Chapter 103 - Chapter 32

"CONGRATS, Jeje!" sabi ni Mayi at hinalikan siya sa pisngi. "Mukhang success ang party na ito. And look at you! Ang ganda-ganda mo ngayon."

"Iba na talaga ang blooming at in love," dagdag ni Jaimee, na kahit na maselan ang pagbubuntis ay pumunta pa rin sa party na iyon dahil si Hiro mismo ang nakiusap dito. Kasama rin ng mga kaibigan niya ang kanya-kanyang nobyo.

It was the launching of Hinata Technologies' new products. Lahat ay imbensiyon ng mga Filipino. Naroon si Sawada at ang iba pa mula sa Fukouka International. May mga representative din mula sa gobyerno, gayundin ang iba't ibang mga investors at diplomats sa ibang bansa na interesado rin sa project. After all, it wasn't only the Philippine market that would benefit the project. Worldwide agricultural industry ang target nito. At ngayon pa lang ang ay sinusuportahan na ito ng mga energy conservationist dahil malaki ang matitipid nito.

"Bakit naman sa akin napunta ang mga comments na iyan?" tanong niya at sumimsim ng white wine. "It was Hiro who worked so hard for the success of this party. Hindi lang ninyo alam kung ano ang pinagdaanan niya."

"Sabi ni Hiro ikaw daw ang lucky charm niya," sabi ni Jaimee.

"At mukhang hindi lang si Hiro ang sinuswerte. Pati ikaw," dagdag naman ni Cherie. "Noong nakaraan, parang inulan ka ng lahat ng kamalasan sa mundo. Look at you now. You are working for Yuan Zheng. At department head ka sa online translation company niya. Tapos kabungguang-siko mo lang ang mga Stallion hunks na sa magazines lang namin nakikita."

"And you are beautiful and in love. Ang swerte-swerte mo talaga kay Hiro," kinikilig namang sabi ni Mayi. "Huwag mo nang pakakawalan iyan. Kung hindi, masasabunutan ka na talaga namin."

"Hinding-hindi na talaga." With Hiro, she felt like she could do anything. Magaan na magaan din ang pakiramdam niya. Her world was so colorful. At kahit pagod sa trababaho, maisip lang niya ito ay nawawala ang pagod niya.

Her life was entirely different now. She was blessed to have Hiro.

Natigil ang masayang pag-uusap nilang magkakaibigan nang umugong ang bulung-bulungan sa ballroom at lahat ng mga tao ay natuon ang paningin sa entrance ng function room ng hotel.

Napigil niya ang paghinga nang makita ang mag-asawang Estella at Minamoto Hinata, ang mga magulang ni Hiro. "Andito na pala ang future in laws mo. Hindi mo naman sinabi na dadating sila," pabirong bulong ni Mayi.

"I didn't expect that they are coming either," usal niya habang di maalis ang tingin sa mga bagong dating na isa-isang kinakamayan ng mga guests.

Estella was still regal despite of her old age. Ang alam niya ay nasa mid-fifties na ito. So did Minamoto. Ang alam niya ay di makakarating ang mga ito dahil kagagaling lang sa ospital ng ama ni Hiro. Ngunit dumating marahil ang mga ito upang suportahan si Hiro sa project nito.

Sinalubong ni Hiro ang mga ito. Nanlamig ang kamay niya nang nagtungo ang mga ito sa direksiyon niya. "Ma, Pa, of course you remember my girlfriend, Jemaikha." Proud na proud pa si Hiro habang ipinakikilala siya.

Yumukod siya. "Konbanwa," magalang niyang bati. "Gobusata shite imasu. It is good to see you again."

Namutla si Estella habang lalong naningkit ang mata ni Minamoto. Si Estella ang unang nakabawi at hinalikan siya sa pisngi. "It is good to see you again, Jem," bagamat may ngiti sa labi ay namihigan niya ang tensiyon sa boses nito. "Hiro didn't tell me that you are together again."

Inakbayan siya nito. "I should have taken her back a long time ago. And I won't let her go this time."

"Tsugi ni," pormal na wika ni Minamoto at nagpatiuna nang naglakad. Sumunod naman si Estella.

"Let's go," bulong ni Hiro sa kanya. Napilitan siyang sumunod dito. Masaya marahil ito sa reaksiyon ng mga magulang pero hindi siya.

Pakiramdam niya ay matatapos na ang maliligayang sandali nila.

Related Books

Popular novel hashtag