"NATUWA si Papa sa success ng project. Governments from different countries would like to promote our products themselves. Di lang daw iyon makakatulong sa problema sa fuel consumption. Environment friendly sila. Now they are counting on Hinata Technologies to create more project using that kind of technology."
"Siyempre, magaling ang boyfriend ko," pagmamalaki niya at pinisil ang pisngi nito. "At marami pang success na dadating sa iyo."
Sinundo siya nito sa opisina para mag-dinner. Ilang araw na silang di nagkasama mula nang launching party dahil pareho silang naging busy sa trabaho.
"Nai-kwento nga kita kay Mama at Papa. Sabi ko yayayain kitang mag-dinner sa bahay kasama sila bukas."
Nanginig ang kamay niyang may hawak na glass wine. The idea of meeting Hiro's parents made her tense. "Okay lang ba sa kanila?"
"Of course. Alam mo naman na gusto ka ng parents ko. Lalo na si Mama. Tuwang-tuwa nga siya nang malamang nagtatrabaho ka na kay Yuan. Magaling ka naman daw kasi kaya."
"Titingnan ko. Baka kasi may meeting kami bukas ng gabi. You know Yuan. He is such a slave driver. Unpredictable ang schedule namin."
"No problem. Ipagpapaalam kita sa kanya. Marami akong gustong sabihin sa parents ko nang kaharap ka."
"Tulad ng?"
Ngumiti lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na niya ito pinilit na sumagot. Ayaw na kasi niyang magdadagan pa ang tensiyon na nararamdaman niya. Ayaw niyang makita ang magulang ni Hiro. Bumibigat lang ang loob niya. Pero ayaw din naman niyang ma-disappoint si Hiro.
Nasa kalagitnaan sila ng dinner nang makatanggap si Hiro ng tawag sa cellphone. "Yes, Ma? Inatake si Papa? Isinugod sa hospital?"
***
Sa ICU sila tumuloy ni Hiro pagdating sa ospital. Iba't ibang aparato na ang nakakabit sa katawan ni Minamoto. "Sabi ko sa kanya huwag na kaming bumiyahe," umiiyak na sabi ni Estella habang nakayakap kay Hiro. "Nagpipilit pa rin siya."
"I don't understand. Malakas pa naman siya. Bakit bigla na lang siyang nanghina, Mama? Hindi ba binigyan pa nga siya ng clearance ng doctor niya sa Tokyo para makabiyahe?"
"Unpredictable ang sakit niya. Hindi natin alam kung kailan aatake. Ino-obserbahan pa rin siya ng mga doctor."
Mabigat ang mga hakbang na lumabas ng ICU si Hiro. Hinawakan niya ito sa balikat. "He will be fine. Magdasal lang tayo."
Sumandal ito sa pader sa may hallway. "It is unfair, Jem. Pinilit kong maging magaling para hindi na niya kailangang magtrabaho. I want him to rest and enjoy life. Ayoko siyang bigyan ng problema para hindi na lumala ang sakit niya. Kung kailan nagsisimula na akong maging successful, saka pa ba siya mawawala?"
"He will live longer, Hiro. Huwag kang mawawalan ng pag-asa."
"Marami pa akong plano. At kasama ka sa mga plano ko. Gusto ko makita niya lahat iyon. Gusto kong makasama ang lahat ng taong mahal ko."
"You will get everything you wish for, Hiro. You deserve it." At gagawin din niya lahat makuha lang ni Hiro ang lahat ng gusto nito. She'd fight for it.
***
Let's give Hiro some hug!!! Ano ang mangyayari sa kanya ngayong kritikal ang papa nito? Nanganganib na naman ba ang pagmamahalan nila ni Jemaikha?