NAKAUPO si Jemaikha sa may patio habang nakatitig sa buwan. It was her last night at the Stallion Riding Club. Pero di maalis ang ngiti sa labi niya.
"Hindi ka pa ba matutulog, Jem?" tanong ni Hiro sa kanya nang lapitan siya. "It's almost midnight. Babalik pa tayo sa Manila."
"Mamaya na siguro ako matutulog. Gusto ko dito muna ako."
Umupo ito sa tabi niya at nakitingin sa langit. "Wala ka namang ginagawa. Nakatitig ka lang sa buwan."
"It's perfect, Hiro." Humilig siya sa balikat nito. "Everything about this day is perfect. Pumirma na sa contract ang Fukouka International." Kapag naayos na ang lahat, sisimulan na rin ang public presentation. Malaki ang kompiyansa niya na magiging malaking tulong ang produkto sa maraming magsasaka sa mundo.
Sawada put it as a test. He really meant act to be a total jerk. Gusto nitong malaman kung paano magtrabaho si Hiro. Sawada always respected Hiro. At gusto nitong malaman kung worth it ito sa respetong ibinigay nito. And Hiro passed the test with flying colors. Kaya naman malaki na ang kompiyansa ni Sawada na magiging successful ang pag-I-invest nito sa Hinata Technologies.
Inakbayan siya nito. "Thanks to your help. Hindi siguro ako makaka-survive dito kung hindi mo ako sinuportahan."
"For a minute, I never doubt that you'll make it."
"That's why you are the most important person in my life."
Huminga siya nang malalim at ngumiti. She felt the same. "I hope that this won't end. Sana laging ganito tayo kasaya." Nagtaka siya nang bigla itong matahimik. Nang lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. "Bakit? Anong problema?"
"Parang ayoko kasing umalis dito. Ayoko pang bumalik sa Manila."
"Gusto ko rin sana pero magre-report pa ako kay Sir Yuan. He is hell bent in hiring me. Ayoko namang I-hire niya ako dahil magkaibigan kayo. Gusto ko munang patunayan na worth it ako sa position na inaalok niya."
"Knowing Yuan, he already did a background check on you. Di ka niya kukulitin na magtrabaho sa kanya kung di siya na-impress sa credentials mo."
Parang wala sa sarili na hinaplos niya ang daliri nito. "Hiro, baka pagbalik natin sa Manila hindi na tayo ganito. It is like a different world here. Na kapag umalis ka, parang nagising ka lang sa panaginip."
"I will never change for you. You know that. Baka nga ikaw ang makalimot sa akin dahil magiging busy ka na sa trabaho mo," malungkot nitong sabi.
She rolled her eyes. "Imposible yata na makalimutan kita. Isang minuto lang na di kita makita, nami-miss na kita."
Lumapad ang ngiti nito at ibinaon ang mukha sa buhok niya. "I think I don't need the stocks of Stallion Shampoo in my cabinet."
"Bakit? Ano ba ang ginagawa mo sa Stallion Shampoo?"
"Inaamoy ko kapag hindi kita kasama at nami-miss kita. Because it smells of you. But the real thing is better."
"Know what? I dreamt last night that you are kissing me." Inangat niya ang tingin dito. "I wonder if there is something better than that dream."
"The real kiss, of course!"
Yumakap siya sa leeg nito. "Show me how good it is."
A smile curved on his lips before he claimed her lips in a very passionate kiss. It was like living in dreamland. She wished that it would never end.