Saglit siyang natigilan dahil mukhang galit ito. Anong ginawa ko? Forbidden place ba ito na bawal kong puntahan? Bakit galit siya sa akin? Galit sa magaganda? Mabuti na lang guwapo siya kahit na galit.Gusto ko pa rin siya!
He was like a modern knight out to save her. But it looked like he hated damsels in distress. His stance and his facial expression communicated arrogance and conceit. Ni wala nga yata itong balak na ngumiti. Samantalang ang ibang lalaki, nagkakangiwi-ngiwi na sa pagngiti makita lang ang kagandahan niya.
"Stallion Riding Club," aniya at pilit na ngumiti. "Tama ako, di ba?"
"Yes, this is the riding club. Pero hindi ito ang daanan ng mga guest. Dapat sa kabilang gate ka dumaan." Binuksan nito ang hood ng sasakyan. "And besides, this is hardly the road fit for your car. Masisira nga ito dito. At hindi rin ito ang route na para sa mga babaeng nagbibiyahe ng mag-isa."
Napayuko siya. "Now I know. Hindi ko alam na ganito ang daan dito. Basta ang sabi sa napagtanungan ko, mas malapit daw kung dito ako dadaan."
Sa pagsesermon kasi nito, parang nakakatakot itong tingnan. Kapag nasesermunan pa mandin siya ay naiirita siya. But not with him. Parang ito ang klase ng tao na hindi pwedeng salungatin. He was intimidating. And she could sense his very powerful aura. His presence alone made it hard for her to breathe.
Marami na siyang nakilalang makapangyarihang tao na may malalakas na personality. But this guy made her heart skip a beat.
"Who are you with?" he asked. "Hindi ka dapat pinayagan ng nag-invite sa iyo na mag-travel nang mag-isa. Well, no sane man would allow it. Not here."
"Bakit naman?" inosente niyang tanong.
"I don't know if that ignorance is genuine. Don't you know that this place is full of beasts?"
"Beasts?" Nagpalinga-linga siya. May halimaw sa paligid?
Tumango ito. "Beastly men. And they eat girls like you for lunch," he said in a threatening voice. "Don't you know that?"
"Uhmmm.. naririnig ko na." Iyon kasi ang laging sinasabi sa kanya ng kapatid niya. "Are you one of them?" Siguro naman ay hindi. Mukha kasi itong mabait. Masungit nga ito pero mukhang hindi naman ito pervert.
Isinara nito ang hood ng sasakyan niya. "Sa tingin ko hindi ko kayang ayusin ang sasakyan mo. Mabuti pa, tatawag na lang ako ng mekaniko."
Ikinawit nito ang earpiece sa tainga at may inilabas na maliit na aparato. It was a communication device. Isa marahil sa mga amenities sa riding club para makatawag agad ng tulong ang mga guest kahit sa lugar na iyon.
"This is Romanov." Romanov ang pangalan nito. Bagay dito. Solid and masculine. Nakatitig siya dito habang nakikipag-usap. "May problema dito sa Mountain Trail. A lady guest broke her car. Wala siyang kasama. Kindly send help." Lumingon sa kanya ang kanyang destiny. "Sinong guest ang kilala mo?"
"Sister ako ni Rolf Guzman. I am Illyze Guzman. Pero wala si Kuya kaya ang kaibigan ko na si Jenna Rose Escudero ang contact ko. May boutique siya dito. She's expecting me since I will provide a new line of accessories for her." Tinandaan kasi niya ang bilin ni Jenna sa kanya. Pinapasok siya sa riding club dahil sa negosyo.
"Si Jenna Rose ang contact niya," anang lalaki. "Okay." Tinanggal nito ang earpiece sa tainga. "Maghintay ka lang ng fifteen minutes. Dadating na ang mekaniko dito para kunin ka. They will inform your friend as well."
Ginagap niya ang kamay nito. "Thank you very much, Mister! You are my savior. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan."
"Wala naman akong ginawa. Di mo kailangang magpasalamat," anito sa malamig na boses. "Pasensiya na. Pero di ako masyadong marunong magkumpuni ng kotse. Doon ka magpasalamat sa mekaniko mo."
"Come on. You still saved me. Kung hindi mo ako natagpuan dito, baka mamatay na ako sa takot. Akala ko nga wala nang dadaang tao dito."
Until he came. Mukhang sinadya ng tadhana na silang dalawa lang ang naroon. Ngayong kasama niya ito, di na siya natatakot. Excited pa nga siya. It's okay to get trapped in the middle of nowhere. Basta kasama ko siya.
Binawi nito ang kamay sa kanya at ipinagbukas siya ng pinto ng kotse. "Sa loob ng sasakyan mo na lang hintayin ang mekaniko mo."
"T-Teka. Hindi mo naman ako iiwan, hindi ba?"
"Doon lang ako sa may kabayo ko. Aalis na ako kapag dumating ang mekaniko."
"Pwede bang huwag mo akong iwan hangga't di nagagawa ang kotse ko?" pakiusap niya. "Mas komportable kasi kung ikaw ang kasama ko." Di siya papayag na basta na lang itong makawala sa paningin niya. Chance na niya iyon.
Tumango lang ito at nilapitan ang kabayo nito. Iyon ang hinaplos-haplos nito at kinausap. "He looks so sweet with his horse. Mabuti pa doon, sweet siya. Samantalang ako, heto. Mag-isa at pinapantasya siya."
Umupo siya sa driver's seat subalit nakalabas pa rin ang paa niya sa pinto ng kotse. Mula doon niya ito pinanood habang patuloy sa pakikipag-usap sa kabayo. Masaya na siya nang ganoon. "Sana hindi muna dumating ang mekaniko. Sana magsolo pa rin kami ditong dalawa. This riding club must be a paradise indeed. Lalo na kung siya ang kasama ko."