"This is crazy. Sa dinami-dami ng naging girlfriend ko, alam ko na agad kung in love ako o hindi. Laging hindi ang sagot ko. When I asked that same question about you, I can't bear myself to say no. I know I am in love with you."
Keira is a professional horse trainer. She can tame the wildest horse, throw a few punches, and make friends with snakes. Subalit nang dumating si Eiji Romero sa buhay niya, di niya alam kung paano ito iha-handle.
Kahit na iba siya sa mga babaeng naide-date nito noon, patuloy pa rin ito sa pagsunod-sunod sa kanya. Naramdaman niyang babae siya kahit di niya kailangang magsuot ng make-up, magdamit ng pambababae o magsuot ng stiletto shoes.
Posible kaya na ma-in love sa kanya ang isang tulad ni Eiji?