Chapter 105 - Chapter 37

"GOOD afternoon, Ma'am," bati niya. Nagbibigay siya ng instruction sa tauhan niya nang makatanggap ng tawag mula sa Mama ni Hiro na si Estella. Nagkita sila sa isang café di kalayuan sa ospital kung saan naka-confine ang Papa ni Hiro. Tsaa ang in-order niya sa halip na kape. She already had too much nervousness to handle.

"Please take a seat. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap, hindi ba?"

Di siya makatingi nang diretso dito. "Yes. It is about Hiro."

Mariing nagdikit ang labi nito. "Akala ko ba, malinaw na ang pinag-usapan natin dati. Na iiwasan mo na ang anak ko. Bakit ganito na naman? You broke your promise to us," puno ng hinanakit na sabi nito.

She bit her lips to stop her self from crying. Iyon ang bahagi ng nakaraan niya na ayaw na niyang balikan. Dalawang taon na niyang nobyo si Hiro. Dumalaw sa Pilipinas ang mga magulang nito at ipinakilala siya. Ilang araw matapos iyon ay ipinatawag siya ng mag-asawa. Sinabi ng mga ito na di siya matatanggap bilang nobya ni Hiro dahil isang dispalkador daw ang ama niya.

Daig pa niya ang sinampal. Hindi niya alam ang tungkol sa kaso ng ama niya sa kompanyang inalisan nito. Marahil ay inilihim nito hanggang kamatayan. Kaya pala nawala sa kanila ang lahat ng ari-arian nila. At kung makakasal daw sila ni Hiro, magiging kasiraan lang daw siya sa pamilya ng mga Hinata. With her family background, she would only ruin Hiro. Kaya naman pinili niyang magsinungaling kay Hiro dahil ayaw niyang mahirapan pa ito sa pamimili sa kanya at sa pamilya nito.

"I love him. For so many years, I stayed away from him."

"Sana hindi ka na lang bumalik sa buhay niya. Nakita mo ba ang ginawa mo sa Papa niya? Nagkasakit siya dahil nakita ka niya. Kaya nagmamakaawa ako. Lumayo ka sa kanya. Huwag mong hayaang masira ang kinabukasan niya. At hahaba rin ang buhay ng Papa niya kung gagawin mo iyon."

Taas-noo niya itong tiningnan. "Hindi ako masamang tao. Siguro may kasalanan ang tatay ko pero hindi ako siya. For years, I worked so hard. Dahil gusto kong patunayan na karapat-dapat ako para kay Hiro. Na hindi ako magiging kahihiyan niya. I tried to leave my father's shadow. Isn't that enough?"

Lumungkot lalo ang mga mata nito at ginagap ang kamay niya. "I don't want to be harsh to you. Pero kailangan mo ring maintindihan kung bakit ginagawa ito ng Papa ni Hiro. Nasa college siya nang madispalko ng kasosyo ng ama niya ang pera ng kompanya. Na-bankrupt sila at namatay ang lolo ni Hiro. Minamoto's family suffered. Nawala sa kanila ang lahat. Hiro's father had to start from scratch. Bata pa lang siya, kailangan na niyang ibangon ang negosyo ng pamilya niya at buhayin ulit ang pangalan nila. Kaya naman ayaw niyang danasin iyon ni Hiro."

"At dahil may ama ako na dispalkador, walang kwenta ang paghihirap ko na ibangon ang pangalan namin?" naghihinanakit niyang tanong at di mapigil ang pagluha. Masakit sa kanya na matuklasan ang kaso ng ama niya. Mabait kasi ito sa kanya at di pa rin siya makapaniwalang gumalaw ito ng pera ng iba. Simple lang naman kasi ang pamumuhay ng pamilya nila.

Gusto man niyang maghanap ng ebidensiya para linisin ang pangalan ng kanyang ama, wala naman siyang nagawa. Dahil natuon ang atensiyon niya sa pagtatrabaho sa kanilang magkapatid at sa paglimot kay Hiro.

"I know that I am being unfair to you, hija. I know how much you love Hiro. Pero kung ipipilit mo ang gusto mo, malaki ang posibilidad na sumama ang loob niya at mamatay ang Papa niya. Ayokong mawala ang asawa ko. At di rin iyon gugustuhin ni Hiro dahil mahal na mahal niya ang Papa niya. So please…"

Huminga siya nang malalim at mabilis na pinahid ang luhang naglandas sa pisngi niya. "I understand. Masakit mawalan ng isang ama dahil naranasan ko na po iyon kay Hiro. I saw the bond that Hiro shares with his father that I once shared with mine. At di ako gagawa ng bagay na makakasakit sa kanya. I will assure you that I won't bother Hiro or your family again."