Shanaia Aira's Point of View
Biglang napatingin yung babae sa kanya na nanlalaki pa yung mata. Pinagmasdan ko yung babae, parang pamilyar siya.
Si Gelo naman tila nagulat din.
" Oh my God! Gelo Montero is that you?" maarteng tili nya na ikinalingon ng mga tao sa park.
Napatayo ako sa bench. Hinigit ko si Yella at lumapit dun sa kinaroroonan nila Gelo.
" Excuse me!" wika ko kaya napatingin din ang babae sa akin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.
" Aira!!!" tili na naman niya sabay yakap sa akin. Parang gustong matanggal ng eardrum ko sa lakas ng tili niya.
" Eia?" tanong ko.
" Sino pa nga ba? Nakakatampo kayong dalawa ha? Parang takang-taka pa kayo nung makita nyo ako. Lalo ka na Gelo, bwisit ka! "
" Sorry hindi kita nakilala. Magaling yung plastic surgeon mo ha." pang-aasar ni Gelo. Hinampas naman siya ni Eia sa braso sa sobrang inis nito.
Sa totoo lang talagang ang laki ng pinagbago sa itsura niya. Pumuti siya at kuminis ang pisngi na pinamugaran ng pimples dati. Hindi ako judgmental ha? Yun talaga sya dati.
" Anong ginagawa mo dito? " tanong ko.
" Haler! Ako dapat ang nagtatanong nyan. Anong ginagawa nyo dito at sino yang dalawang cute na mga batang yan? " tanong niya.
" Uhm.. kasi dito na.... " hindi ko natuloy yung sinasabi ko nang magsalita na naman siya.
" OMG! May anak na kayong dalawa? "
" Kasi naman bakit hindi mo muna patapusin yung nagsasalita. Wala ka talagang pagbabago Eia. Para ka pa ring taratitat na nakalunok ng megaphone. " asar muli ni Gelo. Inirapan naman siya ni Eia.
" Kasi naman excited lang. Alam niyo naman na nuon pa, shipper nyo na ako. Okay. okay. game! Answer me na Aira, at kanina pa ako kinikilig dito sa inyo! " maarteng turan pa nya. Napapailing na lang kami ni Gelo sa kanya.
" Oo mga anak namin sila. Nagpakasal kami ni Gelo 5 years ago pa. " sagot ko ng matigilan siya.
" Five years ago? Halos five years na kami dito, ang huling balita ko dito kay Gelo ay nung ma-link siya dun sa dating beauty queen na anak nung senador. Di ba ang huling pagkikita natin ay nung tayo ang na-assign sa praise and worship sa church? You mean kasal na kayo nung time na yon? " tanong muli ni Eia.
" Yeah, naghiwalay kami dahil kay Gwyneth, umalis ako at hindi niya alam na buntis ako. Kailan lang ako bumalik dala ang mga bata. Hayun nag-decide siya na iwan muna ang showbiz at nag-apply dito bilang architect. Kahapon lang kami dumating dito." paliwanag ko.
" Really? Oh my, small world talaga! Saan ang house ninyo? " tanong niya.
" Doon sa pangalawang street na yon, sa may gitna. Kayo? " tanong ko naman.
" Dun oh. " turo niya dun sa bahay na nasa harap lang ng park na ito.
" Kasama niyo ba si Aeious dito? " singit ni Gelo.
" Oo buong pamilya kaming lumipat dito dahil sa trabaho ni daddy. Pero si kuya nasa Ireland ngayon, may project sila ngayon dun, next month pa ang balik niya dito." sagot niya.
Si Eia nga pala ay kapatid ni Aeious Mortel, yung classmate at matalik na kaibigan ni Gelo nung college. Yung nagdala sa amin ni Gelo sa church nila kung saan napabilang kami ni Gelo sa praise and worship team. Si Eia ay classmate ko sa ilang subject nun sa college at naging close kami dahil parang younger sister na siya ni Gelo. Maingay at kikay ito kahit noon pa man pero sobrang bait. Ito ang nagtatanggol sa akin at kakampi namin nila Venice at Charlotte kapag inaaway ako ng mga fan girls ni Gelo noon sa University.
" By the way, eto nga pala ang twins namin. Si Yella at Shan. Kids this is your tita Eia, younger sister sya nung bestfriend ni daddy." pakilala ko sa mga anak namin kay Eia.
" Hello po tita Eia." bati nung kambal tapos nagmano sila kay Eia.
" Oh my gosh! They're so adorable. Kamukha mo sila Gelo. " puna ni Eia.
" Oo nga eh. Malakas ang dugo ng mga Montero. " sagot ni Gelo na natatawa. Napailing ako. Alam ko naman na iba ang iniisip nya kaya sya natatawa.
" Naku pag tumawag si kuya mamaya, ibabalita ko na nandito na rin kayo. May church na ba kayong pagsasambahan dito? " tanong niya.
" Wala pa nga eh. May alam ka ba?" tanong ko.
" May branch yung church natin dito,duon kami sumasamba. Puro Filipino dun, isasama ko kayo. " excited na turan niya.
" Talaga? Sige. " sabi ko.
" Tara kayo sa bahay. Nandoon si mama at si Abcde. Si daddy nasa work pa. Tiyak na matutuwa sila kapag nakita kayo. Come on kids, marami akong chocolates sa bahay. " hinawakan niya yung mga bata sa magkabilang kamay niya at nagpatiuna na sa paglalakad. Pinahawak naman niya kay Gelo yung aso nya.
Tuwang-tuwa nga si tita Amanda ng makita kami ni Gelo lalo na sa mga bata. Cute na cute siya sa kambal. Close si Gelo dito nung college sila ni Aeious, madalas makitulog sa kanila kapag gumagawa sila ng project. Naging malapit din ako sa kanila dahil nakakasama ko sila sa church.
Halos papadilim na nung umuwi kami. Doon na nga kami sa kanila pinapakain ng dinner kaya lang tumanggi kami dahil nagluto si Divine ng hapunan namin. Nangako kami na sa susunod na lang at sasama na kami sa kanila tuwing Sunday worship.
" Alam mo baby, dinala tayo ni God sa lugar na kung saan hindi tayo lubusang mangangapa. Imagine, nandito na rin pala ang pamilya ni Aeious na hindi na iba sa atin." turan ni Gelo nung nakahiga na kami para matulog. Napatulog na namin agad yung kambal dahil napagod sa kakalaro dun kila Eia.
" Oo nga bhi. Akalain mong makita agad natin si Eia sa pangalawang araw pa lang natin dito. God is really amazing. "
" Yeah. Amazing and sovereign. He controls everything. Siyanga pala baby, anong balak mo sa birthday nung kambal? " biglang pag-iiba niya ng tema ng usapan.
" Uhm, simpleng handaan lang bhi, wala pa naman tayong masyadong kakilala dito. I don't know kung matutuloy ang pamilya natin na mag travel papunta dito. Kung hindi naman sila matuloy, nandyan sila uncle Paul at sila Eia." sabi ko.
" Okay. Masaya na rin yon. Saka na tayo magpa-party kapag settled na talaga tayo dito. "
" Tama. " sagot ko. Napatingin ako sa kanya. Mataman pala syang nakatingin sa akin.
" Why? "
" Wala. Naisip ko lang yung sitwasyon natin ngayon. Dati nakabukod tayo sa mga magulang natin pero nasa malapit lang sila at dalawa lang tayo nun pero ngayon malayo tayo sa kanila at apat na tayo. Alam ko na hindi madali pero kapag tinitingnan kita parang easy lang sayo kaya malakas na rin ang loob ko. " sabi niya. Tumagilid ako ng higa at hinarap siya.
" Bhi, hindi nga madali. Ito ang unang pagkakataon na mamumuhay tayo ng milya-milya ang layo sa kanila, tayo lang talaga pero sabi mo nga dinala tayo ni God sa lugar na hindi tayo lubusang mangangapa dahil may hinanda na syang mga tao para makasama natin sa banyagang lugar na ito. At isa pa, kaya tingin mo sa akin, easy lang ang lahat kasi baka nakakalimutan mo na apat na taon akong namuhay na wala kayo sa tabi ko. Kung nakaya ko, makakaya din nating dalawa bhi. Easy lang ako kasi kasama kita. " sabi ko tapos hinaplos ko yung mukha nya.
Hinila niya ako palapit sa kanya saka niyakap ako ng mahigpit.
" You're my strength and my weakness baby. I love you so much. " he said then kissed me tenderly.
As usual, bilang siya si Gelo na maharot at ako naman si marupok, exercise na yan.
He promised me na we will do it only once. Pero sobrang intense nya. Para bang ngayon pa lang yung unang pagkakataon na tutuklasin namin ito. . In his arms, he made me feel like I'm the most important person in his world.
He loved me in every possible way.