Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 185 - Family Bonding

Chapter 185 - Family Bonding

Shanaia Aira's Point of View

THE next morning, nagising ako na wala na si Gelo sa tabi ko. Napasarap ang tulog ko. Sinadya niyang pagurin ako sa kakaibang 'exercise' namin kagabi para makatulog ako ng mahimbing. Alam niya kasi na namamahay ako. Yung hindi ako agad nakakatulog kapag nasa ibang lugar ako.

Ang sweet niya di ba? Pero kahit ganon, naiinis ako sa kanya. Bakit? Aba kung hindi ko pa tinakot na baka bumuka yung tahi ko sa tagiliran, hindi ako tatantanan. Si Gelo talaga, kaya kambal anak namin eh, exercise ng exercise.

Naku, makabangon na nga!

Pumunta ako ng bathroom matapos kong iligpit ang hinigaan namin. Naligo ako at nagbihis. Bumaba na ako para mag-breakfast pero naagaw ang pansin ko ng makarinig ako ng ingay sa labas.

Kuryosong sinilip ko ang pinanggagalingan ng ingay, nakita ko si Gelo at uncle Paul na kausap ang apat na kalalakihan. Mukhang nagpapagawa siya ng bakod. Seryoso siyang nakikipag-usap ng mapadako ang tingin niya sa akin.

" Hi baby! Come here." turan niya. Hinalikan niya ako sa ulo ng makalapit ako. Binati ko naman si uncle at yung mga bisita.

" Magpapagawa ako ng bakod. May dalawang makulit tayo, mas mabuti na yung may bakod para hindi sila agad makakalabas." sabi niya tapos pinakita niya yung design nya. Tumango ako. Okay naman yung design, may gate na daanan ng tao at gate papunta sa garahe. Delikado nga kung makalabas ang mga bata, may mga sasakyan din kasi na dumadaan.

" Sila nga pala yung gagawa ng bakod at gate natin. Mga tauhan sila ni uncle sa construction, mga Pinoy sila. Guys, wife ko, si Aira." pakilala ni Gelo sa mga manggagawa.

" Good morning po ma'am." sabay-sabay nilang bati.

" Good morning. Sige maiwan ko muna kayo. " paalam ko. Tumango naman sila kaya tumalikod na ako. Titingnan ko kasi yung kambal kung gising na.

Pagpasok ko ng bahay ay siya namang pagbaba ng kambal kasama ng mga yaya nila.

" Mommy!" agad na tumakbo sa akin ang dalawa.

" Careful babies." sabi ko. Kinarga ko si Yella at kumapit naman si Shan sa isang kamay ko.

" Mom pede po tayo magpasyal later?" tanong ni Shan. Natawa naman ako sa pananagalog niya, tinuturuan kasi sila ni Isay magtagalog. So far, pwede ko ng bigyan ng reward si Isay sa magaling nyang pagtuturo.

" Yes mommy, we want to tour around our new place, punta tayo po sa park." sabi naman ni Yella.

" Okay. Let's talk to daddy later. "

" Yehey! " masayang tugon nung dalawang bata. Pumapalakpak pa.

" Isay kumain na ba ang sir Gelo mo?"

" Opo ma'am, pinakain po niya yung mga trabahador kanina kaya sumabay na sila ni sir Paul. " sagot ni Isay. Tumango ako at nag-umpisa na kaming kumain.

Inumpisahan din agad yung pinapagawa ni Gelo na gate at bakod. Mabilis lang naman daw yun dahil kumpleto na sa gamit at mabilis magtrabaho yung apat na trabahador. Baka bukas lang daw ay tapos na sila.

Marami akong niluto nung tanghalian dahil dito rin sila kumain sa amin. Napag-alaman ko na matagal na pala silang nagta-trabaho sa construction company nila uncle Paul, sa Pilipinas pa lang ito nuon. Kaya nung lumipat sila dito sa Auckland at nagtayo dito ng company si uncle, sinama na sila. Nag-apply sila ng working visa tapos yun na, swerte namang naaprubahan sila. May kasosyo si uncle na Kiwi, (tawag sa tagarito) kaya madali syang nakapagtayo ng company. Nakilala niya ito sa Pilipinas at naging matalik na kaibigan. Sa ngayon, okay ang takbo ng business nila kaya nag-apply na rin sila ng citizenship dito at na-grant na yun sa kanila 3 years ago.

Nung matapos ang trabaho nila para sa araw na ito ay sinabi ko kay Gelo ang gusto ng mga bata.

" Sige pero dun lang muna tayo sa park. Sa isang araw pa kasi ide-deliver yung sasakyang binili ko, saka na lang tayo maglibot."

" Kailan ka bumili?" gulat kong tanong.

" Sinamahan ako ni uncle kanina, tulog ka pa kaya hindi na kita sinama. Dumaan na kami bago namin pinuntahan yung mga trabahador. "

" Brand new o second hand? " tanong ko.

" Brand new na. SUV para kasya tayo. "

" Pwede ba yun eh kalilipat lang natin? "

" Kaya nga kasama ko si uncle Paul eh, siya ang bahala sa lahat. " sagot niya.

" Hay nako bhi, mukhang wala ng balikan ng Pinas ah. " sabi ko.

" Alam mo baby, ngayon ko lang parang nae-enjoy yung maglakad ng malaya sa daan. Nakakasama ko kayo ng hindi na ako nag-aalala na baka bukas nasa news na kayo. Masaya ako ngayon. Ikaw ba, ano ang pakiramdam mo dito?"

" Masaya naman. Basta kung nasaan ka, kayo ng mga bata, masaya ako. Gusto ko rin dito. Excited na nga ako sa mga susunod na araw kapag nagtrabaho na tayo. Sana mabubuting tao ang makasama natin dito."

" Asahan mo na yan. Hindi naman tatagal sila uncle Paul dito kung hindi magandang manirahan dito.Basta baby, hanggat gusto mo dito, hindi tayo aalis."

" Paano yung iniwan mong career doon? " tanong ko.

" Madali namang bumalik kapag ginusto ko. Sa ngayon, simpleng buhay na lang muna. Masyado akong napagod sa showbiz nitong nakaraan. Ang dami nating pinagdaanan na akala ko hindi na natin mapagtatagumpayan. Natakot ako ng husto lalo na nung napahamak ka. Ayoko ng pagdaanan ulit yun." sabi niya tapos niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.

Tama siya. Ako man ayoko ng balikan niya muna ang showbusiness. Kapalit talaga ng tagumpay ay kalungkutan. Magulo, laging dalawa ang persona ng bawat artista. Kung ako ang tatanungin, manatili na lang siyang arkitekto, mabubuhay din naman niya kami ng maayos kahit ito ang propesyon niya. Hindi pa siya nakatali sa trabaho niya at marami siyang magiging oras sa amin.

Dinala namin ang mga bata sa park. Tuwang-tuwa sila dahil marami ring bata dito tuwing hapon. Yung iba may mga dala pang aso na nilalaro nila.

Nakaupo kami sa mahabang bench at kumakain ng hotdog sandwich nang kumandong si Yella sa daddy niya.

" Daddy I want dog." ungot ni Yella sa ama. Nakatingin siya dun sa isang bata na hila-hila yung leash nung dog habang tumatakbo.

"Okay sweetie, we will buy tomorrow para may kalaro kayo ni Shan dito sa park."

" Ikaw talaga bhi, isang sabi lang ng mga anak mo sayo, oo ka kaagad." puna ko.

" Syempre, gusto ko maging masaya sila. Tsaka ngayon lang ako nagbabawi sa kanila." habang sinasabi niya yon, nakatingin siya sa dalawang bata na kamukhang-kamukha niya. Puno ng pagmamahal ang nakikita ko sa mga mata niya.

" Okay wala na akong sinabi. " ngumiti siya at inakbayan ako.

" Salamat baby binigyan mo ako ng mga anak na ubod ng cute."

" Na parehong kamukha mo."

" Oo nga. Bakit walang kamukha mo? Sa akin lahat nagmana. Malakas dugo ko? Ganun ba yon?" inosenteng tanong niya.

" Oo ganon nga. At ikaw yung laging ganado mag - exercise! " napakamot siya ng ulo at natawa.

" Ikaw, grabe ka sa akin talaga. Paninindigan ko sayo yan mamaya, humanda ka. "

Natatawang binelatan ko siya kaya hinila nya ako at hinalikan sa pisngi. Pikon na naman.

Maya-maya narinig kong umiyak si Shan kaya medyo nataranta si Gelo.

" What happened buddy?"

" Daddy, ni-agaw nung dog yung food ko. " umiiyak na turo nya dun sa dog.

Napatingin kami dun sa dog. Kinakain na nga yung hotdog sandwich ni Shan tapos hindi pa alam nung may hawak sa kanya dahil abala ito sa pakikipag-chikahan sa kasama habang bumibili din ng hotdog sandwich.

Pinagmasdan ko yung babaeng may hawak sa dog. Sexy sya pero hindi ko alam kung maganda kasi nakatalikod nga sa amin.

" Stop crying buddy, let's buy another one." sabi ni Gelo kay Shan tapos tumayo sya at marahang hinila si Shan papunta dun sa vendor.

Pinagmasdan namin sila ni Yella habang papunta sila dun sa vendor. Nung nandun na sila, nadaanan nila yung babaeng may hawak na aso. Biglang napatingin yung babae kay Gelo na nanlalaki pa yung mata. Pinagmasdan ko yung babae, parang pamilyar siya.

Si Gelo naman tila nagulat din.

" Oh my God! Gelo Montero is that you?" maarteng tili nya na ikinalingon ng mga tao sa park.