Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 171 - Starting Over Again

Chapter 171 - Starting Over Again

Shanaia Aira's Point of View

AGAD na tumakbo ang mga bata papunta sa akin. Hindi pa nila napapansin ang kasama ko sa kwarto dahil yung atensyon nila ay nasa akin lang.

" Shan and I miss you so much mommy. Where have you been last night? I can't sleep because you're not beside us. " turan ni Yella.

" Sorry sweetie, I've been in television network with mama Shane, daddy Aris and your daddy. "

" Our daddy? "

" Yes, sweetie. " sagot ko tapos biglang tumikhim si Gelo kaya noon lang nila napansin ito. Medyo natatakpan kasi siya nung pinto.

Sabay pang napatakip ng bibig yung kambal tapos namimilog ang mata na nakatingin pareho sa ama nila. Patakbong lumapit si Gelo sa kanila at sabay silang niyakap ng mahigpit. Napansin kong yumuyugyog ang balikat niya. Umiiyak siyang humalik sa mga anak niya.

Hindi ko kinaya yung eksena kaya hindi ko na namalayan na umiiyak na rin ako. Kinuha ako ni Gelo at niyakap niya kaming tatlo, umiiyak kaming apat sa sobrang emosyon, yung dalawang bata ay malamang naiyak sa sobrang tuwa.

" Are you staying here with us for good daddy?" tanong ni Yella, panay ang haplos sa mukha ni Gelo.

" Yes sweetie. I won't go anywhere. I'll be here with you, with Shan and mommy. That's a promise."

" Yes! We have a daddy now. We won't need to borrow dada Jaytee to mama Feli so we could have a daddy." turan ni Shan.

" Shan don't say that. Dada Jaytee will be sad if he hears you say that. " sansala ko kay Shan. Nakangiti lang si Gelo sa amin. Parang mapupunit na nga ang mukha sa sobrang pagngiti. Pero may luha pa rin siya sa mga mata. Kahit nakangiti siya ay alam ko na masakit sa kanya yung sinabi ni Shan.

" Sorry mommy. " malungkot na turan ni Shan.

" It's okay kiddo. Dada Jaytee will always be your dada even though daddy is here already. Understand kids?"

" Yes mom!" sabay pa nilang turan at sumaludo pa.

" God, they are so adorable. Salamat baby sa pagpapalaki ng maayos sa kanila." bulong ni Gelo sa akin.

" Kung wala si Jaytee at Feli hindi ko kakayanin yon bhi. Pero ngayong nandito ka na, ikaw na ang magdidisiplina sa kanila. Huwag mo silang i-spoil, tayo rin ang mahihirapan. " sabi ko.

" Of course baby. Come on, gusto ko ng makausap si mommy Elize at daddy Adrian. Iuuwi ko na kayo sa bahay natin. " sabi niya. Tumango naman ako tapos kinarga ko na si Yella, siya naman si Shan. Bumaba na kami papunta sa dining room dahil siguradong naroon na si mommy at daddy.

PAGDATING namin ng dining room ay seryoso silang nanonood sa tv na naroon.Ang pinanonood nila ay yung continuation nung interview kagabi sa isang morning show. Marami ang cut dun sa interview.Wala na yung ilang words sa pag-uusap ni Gelo at Roxanne dun sa huling part. I'm sure marami na naman ang lalabas na haka-haka nyan sa susunod na mga araw. Ganoon naman siguro kadalasan ang nangyayari upang mapag-usapan pa ng matagal ang mga issues o intrigues para kumita ang mga nagbabalita.

" Morning mom and dad." bati ko sa mga magulang ko gayun din si Gelo na medyo nahihiya pa sa kanila. Yung kambal naman ay agad na humalik sa kanilang lolo at lola.

" Mabuti kasama ka anak. Nagkakilala na kayo ng mga anak mo." sabi ni dad kay Gelo.

" Opo dad. Sinama na ako ni Aira dito kagabi matapos yung paglalantad namin sa publiko." sagot ni Gelo.

" Naku siguradong matagal na pag-uusapan yang balita na yan tungkol sa inyo lalo na at mukhang maraming cut. I expect nyo na magkakaroon ulit ng interview nyan para linawin pa yung iba. " sabi naman ni mommy na nakatutok pa yung mata sa pinanonood.

" Ganyan po talaga mommy kumikita ang mga networks at tabloids. " sagot ko.

" Ang importante po ay nailabas na namin yung totoo sa publiko. Ano man po ang hilingin nilang interview eh hindi naman ako magdadamot sa kanila basta para sa katotohanan." sabi naman ni Gelo.

" Mommy, daddy hihingin ko na rin ang pagkakataon na ito para magpaalam sa inyo. Tutal naayos na namin yung mga issues namin ni baby, gusto na po naming maging buong pamilya. Kung ano man po yung mga pagkakamali ko sa mga naging desisyon ko sa nangyari sa amin ay ihihingi ko na rin po ng tawad sa inyo. Hindi ko na kailangang isisi sa nangyari yung mga maling desisyon na nagawa ko, mali po talaga yung nagkaroon ako ng ibang relasyon gayung kasal pa kami ni Aira. Sorry po at this time ipapangako ko po na hindi ko na bibigyan si baby ng ikasasama niya ng loob. Alam niyo naman po kung gaano ko siya kamahal kaya hihilingin ko po na payagan nyo akong makabawi sa kanya at sa mga anak namin. " medyo naluha pa si mommy sa sinabi ni Gelo kaya hinawakan niya ito sa kamay at tumango bilang pag sang-ayon.

" Bweno hindi naman kami tutol dyan sa gusto mong mangyari anak. Ang mahalaga maging buo na ulit kayo. Wala kaming sama ng loob sayo Gelo, naiintindihan namin kung bakit nagawa mo yon. Nasaktan ka dahil iniwan ka ni baby at nakita naman namin yung pinagdaanan mo. Kahit tutol ang kalooban namin nung magka-girlfriend ka, nung makita namin na umayos ka naman ulit kahit paano ay natanggap rin naman namin. Alam din naman namin na ganito rin ang mangyayari once na makita mo ulit si baby, babalik at babalik ka rin sa kanya dahil siya ang tunay mo at legal. You are forgiven son and you can take them with you, with our blessing. " mahabang pahayag ni daddy kaya napaiyak kami ni Gelo. Napaka-understanding talaga ng mga magulang ko sa amin. Simula nung araw na maging kami ni Gelo ay hindi namin sila kinakitaan ng pagtutol.

" Thank you mommy, daddy. Iuuwi ko na po sila sa bahay namin ngayon din po." sabi ni Gelo.

" Alright, nasabi mo na ba?" makahulugang tanong ni daddy kay Gelo.

" Dad!" natatawang sambit ni Gelo.

" Okay. Okay wala na akong sinabi." pagsuko ni daddy. Naguguluhan ako sa senyasan nila. Si mommy naman nangingiti lang.

" Ang daya ninyo. May sikreto kayo hindi ako kasali." medyo nagtatampo kong turan.

" Mamaya mo na malalaman baby. Surprise yun." sabi ni Gelo sa akin.

Matapos ang agahan ay nagtulong kami ni Gelo na mag-impake ng gamit namin ng mga bata. Konti lang daw ang dalhin ko at iwan na raw namin dito yung iba para daw pag umuuwi kami dito ay hindi na kami magdadala pa.

Nang matapos kami ay pinabihisan ko na ang kambal sa yaya nila. Si yaya Isay lang at yung isang kasambahay namin na si Mirriam ang isinama ko para makasama namin sa bahay.

Nagpaalam na kami kay mommy at daddy. Gayun na rin kay ate Shane, kuya Andrew, Dindin at kuya Aris na tanghali na nung magsipag-gising.

Nagtataka naman ako na parang hindi naman sila nalungkot nung umalis na kami. Inisip ko na lang na masaya sila dahil finally magkasama na ulit kami ni Gelo.

Wala pang sampung minuto ng huminto si Gelo dun sa may kabilang phase ng village namin. Bumaba siya tapos binuksan niya yung pinto sa passenger's side. Inalalayan niya ako sa pagbaba. Tapos sinenyasan niya yung mga yaya na mag wait lang.

" Bakit bhi nasiraan ba tayo?"

" Hindi naman."

" Eh bakit huminto ka? Ang layo pa ng Tagaytay kaya i-check mong mabuti yang kotse para wala tayong maging problema sa daan."

" We're here na."

" Anong we're here...." hindi ko na natuloy dahil inginuso nya yung gate sa tapat ng kinatatayuan namin. Napatakip ako ng bibig sa gulat ng makita ko ang bahay sa harap namin. Lumapit si Gelo sa akin at inakbayan ako.

" Yan yung surprise ko sayo. Sikreto kong pinagagawa yan nung time na magpapakasal na dapat tayo sa farm. Gift ko dapat yan sayo kaya lang may nangyari nga di ba? Si daddy Adrian ang nagturo sa akin ng bakanteng lote dahil kaibigan niya yung may ari. Binenta sa akin dahil kailangan lang ng pera at hindi naman nagagamit na yang lote." paliwanag niya.

" Kaya naman pala hindi sila nalungkot nung umalis tayo kanina dahil nasa kabilang phase lang tayo. Magtatampo na sana ako. " natawa si Gelo sa akin at hinalikan ako sa ulo.

" Let's go para makita mo na yung loob. "

Binuksan ni Gelo yung gate para maipasok yung kotse namin. Nagulat ako sa laki ng garahe at nandoon na rin yung ibang sasakyan namin. Namangha ako sa ganda ng bahay na di hamak na mas malaki kaysa dun sa bahay namin sa Tagaytay. Two storey ito at modern ang design.

" Si Architect Gelo Montero ang nag-design nyan. Yung interior design ay si Arcel ang gumawa, yan yung ojt niya." tukoy nya dun sa isang kapatid niya.

" Kaya pala maganda ikaw ang gumawa. Bhi thank you ha? Kahit na naghiwalay tayo hindi mo hininto ito."

" Baby alam ko naman na magbabalik ka. Kung nagkarelasyon man ako sa iba, alam ko naman na walang patutunguhan yon.Nadala lang ako ng sitwasyon. Gaya nga nung prediction sa atin nung lola sa Japan, sa pugad ko pa rin ako hahapon. Yung pugad ko ay ikaw kaya natural lang na sa iyo ako uuwi kahit ano pa ang mangyari. "

" Kainis ka bhi. "

" Bakit na naman? " nagtatakang tanong niya.

" Pinakilig mo na naman ako. "

" Kinilig ka. Meaning may exercise tayo mamaya nyan,hmm?" bulong nya sa akin.

Hinampas ko siya sa braso.

" Uhm. shige pag - iishipan ko. " pabebe kong turan na ikinatawa ng malakas ni Gelo.

Humanda ka na self siguradong walang tulugan yan. Si Gelo pa.