Shanaia Aira's Point of View
" Mom, is this ours?" namamanghang tanong ni Yella habang iginagala ang tingin sa buong bahay. Hindi lang sa labas maganda ang disenyo ng bahay pati rin interior design nito. I should thank Arcel for this.
" Yes sweetie. You should thank your daddy for this. " sagot ko.
" Wow! Cool!" narinig ko si Shan na bumulalas. Karga siya ni Gelo, kapapasok lang nila ng bahay.
" Kids this is our home. From now on, we will live here together as a family. You two like it?"
" Yes daddy, very much! " magkapanabay pa nilang turan.
Inilibot kami ni Gelo sa buong bahay. Tuwang-tuwa ang kambal ng makita ang kuwarto nila. Puno ng mga laruan at yung mga favorite cartoon character nila ang naka-print sa beddings nila. Hindi ko na sila napigilan nung maglaro na sila sa kani-kanilang kama.
" Kailan ko lang naipaayos ng ganyan yang room nila. Si Arcel din ang nag-design niyan."
" I will thank Arcel for this one day." sabi ko.
" Oh she'll definitely appreciate that."
Ako ang nagluto ng lunch naming mag-anak. Napansin ko na ganado si Gelo sa pagkain niya, feeling ko siya ang uubos ng pagkain namin ngayong lunch.
" Bhi, hindi ka naman gutom ano? " tanong ko.
" Sobra ko lang na-miss ang luto mo baby. Mukhang magiging taong-gym na naman ako nito dahil paniguradong tataba na naman ako."
" Hindi ka na pumupunta sa gym?"
" Madalang na."
" Bakit naman?"
" Busy, then wala rin yung gym buddy ko." ngumiti pa siya.
" Sige starting next week pupunta na ulit tayo sa gym. " sabi ko.
" Pwede naman tayong dito sa bahay mag-exercise ah." sabi nya na may pilyong ngisi pa.
" Sus, para-paraan ka rin ser. Hindi ko po nakakalimutan yan. "
" Talaga? Dalian mo na dyan tapos patulugin mo muna yang mga bata. " excited na sambit nya.
" Hoy, tanghalian pa lang, patutulugin mo na sila? " Jusko buti na lang kami lang talagang apat ang nandito sa dining room kundi naeskandalo na kay Gelo yung dalawang kasambahay namin.
" Bakit sa gabi lang ba pwedeng matulog? Kaya nga may afternoon nap di ba? Wala ka ba talagang plano na ibigay ang karapatang pantao ko?"
"Ibibigay ko naman yang karapatang pantao mo pero tanghaling tapat naman, grabe kang tao ka!"
Hindi rin naman niya naipilit yung karapatang pantao niya dahil hindi niya mapatulog si Shan. Nakipaglaro pa sila sa kanya kaya yun ang inuna niya.
Bandang hapon nung dumalaw sila mommy kasama sila ate Shane.
Nilibot namin sila sa buong bahay. Ngayon lang din kasi nila nakita ang loob nito.
" Gelo kapag nagpagawa kami ng bahay, ikaw ang kukunin naming Architect ha?" ungot ni ate Shane kay Gelo.
" Oo naman besty, walang problema. Sabihan mo kaagad ako kung kelan. " sagot ni Gelo.
Lumipas pa ang ilang sandali ng ang pamilya naman ni Gelo ang dumating. Mommy Mindy and daddy Archie with their own family with them. Parang may malaking handaan sa bahay namin sa dami nila. Pero ang nakakatuwa, ang dami din nilang bitbit na pagkain para hindi na daw ako mag-abala pa na magluto.
Nakatingin lang sa akin si Gelo the whole time na nakikihalubilo kami sa mga bisita namin. Mukhang inip na inip siya gayong nag-eenjoy ang lahat dahil sa kabibuhan ng kambal.
" May problema bhi?" tanong ko sa kanya nung nagpe-prepare kami ng table para sa dinner.
He drew a deep sigh before he answer.
" Wala naman baby." walang gana nyang sagot.
" Wala? Eh bakit matamlay ka yata?"
" Hindi kasi kita ma-exercise kaya matamlay ako. " natawa ako ng malakas sa sinabi niya. Jusko akala ko naman kung ano ang pinoproblema niya.
" Bhi mamaya magsisi-uwi na rin naman sila. Sobrang miss mo na ba ako? "
" Naman! Four years na akong celibate baby, can't blame me. "
" Weh di nga? "
" Anong palagay mo sa akin baby? "
" Maharot. " walang pag-aalinlangan kong sagot. Napanguso naman siya.
" Grabe ka sa akin baby. Wala akong naka-exercise sa loob ng apat na taon na wala ka. Ayokong magkasala sayo at kay Lord."
" Totoo bhi?"
" Baby, I know that's not right. And I promised you before na sayo lang ako di ba?"
" Naniniwala naman ako sayo bhi pero syempre pumasok ka sa isang relasyon, hindi ko maiiwasan na mag-isip kung may pinagsasaluhan ba kayo na... yung alam mo na. Hindi naman siguro kapani-paniwala na nagtititigan lang kayo. "
" Huwag na nga nating pag-usapan yung nakaraan, basta ang masasabi ko lang hindi ako gumawa ng mga bagay na kasalanan sa mata ng Diyos at sayo. "
" Okay sinabi mo eh. Dahil dyan may reward ka sa akin mamaya. "
" Yes! Exercise with a twist ba? " excited nyang tanong.
" Uhm. More than that. "
" Hey family! Halina kayo, dinner is ready. Come on, hindi na ako makapag-hintay! " sigaw ni Gelo sa may living room kung nasaan ang mga kapamilya namin. Napapailing na lang ako sa kanya. Tila nabuhayan na ng dugo at bumalik na ang sigla ng lalakeng mahilig mag exercise.
_____________
NAALIMPUNGATAN ako na parang may nagsasalita sa tabi ko.
" Dad, what happened to mommy, why she's still asleep." I heard Yella's voice.
" Shhh. sweetie, mommy is tired let her rest. Come on, I'll take you and Shan downstairs to have your breakfast, mommy will wake up soon."
Sunod na narinig ko ay ang pagsara ng pinto.
Nagising akong muli nung makaramdam ako ng pagka-alinsangan gayong bukas pa naman ang aircon. Bumangon ako at mukhang disoriented pa ako sa paligid. Saka lang nag-sink in sa akin na nandito na pala kami sa aming bagong bahay.
Nagligpit ako ng hinigaan saka pumunta ng bathroom. Pasado alas nuwebe na pala ng umaga. Ano na kaya ang ginagawa ng mag-aama sa ibaba?
Nang itapat ko ang katawan ko sa shower ay saka lang ako nakaramdam ng ginhawa sa katawan. Nanakit ang buo kong katawan dahil sa exercise namin ni Gelo kagabi. Napapangiti ako kapag naaalala ko yung mga pinaggagawa namin kagabi. Pareho kasi kaming na-excite kaya pareho yata kaming naging wild. Hindi ko alam kung ilang beses kinuha ni Gelo yung karapatang pantao niya. I lost count na rin. Doon ko napatunayan na celibate nga siya for four years, hindi kasi siya naubusan ng gasolina. Haha. According to him, mala-sago na nga daw. Salbahe talaga.
Bumaba na ako matapos akong maligo at magbihis. I found Gelo in the living room reading his script.
" Morning bhi. Nasaan yung kambal?" nagulat pa siya nung marinig niya ako. Sobrang engrossed siya siguro sa binabasa niyang script.
" Ow you're awake. The kids are in the pool with their yayas. Halika mag breakfast ka na." tumayo siya at inakbayan ako. Hinalikan niya ako sa gilid ng ulo ko.
" Bakit hindi mo ako ginising? Wala ka bang taping ngayon?"
" I know you're tired. Tomorrow pa ang resume ng taping kaya binabasa ko na yung script ko. "
PINAGHAIN niya ako ng pagkain ko sa dining table. There's bacon, hotdog, egg and fried rice. Ipinag-timpla pa niya ako ng gatas.
" Thanks bhi. Anong balita sa labas? " tanong ko nung mag-umpisa akong kumain.
" Oh buti nabanggit mo. Tumawag si tita Jellyn kanina, gusto daw tayong i-guest sa isang morning talk show, yung Beautiful Life."
" Tayo?" gulat kong tanong.
" Yeah. With our kids."
" Why? I mean bakit kasama pa yung kids?"
" Gusto kasi ni tita Jellyn na sagutin natin yung interview ni Roxanne sa Beautiful Life kanina."
" What? Nagpa-interview ulit siya? Ayaw niya talagang tumigil ano?"
" Mukhang ayaw niyang sumuko talaga. Gawa-gawa lang daw yung may anak tayo para mabawi mo ako. Hanggang ngayon daw wala naman daw tayong ipinapakitang mga bata sa publiko. Yung mga proofs daw na dala mo ay puro tungkol sa marriage natin. Sinabi niya sa interview na hindi daw siya naniniwala hanggat hindi niya nakikita ang mga bata. "
" Ano? "
" Mukhang mahaba pa ang pakikipaglaban natin kay Roxanne. Kahit ayaw nating madamay ang mga bata sa intrigues, mapipilitan tayo para matapos na si Roxanne sa mga walang katotohanang paratang niya sa atin. Bhi may copy ba si tita Jellyn dun sa guesting ni Roxanne sa Beautiful Life kanina? " tanong ko.
" Mukhang may isi-nend sa kanya yung SP nung show kasi nga gusto tayong i-guest sa susunod na live show nila. "
" Pwede kaya niyang i-send sayo para makita natin at malaman kung ano ang isasagot natin sa kanya?"
" Wait I'll call her. " sabi ni Gelo.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Once na lumantad kami sa publiko hindi pa doon natatapos ang lahat. Maraming mga balita pa ang susulpot at ang iba ay makikisakay pa sa intriga.
Gaya na lang ni Roxanne.