Nang magtapon yata ang Diyos ng kamalasan sa mundo, nasalong lahat ni Jemaikha. Di niya nakuha ang sweldo niya, kinain ang ATM card niya, nadukutan siya ng pera at nakita niya ang first love and only love niya na si Hiro habang mukhang binagyo ang pagkaganda-ganda niyang buhok. At ang masaklap, sinabi nito na may girlfriend na ito. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaitan siya ng tadhana ng karapatan na sumaya.
Hiro was the only man who could make her happy. But he was also the only man that she couldn't have. Dahil kung mamahalin muli nila ang isa't isa, siya rin ang makakasira dito.
Pero kaya ba niyang layuan ang kaligayahan niya?