"MA'AM, pasensiya na po. Hindi madaling gawin ang sasakyan ninyo. Mukhang napwersa po kanina. Hindi po kasi ideal ang ganitong klaseng sasakyan sa mabatong daan. Doon po siya mas bagay sa sementado," paliwanag ng mekaniko matapos tingnan ang kotse niya.
Nanlumo si Illyze. "Paano iyon?" Gutom na gutom na siya at nanlalambot. Hindi na siya makakatagal sa lugar na iyon kahit pa nga sawang-sawa siya sa guwapo pero may pagkasupladong si Romanov.
"Miss, tatawag na lang ako ng susundo sa iyo. Pwede namang ihatid na lang sa inyo ang sasakyan mamaya. Mahirap kasi siyang I-tow dito," pormal na sabi ni Romanov. "Kailangan na rin akong bumalik sa baba."
Naging alerto siya at kumapit sa braso nito. Hindi mo ako pwedeng iwan. Hindi na kita pakakawalan. "Sasama na ako sa iyo. Please?" pakiusap niya.
"Hindi pwede!" mariing sabi ni Romanov.
"Ma'am, I-drive na lang po ninyo ang sasakyan ko," sabi ng mekaniko. "Ipapakuha ko na lang po sa tauhan ko para ibalik dito."
Lalo siyang kumapit sa braso ni Romanov at umiling. "Ayoko. Nanlalambot na ako. Masama na ang pakiramdam ko. Gusto ko nang makarating sa boutique ni Jenna. Kung hihintayin ko pa ang susundo sa akin, baka…" Nasapo niya ang noo at nagkunwaring tutumba. Humilig siya sa katawan ni Romanov. "N-Nahihilo na ako."
Hindi naman siya nagsisinungaling. Nahihilo na talaga siya. At kung di pa sila aalis doon, baka himatayin na nga siya. In-advance na lang niya.
"Hey!" sabi ni Romanov at mabilis na sinapo ang balikat niya upang alalayan siya. "O, sige. Ihahatid na kita sa boutique ng kaibigan mo. Pero kaya mo bang tumagal nang nakasakay sa kabayo kahit na nahihilo ka?"
Humilig pa siya sa balikat nito at ipinikit ang mata. "That's fine with me. I just want to get out of here." Kahit saan basta kasama niya ito.
"Where are your valuables?" tanong ni Romanov. "Iyon na lang ang dalhin mo at iwan mo ang ibang gamit mo dito."
"Just that small tote bag. Wala namang masyadong importante sa gamit ko."
Dahil ang pinaka-importante sa kanya nang mga oras na iyon ay si Romanov. Buong mundo na ang inikot niya makita lang ito. Ito ang di pwedeng mawala.
Kinuha nito ang bag niya at inabot sa kanya. "Kaya mo bang sumampa sa kabayo?" tanong nito. "Baka malaglag ka."
"I am not scared. Kasi alam ko naman na di mo ako pababayaang mahulog."
Inalalayan siya nitong sumampa sa kabayo. Nang ito naman ang sumampa ay kinabig siya nito upang sumandig siya sa katawan nito. Bumilis ang tibok ng puso niya. She had never been that close to a man. As if their bodies could nearly meld as one. And there was a sweet sensation rushing through her body.
Ipinikit niya ang mata. She was happy and content to leave her head on his chest. Parang masarap siyang gawing unan. Pakiramdam ko rin safe ako kapag kasama ko siya. This is great! Sana lagi na lang kaming ganito.
"Feeling better?" tanong nito. "Dahil baka hindi ka pa nagla-lunch."
"Oo nga. Hindi kasi ako nakapag-breakfast kanina. Excited kasi ako na makapunta dito. Kaso nasiraan naman ang sasakyan ko. Mabuti na lang dumaan ka doon. Kung hindi, baka na-stuck na ako hanggang mamaya. Wala pa mandin signal ang cellphone doon."
"It is my favorite spot. Tahimik at walang tao. Madalang kasi ang pumupunta dito dahil mahirap ang daan. And I am wondering if you…"
Tiningala siya nito. "Wondering if I am what? Single? I am single. Wala akong boyfriend. I never had one because I am waiting for that special someone."
"How romantic," he remarked acidly.
"Ikaw ba ganoon din? May girlfriend ka na ba?"
Tuwid lang ang tingin nito. "Umayos ka lang ng upo at huwag kang malikot."
"Ha? Malikot ba ako?" tanong niya. Tama naman ang pagkakaupo niya. Baka ayaw lang nitong tanungin ng personal na tanong. "Hindi ko pa alam ang totoong name mo. Basta alam ko Romanov ang pangalan mo. What is your whole name?"
"Hindi mo ako kilala?" gulat nitong tanong. Subalit dahil matalim ang mata nito, mukhang nainsulto yata ito dahil di niya ito kilala.
"Na-offend ba kita? Sikat ka ba? Hindi ko alam kasi ilang taon akong nawala sa Pilipinas. Mga importanteng balita lang ang nasasagap ko."
"You didn't offend me at all. I am just an eternal bum after all."
Umiling siya. "You don't look like one. You look like the type of person who would excel in your field. Sikat ka nga siguro sa profession mo, no?"
"I told you, I am a bum!" mariin nitong giit.
"Sige. Hindi na lang ako magtatanong sa trabaho mo." Naroon siguro ito para magbakasyon at magpahinga at ayaw nitong isipin ang trabaho. "Maganda ba talaga ang riding club? May villa ka ba dito? May paborito ka bang horse sports? Sino ang nag-encourage sa iyo na sumali sa riding club?" sunud-sunod niyang tanong.
"Akala ko ba gutom ka?" tanong nito. "Na masama ang pakiramdam mo."
"Oo. Masama nga ang pakiramdam ko."
"Parang hindi ka naman gutom o nanghihina. You have the energy to ask a lot of question. I wonder if you are telling the truth."
"I am not lying. Nanghihina at nagugutom ako. Inaantok na rin ako dahil ilang araw na akong walang tulog. Pero mas aantukin kasi ako kung di ako makikipag-usap sa iyo. This place is so quiet. Baka bumagsak na lang ako mamaya kung di ako magsasalita," paliwanag niya.
Subalit lalo lang tumalim ang mga mata nito. "Are you a reporter?"
"Do you have a problem with reporters?" she asked innocently.
"Yes. All of us here at Stallion Riding Club have a problem with reporters. At kung reporter ka, pwede kitang ipakaladkad sa labas ng riding club."
Nanlaki ang mata niya. "Is that legal?" Malulupit ba ang mga tao doon?
"Yes. Reporters are not allowed inside the riding club."
"I am not a reporter. So you don't have to get rid of me. I am just a starving and weak guest," aniya at bahagyang ngumiti.
"Then stop asking questions! Ayoko sa mga taong matanong."