Shanaia Aira's Point of View
MATAPOS kumain ng lunch kasama ang buong pamilya ni uncle Paul at auntie Fanny, hinatid na nila kami sa bahay na aming titirhan. Nasa kabilang street lang ito at gaya nga ng sabi ni auntie, walking distance lang from their house.
Magaganda rin ang bahay dito sa lugar nila, gaya ng mga bahay sa village namin sa Pilipinas, malalaki ang lote at mga bahay dito. Pansin ko lang na hindi uso sa kanila ang bakod. Dinala kami nila uncle Paul sa dating bahay ng anak niya na si Philip, nasa Australia na kasi ito kasama ang asawa at dalawang anak dahil naroon ang trabaho nito. Isa itong licensed Engineer. Pinapatira kami dito ni uncle Paul ng libre but Gelo insisted na magbabayad kami monthly. Wala ng nagawa si uncle kundi tanggapin na lang dahil sa kakulitan ni Gelo.
Maganda ang bahay, two storey ito with 5 bedrooms at 5 bathrooms. Fully furnished din ito kaya wala na kaming problema sa pamimili ng gamit. Uncle Paul and aunt Tiffany tour us around the house. Konting linis lang ang kailangan, ayos na kami. Nang matiyak nila na settled na kami, umuwi na rin sila uncle Paul. Sobrang nagpasalamat kami sa lahat ng tulong nila. Sa susunod na linggo na daw pwedeng mag-start si Gelo dun sa Engineering and Architectural firm na pinapasukan ni uncle at ganun din ako sa ospital na papasukan ko.
Inokupahan naming mag-anak yung dalawang bedroom sa taas at yung tatlong kasambahay ay sa malaking bedroom sa ibaba.
Nagsimula na kaming maglinis matapos makapag-pahinga. Nagpalit kami ng mga pillow case at bed sheets. Yung room ng mga bata ay pambata talaga ang pagkakaayos dahil sa mga anak ito dati ni Philip. Gustong-gusto ni Yella at Shan yung kanilang pillows at bedsheets dahil cartoon characters ang mga ito.
Hindi kami sa master's bedroom nag-kwarto ni Gelo kundi dun sa mga isa sa mga bedroom dito sa itaas. Malaki rin naman ang bed at very spacious din yung room. Kailangan ko lang sigurong mamili ng karagdagang gamit para dito. May sarili ring bathroom sa loob. Malaki rin naman yung walk-in closet kaya walang problema.
Bandang hapon ay namili kami ni Gelo ng ilang gamit sa bahay at groceries na rin. Lalagyan namin ng laman yung refrigerator na nilinis na ni Divine kanina. Pati yung mga cupboards ay malinis na rin kaya pwede ng lagyan ng stocks.
Habang nasa daan kami, tinitingnan ko ang paligid. As far as I know, this is a very safe country. Sabi nga ni auntie Fanny kanina, ang common type of crime daw dito ay yung pagnanakaw, huwag daw basta iiwan ang bahay na nakabukas or mag-iiwan ng mahalagang gamit sa kotse para hindi ka manakawan. Sa palagay ko, kahit saang bansa naman yata ay may ganyan.
" I think we should buy a car baby." sabi ni Gelo habang naglalakad kami.
" Siguro nga bhi kahit yung second hand lang." sagot ko.
" Okay, magpapasama ako kay uncle bukas." sabi niya and I just nodded. Mahirap pala dito ang walang sasakyan, ang layo ng nilalakaran bago ka makarating sa bus station.
This place is famous for its picturesque landscape, napansin ko yan habang naglalakad kami. It is a small country that is geographically remote. Maganda ang takbo ng ekonomiya nila pero maliit lang ang populasyon. Isa ito sa most least corrupt na bansa sa buong mundo. Pakiramdam ko, magugustuhan naming tumira dito. Walang polusyon at tahimik ang mga tao.
Nakarating kami ni Gelo sa pinakamalaking supermarket dito sa Auckland. Halos triple ang lawak at luwang nito sa mga supermarkets natin sa Pinas. Wala ka na ring hahanapin pa dahil kumpleto talaga siya. Ang dami rin naming pinamili, I wonder kung paano namin bibitbitin ito mamaya eh wala naman kaming sasakyan.
Nung pauwi na kami, nagtanong si Gelo kung may taxi ba dito na dumaraan, meron naman daw pero kung gusto daw namin, may mga Uber din daw pero medyo mahal lang.
Mabuti na lang tinulungan kami nung guard sa supermarket na makakuha ng taxi.
" Remind me tomorrow to buy a car baby. Mahirap pala kapag ganitong marami kang bitbit." sabi ni Gelo. Natawa ako. Siya itong bili ng bili ng kung ano-ano tapos sambakol ang mukha niya ngayong ang dami naming dala.
Pagdating sa bahay ay pinagtulungan namin na ayusin lahat yung mga pinamili. Ako na ang nagluto ng hapunan. Mabuti na lang at kumpleto talaga dun sa supermarket kaya pwede akong magluto ng Filipino food at magsaing ng bigas. Hindi rice person ang mga tao dito katulad natin, mostly tinapay at cereals sila at puro ulam.
So far, we enjoyed our first dinner here in Auckland. After naming magligpit ng kinainan nag-stay muna kami sa living room. Gusto kong tawagan sila mommy to update them na maayos na kami dito.Kaya lang hindi pa ako nakaka-dial ay nauna ng tumunog ang cellphone ko. Si ate Shane ang tumatawag.
Kumpleto sila sa bahay, lahat sila kinausap kami pati yung kambal. Sabi ko okay naman kami at maganda yung tinitirhan naming bahay. Tahimik ang neighborhood at malapit lang kami kila uncle Paul.
Nakaramdam din ako ng pangungulila sa kanila pero nangako naman sila na pupunta sila dito sa amin sa birthday ng kambal next month.
Matapos namin silang makausap ay umakyat na kami sa itaas. Nilinisan na ni Merla at Isay yung kambal para patulugin tapos kami naman ni Gelo ay naligo na rin at nagpalit na ng pantulog. Pero lumabas din ako ng kwarto para puntahan yung mga bata sa room nila. Gaya ng nakagawian, binasahan ko muna sila ng book nila bago sila natulog.
Pagdating ko sa room namin ni Gelo, nakaupo na siya sa kama na tila inip na inip na. Dumiretso naman ako ng upo sa harap ng vanity mirror.
" Anyare sayo? Parang ang laki ng problema mo?" tanong ko habang nagsusuklay ng basa kong buhok.
" Ang tagal mo kasi eh."
" Hala sya! Yung mga anak mo kasi mana sayo ang kukulit."
" Teka lang, bakit kapag negative ang ugali, sa akin nagmana? Naku baby ha, masyado kang judgmental."
" Sa ating dalawa, sino ba ang makulit aber? " napangiti pa sya ng malapad sa tanong ko.
" Oo na. Ako na. Tara na tulog na tayo. " pagyaya niya tapos pilit akong inihiga sa tabi niya.
" Bakit ba nagmamadali ka? "
" Wala lang. Naisip ko, nasa bagong environment tayo, bagong room din. "
" So, ano pinupunto mo?" pigil ang ngiti ko habang nagtatanong sa kanya. Parang nahuhulaan ko na to eh. Si Gelo pa.
" Kainis ka naman napaka-manhid mo! " inis nyang turan.
" Hala sya! Bakit kasi hindi mo ako diretsuhin?"
" MRS. MONTERO, MAG-EXERCISE NA TAYO! "
Tawa ako ng tawa sa kanya. Parang tanga naman kasi. Ang sarap inisin. Buti na lang nasa ibaba ang mga kasambahay at tulog na ang mga bata kundi nabulabog na sila sa pagsigaw ni Gelo.
" Ano ka ba? Nakakabulabog ka ng neighborhood! " tumatawang sabi ko.
" Hindi yan dahil soundproof daw ang mga kwarto dito. Kaya kahit umungol-ungol ka pa dyan walang makakarinig sayo."
Jusko wala na namang filter ang bibig nya.
Tigang na ba to?