"SO slide over here. And give me a moment." Sinasabayan ni Jenna Rose ang kanta sa discman habang tsine-check niya ang mga damit na gagamitin nila para sa Fashionista Gala na paglalaban-labanan ng iba't ibang fashion school na gaganapin sa RCBC Theater. Kinabukasan na kasi ang show kaya naman lahat ng mga kasali ay abala sa pagpe-prepare.
Ilang araw pa lang siyang fully healed mula sa aksidente pero nagpa-participate na ulit siya sa activities sa school nila. Ilan kasi sa design niya ay kasali sa show. Tsansa na niya iyon na magkaroon ng pangalan bilang batang designer.
Nilapitan siya ng organizer ng school niya. "Jen, ano ba naman? Wala pa rin ang model natin hanggang ngayon. Malapit nang magsimula ang rehearsal."
Huminga siya nang malalim. "Lagi na lang siyang late at wala, Miss Kelly." Kahit noong nagpi-fit sila ng mga damit na isusuot, siya na rin ang ginawang fitting model dahil laging wala ang model nila. Magkasingkatawan at magkasingtangkad kasi sila. "Pati ba naman sa mismong rehearsal wala siya? Baka mamaya pati sa mismong fashion show hindi rin siya sumipot."
Noon pa sana sila hihingi ng kapalit sa organizer ng show subalit iyon na ang ipinadala sa kanila. Kaya iyon na ang final. Wala na silang magagawa.
"Ikaw naman ang tumawag sa kanya. Low batt na ang cellphone ko katatawag sa kanya, eh!"
Lumabas siya dahil walang signal sa loob ng theater. "Hello, Lalaine! Where are you? Kanina pa kami tawag nang tawag sa iyo."
"Naka-off kasi ang cellphone ko dahil may klase ako. Bakit?"
"Bakit? May final rehearsal para sa fashion show at hindi mo alam kung bakit?" tanong niya sa mataas na tono.
"Oh! I am sorry. Ngayon na pala ang rehearsal. Akala ko bukas pa."
"Bukas na nga fashion night. Sabihin mo lang kung di ka dadating. Para naman ma-expect na namin na masisira ang school namin dahil sa iyo."
"That won't happen. I am a professional. Pupunta na ako ngayundin."
"Professional? Ganoon na pala ang definition niya sa professionalism ngayon. Nakakainis!" gigil niyang bulong nang matapos makausap ang modelo. Tinawagan niya si Miss Kelly. "Hihintayin ko na po si Lalaine dito sa labas. Baka mamaya may dahilan na naman siya para di makarating dahil naligaw siya sa loob ng theater at hindi na naman niya tayo makita."
"Oo. Mabuti pa nga. Okay na lahat dito sa loob. Kami na ang bahala."
"Kapag sinira ng impaktang iyon ang fashion show, kakalbuhin ko siya!"
"Hello, my fairy!" anang lalaki sa likuran niya.
Matalim ang mata siyang humarap dito. "Hoy! Anong my fairy?" Kapag mainit ang ulo niya, ayaw niyang may nambobola sa kanya na kung sinusino. Oras na siguro para sabihin sa lalaking iyon na wala siyang panahon sa pambobola nito. Pagharap niya ay nahigit niya ang hininga nang makilala si JED. "Oh, no! JED?"
Muntik na niyang tapik-tapikin ang mukha niya para patunayan kung nananaginip siya o hindi. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Halos magdikit na ang mukha nila. "Suplada ka pala sa personal."
Napalunok siya dahil naestatwa siya habang nakatitig dito. "A-Ano kasi hindi naman Fairy ang name ko," palusot niya.
"Of course. I know your name is Jenna Rose."
"K-Kilala mo pa rin ako hanggang ngayon?"
"How can I forget about you? Ikaw ang humatak sa akin sa stage."
"S-Sabi mo aksidente lang iyon."
Tumawa ito. "Of course, I am just joking. Masyado kang seryoso. Sabi ko magkikita pa tayo, hindi ba? Ano nga palang ginagawa mo dito? Hinihintay mo siguro ang boyfriend mo."
Umiling siya. "Hindi. Kasama ako sa fashion gala. Hinihintay ko lang ang model namin. Wala pa kasi hanggang ngayon."
"Akala ko ikaw mismo ang model."
"No. Kasali lang ang fashion school namin sa gala. What are you doing here?"
"I am participating as well for my sponsor." Isa rin kasi sa sponsor ng event ang clothing line na ine-endorse nito.
"Well, that's great! Mapapanood pala kita bukas."
"So you like the flowers and the gifts I sent you?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Wala naman akong natatanggap. Hindi kaya sa maling babae mo iyon naipadala," nagtatampo niyang sabi.
"Imposible. Sa iyo naka-address iyon. Jenna Rose Escudero." Ipinilig nito ang ulo. "Anyway, babawi na lang ako sa iyo."
"Thank you. Okay lang sa akin kahit na wala akong matanggap. I am glad because you still remember me." Naalala niya ang oras. "Pumasok ka na pala sa loob. Kasi malapit nang mag-start ang rehearsal. Baka ma-late ka pa."
Nilingon siya nito bago pumasok sa theater. "How about we go out tomorrow after the fashion show? Kung wala kang gagawin."