"WE'LL call you. We'll call you. Why not hire me right away? Maganda naman ang credentials ko, ah! Saka maganda rin ang buhok ko ngayon. What's wrong?" inis na usal ni Jemaikha habang pababa ng escalator mula sa Megatrade mall sa SM Megamall kung saan nagkaroon ng job fair at nag-apply siya.
Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring tumatawag sa kanya para I-confirm kung kailan siya magsisimula. Lahat na ng nangangailangan ng language teacher at translator ay nagalugad na niya. Malaki na sana ang chance niya sa online translator company na una niyang in-apply-an pero di pa ulit tumatawag ang mga ito para sa final interview niya.
Kakain sana siya nang mapadaan sa paborito niyang boutique. Pumasok siya at nagustuhan ang isa sa mga sapatos. New arrival pa iyon. "Hay! Malapit na ang birthday ko pero di ko maregaluhan ang sarili ko. Wala bang pa-birthday gift na trabaho sa akin kung sakali? Sawa na akong maging dukha."
Puro pagtitipid na lang ang ginagawa niya para bumaba ang gastusin sa bahay. Malapit na silang tubuan ng damo dahil puro gulay na lang ang ulam nila. Malapit nang maubos ang savings niya.
Kagat-labi niyang pinagmasdan ang sapatos. "Huwag ka munang magpabili sa iba, ha? Sana nandiyan ka pa kapag nagkatrabaho ako at nag-sale."
"If you like that one, why don't you try it? I think it would look good on you."
Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Hiro. Napahawak siya sa dibdib nang matuklasang nasa likuran lang niya ito. "Hiro! Basta-basta ka na lang nagsasalita. Ginugulat mo naman ako."
"Epekto lang iyan ng kape."
No. It was simply Hiro's effect on her. Kapag nakikita niya ito, di pwedeng di siya matuliro at bumilis ang tibok ng puso niya.
"You were too busy looking on the shoes. Kumusta? May trabaho ka na?"
"Hmmm… malapit na," aniya at ngumiti. Malapit na akong mawalan ng pag-asa sa buhay dahil wala pang tumatawag sa akin. Di naman niya iyon pwedeng sabihin kay Hiro dahil mangungulit na naman itong tulungan siya.
Kinuha nito ang sapatos. "Bagay ito sa iyo. Bakit nakatitig ka lang? Isukat mo. Teka, anong size ba ang paa mo?" Lumingon ito sa sales lady. "Miss, isang size seven and half of this one, please."
"Miss, huwag na lang!" aniya sa sales lady. Kinuha niya ang sapatos kay Hiro at ibinalik sa estante. "Hindi ko naman talaga bibilhin."
"You won't buy it. You will just fit it."
"Hindi ko naman bibilhin. Bakit ko pa isusukat?" Kapag may pera siya at may nagustuhan, binibili agad niya pagkasukat. Wala nang tanong-tanong pa. "Saka hindi ko naman talaga gusto iyong sapatos."
"Namamahalan ka na naman dahil new arrival. You try to fit it and I will buy it for you," abog-abog nitong sabi.
"No, Hiro. I won't allow that. You know that…"
Bahagya itong natawa. "What? Your usual hang up again? Na kung may gusto ka, kailangan galing sa iyo at hindi sa iba? Na ikaw ang gagastos?"
"Oo. And I won't change my mind. If I want the shoes, I will buy it with my own money." Kung ang girlfriend nito ay sanay na sanay nitong binibilhan ng kung anu-ano, hindi siya. Lalo na't hindi naman na siya nito girlfriend.
"I will still buy it for you. Malapit na ang birthday mo. Three days from now, right? Hindi naman siguro masama kung bibigyan kita ng regalo."
She stared at him dumbfounded. "Naaalala mo pa ang birthday ko?"
"Oo naman. Ilang taon din kitang naging girlfriend. Imposibleng basta-basta ko na lang iyong makalimutan."