Chapter 239 - Chapter 6

"MISS Kelly, gandahan mo ang shade ng kilay ko para hindi ako magmukhang masyadong chinita. Ingatan mo, ha? Pantayin mo," ungot ni Jenna Rose habang nilalagyan siya ng eyeliner. Tapos na noon ang fashion show at naghahanda nang umuwi ang lahat. Successful ang fashion show kaya makakapag-relax na sila.

"Naku! Masyado namang excited ang batang ito sa date niya," komento nito. "Baka naman hindi ka na pauwiin ng ka-date mo."

"Kung si Jason Erwin Dean ang ka-date ko, pipikutin ko na," anang kaklase niyang si Glycel. "Gusto ko sanang magpapirma ng autograph at magpa-picture pero tiyak na magseselos ang boyfriend ko."

"Mag-ingat ka sa pakikipag-date sa mga rockstar. Ex-boyfriend ko vocalist din ng banda. Santambak ang girlfriend. Nilayasan ko nga!" kwento ni Kelly.

"Hindi naman po siguro. Mabait si JED." She was excited to go out with JED. It was a once in a lifetime experience. Baka di na maulit ang opportunity na iyon.

"Good luck sa date mo, dear," anang mga kasamahan niya.

Paglabas ng RCBC Theater ay nawala ang saya niya nang makitang kausap ni JED ang Ate Jenevie niya at si Rolf. "Ate, nandito pa pala kayo. Akala ko uuwi ka na dahil may exam ka pa bukas."

"Nakipag-kwentuhan pa sa amin si Mr. Dean," pormal nitong sabi.

"Ipinagpaalam ko kasi na lalabas tayo ngayon," wika naman ni JED.

Nakagat niya ang labi. Patay! Mabubulilyaso ang date namin. Tiyak na hindi ako papayagan ni Ate. Goodbye na sa once in a lifetime opportunity.

"Umuwi rin kayo agad. Bawal kang uminom ng alcoholic drinks. At mag-behave ka rin kapag kasama si Mr. Dean," bilin ng kapatid niya. "Ito na ang huling pagkakataon na papayagan kitang lumabas. Hindi na mauulit."

Tahimik siya habang nililimi ang mga sinabi ni Jenevie. "Payag ka nang makipag-date ako kay JED, Ate?"

Tumiim ang labi nito. "Yes. Pero ngayon lang."

"Sorry, JED. Hindi na ako nakakapunta sa gig ninyo dahil di na halos ako nakakalabas ng bahay. Gusto ni Ate Jenevie umuwi agad ako ng bahay galing sa school. Mag-concentrate muna ako sa pag-aaral ko," paliwanag ni Jenna Rose dito habang nasa Crimson Diner sila. Isa iyong maliit ngunit elegenteng restaurant na madalas puntahan ni JED. Wala nang mga tao nang mga oras na iyon kaya naman nakakapag-kwentuhan sila nang maayos.

It was her first date. Mabuti nga at pinayagan siya ng Ate Jenevie niya. Kung hindi ay pagsisisihan nya na di makasama si JED sa isang date kahit minsan lang. Pangarap yata ng milyon-milyong babae na maka-date ito.

"Mukha ngang masyadong mahigpit ang ate mo sa iyo. Nang ipagpaalam kita, ayaw pa niya noong una. Na-convince lang ng boyfriend niya. Siguro dahil nag-aaral ka pa at ayaw niyang mawalan ka ng focus."

"Seventeen pa lang kasi ako kaya mahigpit siya sa akin."

Nasamid ito sa iniinom na kape. "Seventeen ka pa lang?"

Tumango siya. "Ano ba sa palagay mo?"

"I thought you are nineteen or twenty. You are so young."

"Mukha akong matured dahil sa isinusuot ko." Magaling daw kasi siyang magdala ng damit. "Pero malapit na akong mag-eighteen. Ilang buwan na lang."

"No wonder your sister is so protective of you," naiiling nitong sabi. "Now I suddenly feel ancient."

"You are not that old, JED. Twenty three ka pa lang naman."

"Well, you are young and talented. Nakita ko ang ilan sa creations mo kanina sa fashion gala. Malayo ang mararating mo."

She clasped her hand. "Really?"

He answered with a nod. "Kaya tama ang ate mo. Maraming magandang opportunities ang darating sa iyo kung mag-aaral kang mabuti. You shouldn't miss that chance. Other's aren't that lucky." Di nito naitago ang lungkot sa mga mata.

He was pertaining to his self. Sampung taon kasi ito nang iwan ito at ng nanay nito ng palikero nitong half-Filipino, half-Canadian na ama. He had to support his mother at the age of sixteen. Naging masasakitin kasi ang nanay nito. Sa halip na tumuloy sa college ay sumali ito sa isang banda. Tumutugtog ito sa gabi habang nagtatrabaho bilang service crew sa isang fast food chain sa umaga.

Nang mag-open ng audition para sa vocalist ng bandang Switch ang mga miyembro ay pawang galing sa mga mayayamang pamilya, sumali si JED. His soothing voice and his handsome face convinced the band members to accept him. Nakadagdag pa ang talento ni JED sa pagko-compose ng kanta.

"Nag-aaral naman akong mabuti. Siyempre, pangarap kong maging sikat na fashion designer. Hindi dahil gustong-gusto ko ang band ninyo, sagabal na kayo sa pag-aaral ko. I love watching you sing. As if you are putting your whole heart and soul to the song. Masaya na akong makita ka. Is that so bad?"

Tipid itong ngumiti. "I appreciate that you love our craft. But you know what? There are other things that matter. Tulad kapag bumaba na ako sa stage, gusto ko rin na maging normal na tao. Naiinggit rin ako sa ibang mga tao. I wish that things were different for me in some ways."

"Hindi ka ba masaya sa kung saan naroon ka ngayon?"

"I love what I am doing, Jen. Pero may iba rin naman akong bagay na gustong gawin. If things were different, I might have finished the course I would love to take. Baka abogado na ako o engineer. I had to sing to survive. Nawalan na ako ng option. So please do me a favor. Study hard and conquer the world. Will you do that for me? Kaya mo bang maging successful para sa akin?"

"Yes, of course." Wala siyang di gagawin para dito.

Ginagap nito ang kamay niya. "Then I will wait for that day. Ibig ding sabihin, hindi ka muna manonood ng gig at concerts ko. Mag-aral ka munang mabuti."

"What?" bulalas niya. "Bakit naman ganoon?" Napakahirap naman ng hinihingi nito sa kanya. Parang gusto nitong alisin ang tanging kaligayahan niya.

"Gusto kong maging successful ka. I don't want you to waste the opportunities coming your way. I hope you won't fail me."