NANG sumunod na gabi ay si Jemaikha mismo ang nakipagkita kay Hiro para mag-dinner. She chose a Japanese restaurant with a private room. Gusto kasi niya na makapag-usap sila nang maayos ni Hiro. Matagal din niyang pinag-isipan kung paano sasabihin dito ang lahat. It wasn't easy to break up with him for the second time.
"I am sorry kung hindi natuloy ang dinner natin kasama ang parents ko. Nagkasakit kasi si Papa," wika ni Hiro habang kumakain sila. "But the doctors told me that he will be okay soon. Wala na nga siya sa ICU."
"That's nice to hear." Napanatag marahil ang mga magulang nito dahil sa ipinangako niya. Ngayon, parang siya naman ang magkaka-nervous breakdown.
"Kapag magaling na si Papa, matutuloy na rin ang dinner natin. Masasabi ko na rin sa inyo ang gusto kong sabihin tungkol sa…"
"Don't bother, Hiro," putol niya sa sinasabi nito. "Sa tingin ko hindi na iyon kailangan. I am breaking up with you."
Dumulas sa kamay nito ang hawak na chopstick at maang na tumingin sa kanya. "What? This is a joke, right?"
"I never make a crank like that one. I am serious," walang ngiti niyang sabi.
"Tungkol na naman ba ito sa career mo? Kinakabahan ka ba na aalukin kita ng kasal at mawawalan ka na ng identity? You know it has never been a problem with me. Hindi kita pipigilan na mag-grow as an individual. Basta huwag ka lang makipag-break sa akin. It is not really funny."
Pinagsalikop niya ang palad at direkta itong tiningnan sa mga mata. "Hiro, I lied to you. Hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nakipag-break sa iyo dati."
"Then what? Ako ba ang may problema?"
Umiling siya. "Hiro, it is not you. You are the perfect man any woman could ask for. And given the choice, I won't leave you. Three years ago, I broke up with you because I found out why my father died and my family lost everything. Hindi inilit ang pag-aari ng pamilya ko dahil sa utang ni Tatay. Nakadispalko siya ng pera."
"So what? Wala naman akong pakialam doon, hindi ba?"
"Yes, it is not a big deal for you but your parents believe otherwise. Ayaw nilang madumihan ang pangalan ng pamilya mo lalo na ang sa iyo. Hindi ko sinabi ito sa iyo dati dahil ayokong magalit ka sa mga magulang mo. Mahirap ang pinag-daanan nila para marating ang kinalalagyan nila ngayon lalo na ang Papa mo. They are just trying to protect you."
"But they have no right to treat you like a trash."
Yumuko siya. "They are just doing what's best."
"And it is okay for you to give me up?" may himig ng hinanakit ang boses nito. "Akala ko ba hindi mo ako iiwan?"
"Hiro, kaya nagsumikap ako na umangat sa buhay para burahin ang stigma sa tatay ko at sa pamilya ko. Para kaya kong humarap sa magulang at tanggapin nila ako para sa iyo. Pero iba na ngayon. Ako ang dahilan kung bakit nagkasakit ang Papa mo. Kung ipipilit mo ang gusto mo, baka mawala siya sa iyo. Not only you will me but you will hate yourself as well. And I don't want it to happen."
"Pero walang kinalaman ang isyu ng tatay mo sa relasyon natin. Walang pakialam ang magulang ko doon. Walang pakialam ang ibang tao."
"Hindi mo sila masisisi. We are living in a harsh world. Kapag nalaman ng ibang tao ang family background ko, paano ka pa nila pagkakatiwalaan? Sisirain lang kita. At ayokong masaktan ka dahil sa akin."
Niyakap siya nito. "I don't care about what your father did or what my family wants. We can work this out, Jem."
Umiyak lang siya nang umiyak habang yakap ito. She didn't want to let him go. Pero iba ang idinidikta ng konsensiya niya sa idinidikta ng puso niya. "Ayokong maging malupit sa magulang mo. Kasalanan ko ito. Sana noon pa ako lumayo sa iyo. Sana hindi na lang ako bumalik. Sana hindi na lang kita minahal ulit. I know you will hate me. Pero buhay na ng tao ang pinag-uusapan natin. Your father's life."
Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap nito sa kanya. "Don't give up on me again, Jemaikha. Parang pinapatay mo na rin ako."
"I don't want to give you up either." Kung alam lang nito na parang dinaganan ang dibdib niya ng isang napakalaking bato. "But we can't always think about ourselves. May iba rin tayong taong nasasaktan."
"Kailan ba nila tayo iintindihin? Hindi ba tayo pwedeng magmahal."
"We have to make the sacrifice this time, Hiro." Kumalas siya sa pagkakayakap dito at mapait na ngumiti. Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. A bittersweet kiss. "Goodbye!"
Palabas na siya sa pinto nang pigilan nito ang braso niya. "Don't say goodbye. I will take you back. I promise, I will."
Bahagya niya itong nilingon. "I am sorry Hiro. I guess this is forever."