Chapter 152 - Chapter 14

"STALLION Riding Club was founded by Reid Alleje. He is a very clever businessman. His family had had this estate for years. He decided to turn it into a sanctuary for men and horses, where men can do whatever they want to do and enjoy their solitude with their horses. Kaya nabuo ang riding club."

Gabryel was giving her a tour of the riding club. Nang mga sandaling iyon ay naglalakad-lakad sila sa paligid ng paddock habang patungo sa main stable. Pasulyap-sulyap siya rito habang pinagmamasdan ang isa sa mga babaeng guest na pinapatakbo ang kabayo nito sa loob ng ring.

"Bakit exclusive sa mga lalaki ang membership ng club? Bakit hindi puwedeng maging members ang mga babae?"

"We want a world of our own. It is our hideaway from the pressures of our work and our problems with marauding women. Dito, nakokontrol namin ang lahat ng bagay. We don't have to think about the prowling press who'll expose everything we do. Bantay-sarado ang club kaya naman marami kaming members na kilalang tao. The solitude and privacy are what we pay for."

"And dominance," dagdag niya. "Here, you are the kings."

"Yes. You can say that again."

"Ilang babae na ba ang naisama mo rito?"

"Bakit ka nagtatanong?" anitong may halong panunukso.

Nagkibit-balikat siya. "Just curious. Ilalagay ko sa profile mo. Baka sakaling magamit ko sa love story ng mga basted."

Pinisil nito ang pisngi niya. "Aminin mo na. Nagseselos ka lang."

Pasimpleng siniko niya ito. "Masyado ka nang ilusyunado. Hindi dahil pumayag akong mag-pretend na girlfriend mo, iisipin mo nang patay na patay ako sa iyo. Alam mo ang dahilan kung bakit napilitan ako."

"Napilitan daw. Hindi ba, kinikilig ka nga kapag kasama mo ako?"

Pumatak ang ulan habang papasok sila sa main stable. "`Ayan! Kasi naman, masyadong mahangin. Kayabangan. Umulan tuloy."

"Come. I will show you my horses. This is Burglar. He is an Iberian horse. Siya ang ginagamit ko sa mga show jumping competitions," pakilala nito sa kabayo sa kuwadra na kulay-bay.

"Hay! Kawawa ka naman, Burglar. Si Gabryel ang amo mo."

Inilapit nito ang mukha sa kanya. "Sandali. Masyado mo naman yatang minamaliit ang kakayahan ko. Champion kami ni Burglar sa show jumping."

"Wow! Talaga?" excited na sabi niya saka pumalakpak. "Ang galing-galing mo naman, Burglar! Congratulations!"

Mariing nagdikit ang mga labi ni Gabryel. "Bakit si Burglar lang ang magaling?"

Tinampal niya ang pisngi nito. "Hindi bale. Guwapo ka naman."

"At siyempre, hindi papayag si Maiden na hindi ko siya ipakilala."

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang brown mare. "Ang amu-amo ng mga mata niya. Parang babaeng in love," sabi niya saka sinapo ng palad ang pisngi.

"`Want to ride her? Kahit dito lang sa paddock?"

Umiling siya. "Next time na lang siguro. Umuulan sa labas, eh."

"Sayang! Gusto ko pa mandin na lalo kang ma-in love."

Nang lingunin niya ito ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Parang seryoso at puno ng emosyon ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Kanino naman ako mai-in love?"

Baka kakantiyawan na naman siya nito na in love siya rito. Kapag inuulit-ulit ang isang bagay sa kanya, parang nagiging totoo na. At ayaw niyang magkaroon ng notion na ang simpleng atraksiyon niya kay Gabryel ay pagmamahal na nga. Lalo lang makukulta ang isip niya.

Ibinuka nito ang mga kamay. "Dito sa riding club. Nakaka-in love naman talaga, `di ba? Alam mo ba ang pakiramdam ko nang makapasok sa lugar na ito? Parang mistress ko siya. Kasi wala namang nakakaalam sa labas kung ano ang ginagawa ko rito." Tumawa ito. "It is funny. Pero kapag nandito ako, ayoko nang umalis. Huwag na lang kaya tayong umalis dito?"

Iyon din ang gusto niya. Ang hindi na umalis sa lugar na iyon. Pero hindi iyon ang oras para mag-ilusyon. "I don't want to intrude into your solitude. Siyempre, magkaka-girlfriend ka rin naman. At baka magselos pa siya kapag nalaman niyang sa bahay mo ako tumutuloy." Baka tuluyan nang mahulog ang loob niya rito.

He patted her head. "We are friends. Walang girlfriend na magseselos sa iyo kaya huwag mong masyadong isipin iyon. Just concentrate on your novels. Okay?"

That definitely sent her back to the face of the earth. Whenever he told her sweet words, they were just words. He was just teasing her. After all, they were pretending to be a couple. At kung sweet pa rin ito sa kanya kahit sila lang dalawa, that was just him. Sweet.

MAAGA pa lang ay nasa Rider's Verandah na si Sindy at ini-interview ang mga members ng club. Ang ilan sa mga ito ay naiisipan na niyang gawan ng istorya. Ang iba naman kasi, nagbo-volunteer na makipagkuwentuhan sa kanya. Naipakilala na kasi siya ni Gabryel sa karamihan ng mga members kaya accommodating ang mga ito.

Ang tiyak lang na may istorya sa kanya ay ang mga married members at ang mga may formal girlfriend na at nakasundo niya ang mga babae. Ang mga Flower Girls kasi ay naka-categorize sa villain division.

"Hmm... na-interview ko na si Chef Gino." Ang owner ng Rider's Verandah ang ipa-partner niya kay Miles. "Sino pa ba ang kulang?" aniya saka inilibot ang tingin sa paligid habang tinatapik ang sign pen sa notepad niya. Nahagip ng tingin niya sina Quincy na irap nang irap kay Yuan na matalim naman ang tingin dito. Napangiti siya. "Sabi na nga ba, may istorya rin akong makukuha sa mga ito."

Nilapitan niya si Yuan na umiinom lang ng kape habang pailalim na nakatingin kay Quincy. "Hi! You are Yuan Zheng, right? I am Sindy Arevallo. I'm..."

"Gabryel's girlfriend," dugtong nito. "Yes, I remember you." But there was no warmth in his voice. Mukhang mainit pa nga ang ulo nito.

"Ah... I'd like to ask for..."

"An interview?" pagtatapos nito sa sasabihin niya at siya naman ang matalim na tiningnan. Naalala niya na may pagkasuplado nga pala ito. At ayaw nito sa mga love stories kung saan ang mga babae ay powerful.

Nanigas na ang dila niya at hindi siya makapagsalita. Naramdaman na lang niya na hinila siya ni Quincy palayo sa mesa ni Yuan. "Huwag mong kausapin iyan. Nangangain iyan ng tao," bulong ni Quincy sa kanya. "Si Sir Gabryel, nasa ibaba na."

"Nandiyan na si Gabryel?" Parang may pakpak ang mga paa niya na bumaba sa first floor ng Rider's Verandah. "Hi! Akala ko, mamaya ka pa dadating."

Para mabantayan at maalalayan siya sa mga istorya niya, sa Stallion Riding Club na nito ginagawa ang mga business meetings nito at sa villa na rin ito nag-oopisina. "How was your chitchat? May mga stories ka na bang nabubuo?"

"Oo. Pero ayaw yata ni Yuan Zheng magpa-interview."

"Hindi magpapa-interview iyon. Mabuti pa ako na lang ang magkukuwento sa iyo kung ano ang mga sekreto ni Yuan."

"Naku! Baka pareho pa tayong mapahamak kapag ginawa mo iyon."

"Bakit? Natatakot ka kay Yuan?"

"Mukha nga siyang nakakatakot."

"Hindi man siya mukhang anghel katulad ko, may soft side din si Yuan."

"Teka, bakit kailangan pang i-compare sa iyo?"

Ngumiti ito nang matamis. "Para malaman mo na nag-i-standout ako sa kanilang lahat. Puro positive ang makikita mo sa character ko."

Hinila niya ang necktie nito papunta sa kotse. "Oo na. Umalis na tayo dahil ayoko namang ma-late ka sa meeting. Sa daan mo na ituloy ang kayabangan mo."

"Sabi na nga ba, love na love mo ako. Concerned ka sa akin."

"Siyempre. Ikaw ang angel ko."

Related Books

Popular novel hashtag