Shanaia Aira's Point of View
NAPAGKASUNDUAN na namin ni Gelo ang mga dapat naming gawin sa pagdating ni Roxanne. Sa ngayon, hindi pa ulit kami nagkikita dahil tinatapos ko pa yung lahat ng dapat kong tapusin dahil huling araw ko na sa ospital dito sa Sto. Cristo.
Nasa Metro na siya last week pa. Lumuwas din siya nung araw na yun matapos namin siyang makasalo sa breakfast. Okay na ulit yung relasyon niya sa mga relatives ko.
Sa ngayon nasa trabaho siya. May mga scenes pa kasi silang tinatapos para dun sa teleserye na sa Metro naman ang location. Medyo busy din siya kaya hindi siya madalas nakakapag -video call sa kambal. Pero magkausap kami kagabi sa phone, nangungumusta at nagtatanong kung kailan ang balik ko sa Metro.
Kahapon ay nagpa-despedida na ang mga taga ospital para sa pag-alis ko then kagabi ay sila lolo Franz naman. Ngayong araw ay magra-rounds na lang ako sa mga pasyente ko kasama yung bagong doktor na papalit sa akin.
" Cuz baka next month malilipat na rin ako ng ospital, baka dun na rin ako sa branch natin na lilipatan mo." sabi ni Martin habang kumakain kami ng lunch na pinadala ni tita Laine.
" Eh di maganda. Magkakasama na kayo ni Feliche sa bahay." sabi ko. Kami kasi yung magkakabarkada noon sa magpipinsan dahil magkakaedad kami.
" Naku! Siguradong ako ang pahihirapan noon sa mga cravings niya ngayong buntis siya. Noon nga lang palautos na sa akin yon, ngayon pa kaya? "
" Hahaha. Yun lang! Pero alam ko naman na hindi mo matitiis yon but don't worry madalas naman siyang puntahan ni Jaytee sa bahay dahil inaalagaan siya at yung kambal. " sabi ko.
" Speaking of kambal, kailan mo sila ipapakilala ng personal sa ama nila? Para kasi silang Aldub na sa screen lang nagkikita. " natawa naman ako sa sinabi nya. Naalala ko kasi yung favorite kong kalye serye noon.
" Nag-usap na kami ni Gelo tungkol diyan. Pagdating nung girlfriend niya, mag-uusap sila. Sasabihin niya na may anak na siya and he will break up with her."
" Ganoon ba kadali yon? Paano kung hindi pumayag?" tanong niya.
" Doon na ako kikilos. I promised him na this time, lalaban na ako at babawiin ko na siya. Hindi ko na siya hahayaan na makisama sa iba para lang matahimik na. "
" Oh di ba tama ako cuz? Ikaw lang eh. Hindi ko nga alam kung mabait ka ba o nagpapakatanga ka lang talaga. " sabi niya tapos binatukan ko siya.
" Aray naman! Namisikal ka na naman. " naiinis niyang wika sabay haplos sa batok niya.
" Ikaw kasi kung magsalita ka, walang filter yang bibig mo! " natawa sya ng bahagya at nag peace sign pa.
" Ano naman yang naiisip mong paraan ng pagbawi? " medyo seryoso na siyang nagtanong.
" Cuz may plan B kami ni Gelo sakali ngang hindi pumayag si Roxanne. Malalaman mo yan sa tamang panahon. "
" Naks! Ano yan Aldub? " nagkatawanan na lang kami at tinuloy na ang pagkain namin.
Nang matapos ang duty ko ay dumaan muna ako sa office ng director ng ospital para magpaalam. Nagpasalamat ako sa magandang pagtanggap nila sa akin dito at sa mga bagay na natutunan ko.
Teary eyed yung mga nurse at doktor na nakasama ko at hiniling nila na dalawin ko sila paminsan - minsan na siya namang ipinangako ko din sa sarili ko.
Pag-uwi ko ng bahay ay inayos ko na ang mga dadalhin ko. Medyo malungkot sila nung aalis na ako lalo na si Guilly dahil ako ang madalas na kasama niya kapag wala pa si ate Liyah sa bahay.
" Apo mag-iingat ka sa pagmananeho mo. Yung burong talangka na bilin ng mommy mo eh nasa plastic bag na kasama nung mga kakanin. Yung para sa tita Jellyn mo ay naroon na rin." sabi ni lola Paz na malungkot pang yumakap sa akin.
" Opo lola. Salamat po pati na rin sa pag-aalaga ninyo sa akin dito. " turan ko.
" Tumawag ka kaagad dito kapag naroon ka na ha, Shanaia Aira." sabi naman ni lolo Franz.
" Opo lolo. Takot ko lang sa inyo. Binuo nyo na pangalan ko eh." natawa na lang sila sa sinabi ko. Ganyan kasi talaga si lolo kapag binuo na mga pangalan namin, may halo na yon ng pagbabanta.
Hinatid nila ako hanggang sa labas ng gate. Isa-isa ko silang niyakap bago ako lumulan ng kotse ko.
Halos apat na oras ang biyahe pabalik ng Metro. Dahil sa excitement na nararamdaman ko sa pag-uwi ko, pakiramdam ko madali na lang ang biyahe. Miss na miss ko na yung kambal. Halos magda-dalawang linggo na rin nung huli ko silang makita dahil sa dami ng trabaho ko sa ospital. Mabuti na lang may video call, nakikita at nakakausap ko pa sila kahit na paano.
Nung mahigit dalawang oras na ako sa daan, biglang tumawag si Gelo. Kaya naman ni-set ko yung Bluetooth speaker sa kotse ko para hindi istorbo sa pagmamaneho ko.
" Hello Gelo!"
" Hey! Nasaan ka?" tanong kaagad niya.
" Driving. Pauwi ng Metro. Why?"
" Wala lang. I'm just checking kung natuloy kang umuwi."
" Yeah. Eto na nga pabalik na. Ikaw, saan ka?" tanong ko naman.
" Taping." tipid nyang sagot.
" Oh. Nakauwi na girlfriend mo? " tanong ko.
" Tsk. Paano mo nasasabi yang word na yan? " tila nayayamot na tanong niya.
" Alin? yung nakauwi ? " biro ko.
" No. "
" Ah yung girlfriend? " pang-iinis ko pa.
" Tss. " sagot lang nya.
" Ah. Siyempre yun naman ang totoo di ba? Don't make a fuss out of it. Sooner or later magiging ex na yan."
" Yan ganyan. Positive dapat. "
" Sira ka kasi. Kung hindi ka nagpadala sa bugso ng damdamin mo, kahit galit ka pa sa akin noon, you'll remain faithful to our marriage. "
" Babalik na naman ba tayo dun? Pinagsisisihan ko na yung bagay na yon, kaya nga gusto ko ng itama di ba? Sana this time wala ng mag-give up sa ating dalawa. Hindi kita susukuan, kayo ng mga anak natin kaya sana naman huwag ka ng bumitaw. "
" Hindi ba napag-usapan na natin yan? Don't worry, kahit anong mangyari, maninindigan na ako. Para sa mga anak natin. "
" Uy, akala ko ba anak mo o anak ko lang? Walang natin. " tila may pang-aasar yung tono niya. Kung nakikita ko lang to malamang abot langit ang ngisi nito.
" Ewan sayo! Hindi mo na sinagot yung tanong ko. "
" Ah oo. Ngayong gabi ang uwi nun? "
" Hindi mo susunduin? "
" Hindi, may taping nga ako. Besides, nung magkaroon kami ng relasyon, usapan na namin na priority dapat ang trabaho namin, hindi ang isa't isa. Pwede ko naman siyang puntahan after nitong taping namin. "
" Ah I see. "
" Buti kung ikaw yon, gusto ko na ngang umalis dito para puntahan ka kung nasaan ka man. " medyo mahina yung pagkakasabi niya kaya hindi ko masyadong naiintindihan.
" Ano kamo Gelo? Bakit ba bumubulong ka? " tanong ko.
Toot.. toot.. toot..
Bwisit na lalaki yon. Binabaan ako ng tawag!
Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang sa pag-concentrate sa pagpapatakbo ng sasakyan.
Halos alas diyes na ng gabi nang dumating ako sa bahay namin. Tuwang - tuwa si mommy at daddy ng makita ako pati na rin si yaya Didang. Yun nga lang tulog na ang mga bata kaya niyakap at hinalikan ko na lang sila kahit tulog na.
Naligo muna ako at nagpalit ng pantulog bago ako bumaba para uminom ng gatas.
Nagulat ako ng madatnan ko si ate Shane sa dining room na kumakain ng sandwich.
" Oh nakabalik na pala kayo from your honeymoon. Where's kuya Aris?" tanong ko kay ate Shane. Mabilis ko syang niyakap dahil na - miss ko sya.
" Hayun tulog na. Last week pa kami nakabalik. Niyaya lang kami ni tita Sylvia sa Batangas. Kakabalik lang namin kanina. I heard from Gelo na nagkasundo na raw kayo? How was it?"
" Kailan kayo nagkita? Ano ba sabi niya sayo?" magkasunod kong tanong kay ate Shane.
" The other day lang,bago kami pumunta ng Batangas. Yun nga, aayusin niyo daw yung relasyon ninyo. Kakausapin niya daw si Roxanne pagbalik nito galing Paris. " napangiti ako. Updated talaga tong si ate.
" Uhm.. ganun na nga. Dumating na yata yon kanina, sabi ni Gelo sa akin. "
" Nagkita kayo? "
" Hindi. Tumawag lang, nasa taping daw siya. "
" Baby? "
" Uhm. "
" What if, matanggap nga ni Roxanne na may anak si Gelo pero hindi siya makikipag-hiwalay, paano ka? "
" Ate napag-usapan na namin ni Gelo yan. This time, lalaban na ako sa karapatan ko at aagawin ko kung ano yung talagang sa akin. "
" Yan tama yan baby sis. Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. " sabi ni ate Shane.
" Well, sakali ngang umabot ako ate dun sa makikipag-laban ako sa karapatan ko, ano naman ang naiisip mong dapat kong gawin? "
" Simple lang sis. Magpapa-interview ka kay tito Roy at ako na ang bahalang kumausap sa kanya. " napamaang ako sa sinabi ni ate. May plan B kami ni Gelo pero hindi naman ganito katulad ng suggestion ni ate Shane.
Magpapa-interview on national television?
Kaya ko ba yun?