Chapter 101 - Chapter 30

UMUGONG ang palakpakan matapos ang exhibition sa show jumping ni Gabryel Honasan. Isa ito sa mga miyembro ng riding club na nagpasikat sa iba't ibang horse sports na program sa araw na iyon. Ginanap ang program na iyon para sa delegates ng Fukouka International. Iyon na kasi ang huling araw ng mga ito sa Stallion Riding Club. Sa umaga ginanap ang program bago ang final deliberation. Sa hapon din na iyon nila malalaman kung pipirma nga ang mga ito sa kontrata o hindi. Nanonood din sa programs ang mga miyembro ng riding club.

Matindi ang pangamba ni Jemaikha. Naroon pa rin ang banta ni Sawada. Pero umaasa pa rin sila ni Hiro na magiging pabor pa rin ang lahat sa kanila. Lalo na ngayon na inspirado sila. Parang posible ang kahit ano.

"The most awaited event this morning and a first in Stallion Riding Club," anunsiyo ng facilitator ng event at tumatayong emcee. Dahil English ang salita, matiyaga siyang nagpapaliwanag sa mga Japanese na kasama nila mula sa Fukouka. "Two modern samurais will present their skills in Yabusame, a traditional Japanese art in mounted archery. Let's call on Mr. Sawada Fukouka and Suichiro Hinata!"

Tumayo siya at napapalakpak nang pumasok sina Hiro at Sawada sa stadium sakay ng kabayo. Di niya mapigilang ngumiti dahil naka-traditional Feudal costume ang mga ito. Yabusame was more of ceremonial now than sports. Pero sa pagkakataong iyon, magiging isa iyong paligsahan.

"Ganbatte, Hiro-san!" sigaw niya kasabay ng malakas na palakpakan at sigawan ng iba pang mga babae na nagpapapansin kay Hiro.

Tumingin si Hiro sa direksiyon niya at kumaway. Di na nito kailangan pang magsalita. Alam niyang siya ang goodluck charm nito.

Habang inaayos ang stadium para sa laro ay ipinaliwanag ang mechanics ng laro. Habang sakay ng tumatakbong kabayo ay kailangang patamaan ng isang player ang tatlong magkakahiwalay na target sa loob ng twenty seconds. The first is erected some thirty meters from the start, the second seventy-five meters from the first, and the third seventy-five meters from the second. Each target is erected at a height two meters from the ground. Ang may pinaka-sentrong tira at pinakamarami sa loob ng maikling oras ang isang panalo.

It was a tricky game. Tatakbo ang kabayo sakay ang archer sa two hundred fifty five meter-long na track. The archer mainly controls his horse with his knees, as he needs both hands to draw and shoot his bow. Kaya naman dapat ay highly skilled at disiplinado ang isang manlalaro para manalo.

Malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya. Maari kasing magkaroon ng disgrasya sa ganoong klaseng laro. And she was taking the game seriously.

Si Sawada ang unang tumira. Tinamaan nito ang tatlong target kahit na muntik na itong di makahabol sa ikatlong target. He barely managed to hit it. Pero dahil tinamaan nito, maganda ang naging score nito. Ilan sa mga babae sa audience ay naghagis pa ng bulaklak para dito.

Pinagsalikop niya ang palad nang si Hiro na ang susunod na susubok. Sawada was good. At di niya alam kung paano pa iyon malalampasan ni Hiro. "You can do it, Hiro! I know that you can do it!"

Di niya maalis ang tingin dito nang habang tumatakbo ang kabayo ay sunud-sunod nitong pinatamaan ng pana ang mga target. Napahiyaw siya sa tuwa nang nagawa nitong tamaan sa gitna ang mga target. Bulls eye. Sa pagtama ng pana sa target board ay umulan ng confetti. Kahit ang mga taga-Fukouka ay di magkamayaw sa pagpalakpak sa paghanga kay Hiro.

Bumaba si Hiro sa kabayo at patakbong pumunta sa kanya. Sinalubong niya ito ng yakap. "Kakoii! That's cool, Hiro!" puno ng paghanga niyang sabi.

Kinintalan siya ng halik sa labi. "Iba na ang inspired."

Pareho silang natigil sa pagsasaya nang madilim ang mukha silang nilapitan ni Sawada. Nagtaka sila nang bigla itong ngumiti at inabot ang kamay. "Congratulations! Nice game."

Tumango si Hiro at napilitan itong kamayan. "Arigatou gozaimashita! It was a tough score to beat as always. You are a worthy opponent."

Tumawa lang si Sawada. "But a loser nonetheless. You can relax now. I will sign the contract after lunch."

Di sila makapaniwala ni Hiro. According to Yabusame tradition, a winning archer was given a white cloth for divine favor. And that was what they got. Divine favor. Nalagpasan na nila ni Hiro ang imposible.

Related Books

Popular novel hashtag