Chapter 78 - Chapter 7

Napapitlag si Jemaikha nang tumalim ang mata nito Hiro na nakatitig sa kanya. Hindi siya sanay na nakikitang nagagalit ito. At ayaw niyang nakikitang nagagalit ito. Ang tao daw na sobrang bait, delikado kung magalit.

"Hiro, don't say that," aniya sa malumanay na boses. "I am sorry if I hurt your pride. Hindi ako humihingi ng tulong kasi baka makaabala ako."

"Ganoon naman magkakaibigan. We can bother each other if needed."

"I am doing great. Tatawagan na nga daw ako ng kompanyang pinag-apply-an ko kanina para sa final interview." Hinawakan niya ang kamay nito. "Kaya huwag ka nang magtampo sa akin, please."

Inilayo nito ang kamay sa kanya at kumain. "You never needed me. At mamaya after lunch, mag-I-insist ka na magbayad ng part mo sa kinain natin. Ah, Jemaikha! You always do great for my ego."

Mukhang napuno na ito sa kanya. Nasanay kasi siya na lagi nitong pinagbi-bigyan. "Sorry na. If you want to save your pride and your bruised ego, go ahead. Ikaw na ang magbayad."

"I heard that. Ako ang magbabayad at hindi ka kokontra."

"Oo na. Basta huwag ka lang sumimangot. Hindi ako sanay. Please smile!" malambing niyang sabi.

Awtomatiko itong ngumiti. "Got you! Sabi ko na nga ba, effective ang strategy na naisip ko para mailibre kita."

"You tricked me!" Hindi talaga ito nagtatampo sa kanya. Umaarte lang. "Nakakainis ka! Muntik na akong umiyak dahil akala ko galit ka. Iyon pala…"

"It feels great to get the best of you. You should try it sometimes."

"What?"

"Losing. Let other people do things for you. Di pwedeng laging ikaw."

"Simula ngayon, hindi ba ako basta-basta maniniwala sa drama mo. Hinding-hindi mo na ako mauutakan."

Ihinatid siya nito sa Megamall kung saan may dumadaang FX taxi na papuntang Pasig. "Ayaw mo bang ihatid kita?"

"Huwag na. May trabaho ka pa. Thank you sa libre. Sa susunod ako naman."

"Hindi naman yata ako papayag."

Tinapik niya ang pisngi nito. "Odaiji nii." Mabilis niyang binawi ang kamay. "Ingat ka." Matagal na silang hiwalay. But she still loved touching his face.

"You use Stallion Shampoo, right?" bigla nitong itinanong nang pagbaba niya.

"Ha? Oo. Bakit? Bibigyan mo ba ako ng libre?"

Tumawa ito. "Sure. Gusto mo ba ng one year supply?"

"Hindi, no? Kaya kong bumili ng sarili ko. Bakit mo naman naitanong?"

"The shampoo smells great on you. If you are the shampoo's model, hindi ako papayag na magkaroon ng ibang lalaki sa commercial na hahati sa atensiyon mo."

"Ha?" Nakatigagal na lang siya nang umalis ang sasakyan nito. Ibig bang sabihin no'n ay maganda siya? Nagkibit-balikat siya. "It must be a joke."

Related Books

Popular novel hashtag