"YOU PREPARED all these? Noong mga bata tayo, `di ko naisip na makakalapit ka sa kalan para magluto. Now you did all these?" takam na takam na sabi ni Gabryel habang hindi makapaniwala na si Sindy ang nagluto ng dinner nila.
"Kapag mag-isa ka lang sa buhay at wala kang maaasahan, kailangan matuto ka. Tulad niyan. Para makatipid, nasanay akong magluto," kuwento niya.
"Sabi sa akin ni Tita Eliza, puro instant lang daw ang nasa cabinet mo. Ni wala nga raw laman ang fridge mo kundi tubig."
"Nagluluto lang ako ng masarap kapag may special occasion," aniya saka umupo. Nang umagang iyon ay bumalik ito sa Manila para sa isang importanteng meeting. Dahil sa gabi na ito uuwi, mahaba ang panahon niya para ipagluto ito.
"Bakit? Ano ba ang special occasion? Meron ba?" tanong nito.
"Hindi kasi ako nakasama sa celebration ninyo kagabi, kaya ngayon na lang ako babawi. Ipinaghanda kita."
Pinisil nito ang pisngi niya. "Wala pang babae na nagluluto para sa akin. Kahit si Mama, hindi ako naipagluto."
"Sa dami ng girlfriend mo, walang nagluto para sa iyo?"
"Career-oriented ang mga babaeng na-involve sa akin. There are times all they could think of is what they can get from me. In return, bobolahin lang nila ako at sasabihin na ako ang pinakaguwapong lalaki sa mundo," iiling-iling na sabi nito sa malungkot na anyo.
"Hindi ako tulad ng mga naging girlfriend mo kaya huwag mo akong dramahan," sabi niya saka inilapit ang fish teriyaki rito. "Kumain ka lang nang kumain. Bukas kasi, may bayad na iyan."
Tinitigan siya nito. "I don't know what's wrong. Pero parang kakaiba ka ngayon." He shrugged. "Maybe it is just my imagination."
"Paranoid ka lang." Tumawa siya. Hindi niya alam kung tamang-hinala lang ito. O malakas lang ang pakiramdam niya? Ayaw niyang makahalata ito. "Actually, I want to thank you for everything you did for me. You helped me a lot. Hindi mo lang alam."
"Ako nga ang maraming utang sa iyo, `di ba? Puro gulo ang dinadala ko sa buhay mo. Saka ayoko ng tono ng boses mo. Parang aalis ka na at mawawala sa buhay ko. Lalo tuloy akong napa-paranoid."
Nakagat niya ang ibabang labi. "I am leaving tomorrow."
"Ah, pupunta ka sa publication? Ihahatid na kita," kaswal na sabi nito at sumubo ng chicken with basil. Ni hindi nito nararamdaman na hindi simpleng pag-alis lang ang ibig niyang sabihin.
Hindi niya magawang sumubo. "Sa apartment ako pupunta."
"Okay. Doon na kita ihahatid. Dadaanan na lang kita mamaya pagkagaling ko sa office, ha? Saan mo gustong mag-dinner?"
"`Di na ako sasama sa iyo pabalik, Gabryel."
Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya, parang nagulat ito. "Ha? Bukas na lang kita babalikan sa apartment mo?" tanong nito.
Umiling siya. "I am leaving this place for good, Brye. Babalik na ako sa bahay ko."
They were the hardest words for her to say. She was finally leaving him. Pinag-isipan niya iyon nang buong gabi. At iyon ang nabuo niyang desisyon. Mas makakabuti sa kanila pareho kung mawawala na lang siya sa buhay nito.
"Bakit?" tanong nitong binitiwan ang kubyertos.
Pumikit siya nang mariin. "Anong bakit? Nakaipon na ako ng pera. Malaki ang ibinayad nila sa akin para sa Stallion series. Hindi naman ako masyadong gumagastos habang nandito ako sa bahay mo. Dapat lang siguro na bumalik na ako sa bahay ko."
"Pero hindi pa naman tapos ang series mo. Hindi ka pa puwedeng umalis."
Ngumiti siya nang pilit kahit mabigat ang loob niya. Parang ayaw niyang umalis dahil pinipigilan siya nito. He was giving her a reason to stay. "Kompleto na ang research ko. I can work with it someplace else. Buo na rin ang mga story outlines and concepts ko para sa novels. Kung may problema man ako, puwede ko namang itawag kay Sir Neiji o sa iyo para magtanong."
"Hindi mo ba gagawan ng story ang iba pang members? We have new members here. Hindi mo pa sila nai-interview."
She touched his arm. "I can't stay here forever, Brye."
"Of course you can!" bulalas nito.
"I have a life of my own and you have yours!"
"How about us?" he asked hesitantly.
"Is there an us, Gabryel?"
Mula nang makita niya ang nangyari sa arena nang nagdaang araw kung saan yakap nito si Claudine, nasira na ang lahat ng ilusyon at pangarap niya para sa kanilang dalawa. Puwede siyang magpakamartir para dito at manatili sa tabi nito. Pero siya lang ang magiging masaya. Hindi si Gabryel. Si Claudine ang tunay na mahal nito at hindi siya. Sasaktan lang niya ito.
He held her hands. "We can make our relationship formal. After all, everyone knows you are my girlfriend. And we feel something really special, right? Kung gusto mo, magpakasal na rin tayo."
Binawi niya ang kamay rito. "Brye, stop it! Kung anuman ang inaakala mong espesyal sa atin, ilusyon lang lahat iyon."
Natigagal ito. "What do you mean?"
"I was in dire jeopardy when you came back into my life. And you brought me into this romantic place. Yes, attracted ako sa iyo. Nadagdagan pa iyon dahil lagi tayong magkasama at sweet ka sa akin. I was carried away. Pero hindi ibig sabihin, in love na ako sa iyo o magpapakasal na tayo. It's not that."
"You don't feel anything for me?" he asked in a soft voice, na parang `di nito inaasahan ang mga sinabi niya.
"What we have is not something that can make a relationship. Sorry."
Siguro ay naguguluhan lang ito dahil iba siya kay Claudine. Na hindi pa nito inaamin sa sarili nito na si Claudine pa rin ang mahal nito. Kung wala si Claudine sa buhay nito, kaya niyang tanggapin na hindi siya mahal nito. At least, she could make him love her. Pero paano pa siya mamahalin nito kung may nauna na sa puso nito?
"I understand. What we feel is not mutual. I respect that," anito sa malungkot na boses at tumayo. "Sabihin mo na lang sa akin kung anong oras ka aalis bukas."
Papasok na ito sa kuwarto nito nang tawagin niya ito. "Gabryel, I think you and Claudine look good together. Why don't you give her a chance to—"
Natigil siya sa pagsasalita nang itaas nito ang kamay. "Don't say another word, Sindy. I already had enough. Goodnight," he said in a firm voice. There was suppressed anguish in it.
Nasapo niya ang noo. "Damn! I hurt him."
Hindi niya naihanda ang sarili na pati si Gabryel ay masasaktan niya. Ang akala niya ay matutuwa pa ito sa pag-alis niya. But it looked like he fancied himself in love with her. Hindi madali rito na ni-reject ito ng isang babae.
Tumulo ang mga luha niya, pagkatapos ay ngumiti siya nang mapait. "It's okay, Brye. I just hurt your pride. Once I am gone, you can pursue the girl you really love."
The night before she left, she was writing the last part of the Stallion series. It was about the man of her dreams and her broken heart.