Shanaia Aira's Point of View
BUKAS na ang alis namin papunta sa ibang bansa. Hindi ko alam na nag-apply si Gelo ng working visa sa ibang bansa, yun yung araw na nagkasundo na kami. May kaibigan si daddy Archie na naghahanap ng licensed Architect, then Gelo immediately grab the opportunity. Gusto muna kasi niyang manahimik at magbakasyon muna mula sa mundo ng showbiz. At nagkataon naman na bumalik na ako ng bansa kasama ng mga anak namin, umayon ng husto ang pagkakataon sa kanya.
Inayos na rin niya yung lilipatan kong ospital at yung bahay na titirhan namin kung saan kaming bansa pupunta. Ayaw pa niyang sabihin kung saan, malalaman ko na lang daw bukas pagsakay namin ng eroplano.
Iba rin talaga ang nagagawa ng pera at connection. Ginagamit lang naman ni Gelo yon kung kinakailangan, gaya na lang ngayon na kailangan na naming mangibang bansa agad para sa katahimikan ng buhay namin at kaligtasan na rin.
" Are you ready baby?" tanong ni Gelo sa akin.
Pinuntahan niya ako sa bedroom namin dahil inaayos ko yung ilang gamit ko na hindi ko nailagay sa maleta. Isisingit ko na lang ang mga ito, kasya pa naman. Kaunti lang ang dala namin at plano ni Gelo na dun na lang kami mamili para wala ng masyadong bitbit. Maging yung mga kasambahay na kasama namin ay doon na lang ipamimili. Tatlo ang dala naming kasambahay, yung dalawang yaya na si Isay at Merla tapos dinala ko rin yung anak ni yaya Didang na si Divine.
" Ready na ako bhi sa bagong buhay na haharapin natin sa ibang bansa kaya lang syempre malungkot din dahil iiwan natin itong bahay, ang pamilya at mga kaibigan natin. Pero kung para sa katahimikan naman ng buhay natin, kakayanin ko na rin yung lungkot. Tutal naman pwede naman daw nila tayong dalawin kahit kailan natin gusto. "
" Magugustuhan mo dun baby, promise. " parang siguradong - sigurado na turan nya.
" Really? "
" Yeah, trust me. "
" Okay, sinabi mo eh. Kailan mo nga ba ako dinala sa lugar na hindi ko nagustuhan? "
" Meron din. " sabi nya tapos ngumisi ng pilyo. Nangunot ang noo ko. Mukhang kalokohan na naman nasa isip nito.
" Aber, saan yon?"
" Nakalimutan mo na? " tanong niya.
" Saan nga kasi? " pangungulit ko. Hindi ko matandaan kung may lugar ba akong inayawan ko na kasama siya.
" Yung park dun sa US, sabi mo ayaw mo ng makita yung lugar na yon. Inis na inis ka pa nga nung araw na yun. " biglang bumuhos sa alaala ko yung binanggit niya.
Oo, naalala ko na. Yun yung araw na pinakita niya sa akin yung lyrics ng kantang ginawa niya para sa special someone niya. Sa inis ko sinabi kong ayaw ko ng pumunta sa lugar na yon kahit kailan. Doon ko kasi naramdaman yung parang nag-crack yung puso ko nun.
" Hindi ako sa lugar na yun naiinis kundi sayo." nagtatakang tumingin siya sa akin.
" Ako? Anong kinalaman ko dun?" inosenteng tanong niya.
" That was my first heart break, you know. You composed a song for your someone special." natawa siya sa sinabi ko.
" Kayo talagang mga babae, napaka-historical ninyo. O hindi ba sayo ko binigay yung kanta na yon? "
" Oo nga sa akin mo binigay but it caused me a heartbreak first before you gave me that composition. Sinasabi ko lang ngayon na wala akong lugar na hindi nagustuhan, akala mo lang yon dahil sinabi kong ayaw ko ng makita yung lugar na yon. Ang totoo, hindi ako sa lugar na yon naiinis kundi sayo."
" Oh ngayon ko lang nalaman na first heart break mo pala yon dahil akala mo mayroon akong ibang special someone. " tila nanunudyo pa ang tono nya. Secret ko kasi yon, ngayon ko lang ibinunyag.
" Oo na. Aasarin mo na naman ako. "
" Hindi ah. Kinikilig kaya ako. Akala ko ako lang ang in-love nung mga panahong yon. Nagpapakipot lang pala. " pang-aasar nyang muli.
" Hoy bhi, hindi ako nagpapakipot ah. Never akong nagpakipot, alam mo yan."
" Oo nga. Tara na? "
" Saan? "
" Sa bathroom. Exercise tayo. Oh hindi ka nagpapakipot di ba? "
" Tse! Para-paraan ka! "
*******
Auckland, New Zealand
After 10 hours and 30 minutes flight from the Philippines, we reached the Auckland airport at 11:30 am.
I can't believe na dito kami maninirahan ni Gelo para makahanap ng kapayapaan at normal na buhay. Talagang sinurpresa niya ako. Sa airport pa lang sa Pinas ay naka-blindfold na ako, tinanggal lang niya nung nasa loob na kami ng eroplano. Para nga akong tanga, na umiiyak sa likod ng blindfold habang nagpapaalam sa mga kapamilya namin nang ihatid nila kami sa airport.
Isa ito sa mga bansa na nasa bucket list namin noon pa, and I can't believe na dito pa pala kami titira.
" Dad where are we?" tanong ni Yella.
" We're in New Zealand!" sagot niya sa anak namin. Pumalakpak naman sa excitement yung dalawa.
Bago kami lumabas ng airport ay may tinawagan muna si Gelo. Yung best friend at kumpare ni daddy Archie na si Uncle Paul. Actually, distant relative nila ito kaya sobrang malapit si Gelo sa uncle nya na ito dahil bukod sa relative ay ninong din ito ni Gelo sa binyag.
" Malapit na raw si uncle,papasok na raw siya ng airport. Gutom na ba kayo?" tanong nya sa amin. Maging sa tatlong kasambahay ay nag-aalala rin sya.
" It's almost lunchtime bhi, malamang medyo gutom na sila." sabi ko.
" Wait, heto na pala si uncle." tukoy niya sa matangkad na lalaki na may hawig kay daddy Archie. May kasama itong babae na parang kasing edad nila mommy tapos maganda sya at maputi.
Nagmano si Gelo sa mag-asawa tapos sumunod ako at yung mga bata. Pinakilala nya ako sa uncle at auntie niya gayun din yung kambal at mga kasambahay.
" This is Tiffany, my wife." pakilala naman ni uncle Paul sa asawa niya.
" Hello po, auntie."
" Hello, nice meeting you Aira. Ikaw pala yung bunso ni Adrian. Hindi ko alam na ikaw ang naging asawa nitong si Gelo."
" Kilala nyo po ang dad ko, auntie? "
" Yeah, college friend namin siya nitong uncle Paul nyo. Kami ang nagpakilala sa kanya kay Archie at yung mommy mo, si Paul ang nagpakilala sa kanya kay Adrian, classmate kasi ni Paul si Elize nung high school. "
" Talaga po? Small world po talaga auntie. "
" Yeah, sinabi mo. Anyway let's go. May hinanda kaming lunch para sa inyo sa bahay, then ihahatid namin kayo dun sa bahay na titirahan ninyo.Malapit lang din sa bahay namin, walking distance. So, welcome to Auckland! "
This is our new environment.
Dito namin uumpisahan ang buhay naming mag-anak.
Dito alam kong mamumuhay kami ng payapa.
Dahil kasama namin ang Diyos sa panibagong pakikibaka.
I will start my life here with the actor that I hate not to be with.
With him and our kids...