di na niya pinansin. Nakalimutan na rin niyang mahiya. All she cared was Philippe and his mind-boggling kiss.
Now everyone knew that they really belong to each other.