Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 165 - Plan C

Chapter 165 - Plan C

Shanaia Aira's Point of View

INIISIP ko yung sinabi ni ate Shane kanina. Yun naman eh kung hindi lang pumayag si Roxanne na makipag-hiwalay kay Gelo. Kapag ganoon nga ang nangyari, malaking laban ito at madadali lang kung lalantad na nga ako sa publiko.

Mahahalungkat din sigurado yung mga nakaraang issue kay Gelo hanggang dun sa nangyari sa kanila ni Gwyneth na sangkot pati pamilya namin. Mawawalan na kami ng privacy pero kung para sa pamilya naman namin ang laban na ito, willing na akong lumantad sa publiko.

Hindi madali, pero kakayanin.

Kinaumagahan nagising ako sa dalawang bata na nag-uunahan sa pagsampa sa kama ko. Tuwang-tuwa nila akong niyakap at hinalikan.

" Mommy, are you staying here with us for good?" tanong ni Yella.

" Yes sweetie. I'll work in the nearby hospital starting next week." sagot ko.

" What about daddy?" tanong ni Shan.

" I don't know about your daddy. He has a lot of work. Just ask him when he's online." sagot ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang susunod na hakbang namin ni Gelo hanggat hindi niya nakakausap si Roxanne.

" Okay." sagot naman niya.

" Come on mom, let's go downstairs. Mamita is waiting for us for breakfast. " yakag ni Yella sa akin.

Nag-ayos lang ako ng hinigaan at naghilamos sa banyo pagkatapos niyaya ko na yung kambal na bumaba.

" Mamita, daddy lolo, good morning!" halos sabay na bati ng kambal kay mommy at daddy. Humalik sila sa kanila tapos sumunod din ako.

" Kids what about tito Andrew? Where's my kiss?" sabi ni kuya sa dalawang bata. Mabilis naman silang sumunod at humalik kay kuya.

" Sila ate Shane po mom?" tanong ko.

" Sinamahan si Dindin sa school. Recognition day nila ngayon. First honor ang pamangkin mo kaya proud na proud ang mga ate mo. " namilog ang mata ko sa tuwa.

" Really mom? Wow. Magluluto ako para kay Dindin. What do you think? "

" Naku baby, nagpa-cater na ang ate Shane mo, mamaya nandito na yun. " sabi naman ni daddy.

" Bibili na lang ako ng cake at ice cream. " sabi ko.

" Sagot ko na yun bunso." sabi naman ni kuya Andrew.

" Ay ano na lang ang sa akin? "

" Huwag ka ng mag-abala baby, kumpleto na yung mga kailangan. Okay lang naman na wala. " turan ni mommy. Nagkibit balikat na lang ako. Bibili na lang ako ng gift para kay Dindin mamaya sa malapit na mall.

After ng breakfast ay sumaglit muna ako sa mall sa may malapit lang. Binilhan ko si Dindin ng leather backpack bag at yung relo na gustong-gusto niya.Bumili na lang din ako ng paper bag na maganda para doon ilagay yung gift ko. Tapos umuwi na ako baka kasi hinahanap na ako nung kambal. Pero bago yun dumaan muna ako sa BurgerKing para bumili ng burger na favorite nung kambal at Donuts.

Pagdating ko sa bahay ay nandoon na yung catering pero wala pa rin sila ate Shane.

Tuwang-tuwa yung kambal ng ibigay ko yung pasalubong ko sa kanila. Sabi ko mamayang hapon na nila kainin baka kasi hindi sila makakain ng lunch. Sumunod naman sila at itinabi na ni yaya Isay sa dining yung binili ko.

Thirty minutes before lunchtime nang dumating sila ate Shane,kuya Aris at Dindin. Masaya kaming nagyakap ni Dindin tapos iniabot ko yung gift ko sa kanya. Tumalon-talon pa siya sa tuwa nung makita niya yung gift ko.

Eksaktong alas dose ng tanghali ng magdatingan ang mga bisita. Naunang nagsidatingan ang mga in laws ni ate Shane. Si tita Marsha at tito Arnold, mga parents ni kuya Aris at sila mommy Mindy at yung husband niya na si tito Darius kasama rin si daddy Archie at yung wife niya na si tita Betty. Akala ko awkward yung sitwasyon sa parents ni Gelo na may kasama silang iba pero mukhang okay lang naman. Nag-uusap naman ng maayos si daddy Archie at tito Darius gayundin si mommy Mindy with tita Betty.

" Kailan ka bumalik from Sto. Cristo, anak?" bungad agad ni mommy Mindy sa akin nung makita niya ako. Nagbeso agad kami.

" Kagabi lang po mommy." sagot ko.

" Mabuti naman at nandito ka na. Pwede mo ng madala madalas sa amin ang kambal. Nahihiya rin kasi ako kay Jaytee pag hinihiram ko sila. " sabi ni mommy Mindy.

" Ah opo mommy, wala pong problema."

" Natutuwa ako ng ibalita sa akin ni Gelo na nagkaayos na raw kayo. Sana anak maayos niyo na yang relasyon ninyo para magkaroon ng buong pamilya ang kambal. " turan ni mommy Mindy.

" Oo nga po my.. Kakausapin niya raw po si Roxanne at makikipag-hiwalay na raw po siya."

" Naku sana lang pumayag siya. Pero hindi pwedeng hindi siya pumayag dahil may legal na asawa si Gelo. At sana anak ipaglaban mo ang karapatan mong iyon. Huwag ka ng magbigay, it's about time na ipakita mo sa publiko kung sino ang nagmamay-ari talaga kay Gelo. " napatitig ako kay mommy Mindy. Pangalawa na siya sa nagsabi na dapat ipakita ko na sa publiko na ako talaga ang may-ari kay Gelo.

Sana ganoon lang kadali yon. Magpapa-interview ka tapos akala mo tapos na yon. Hindi pa. Umpisa pa lang yun dahil ang susunod dun ay ang paglalabas ng kung ano-ano sa pagkatao mo, sa nakaraan mo at kung ano-ano pa na kung minsan ay may dagdag pa na hindi mo alam kung saan nakuha.

Hindi ko alam kung handa na ba ako dun pero syempre kapag naiisip ko na yung kambal, lumalakas na yung loob ko at yung kagustuhan na bumalik na kami ni Gelo dun sa dati. Yung walang ibang tao na nakapagitna sa aming dalawa.

Gabi na nung tuluyang mawala yung mga bisita. May mga dumarating at umaalis kasi kanina na akala mo kasal ang okasyon. Masyado na kasing lumalaki ang miyembro ng pamilya namin, sa mga Montero pa lang puno na talaga kami. Isang angkan lang kasi ang sinalihan namin ni ate Shane at marami sila.

Pagod na pagod si Yella at Shan sa pakikipaglaro sa mga pinsan nila. Tuwang-tuwa ang mga kamag-anak ni Gelo sa mga anak namin. Para daw nilang nakikita si Gelo sa dalawa nung maliit pa ito. Lahat sila ay umaasa na maging maayos na ang pagsasama namin ni Gelo.

Naka-pajamas na ako at handa na sa pagtulog ng tawagin ako ni yaya Didang.

" Anak pinapatawag ka ni Shane sa ibaba, may dumating na bisita." sabi ni yaya nung buksan ko ang pinto.

" Ha? Sino po yun ya?" tanong ko.

" Si Gelo. Kakausapin ka daw. Naroon at kausap na ng ate mo." mabilis akong lumabas at sumama kay yaya pababa. Bakit kaya ginabi si Gelo ng punta?

Pagdating ko sa living room ay naroon nga ito at kausap ni ate Shane. Nasa labas pa kasi sila kuya Aris at nag-iinuman kasama nila kuya Andrew at daddy.

Umupo ako sa single sofa kaharap ni ate Shane at Gelo. Pareho silang napatingin sa akin.

" Bakit ginabi ka? Galing ka sa taping?" tanong ko nung makaupo na ako.

" Hindi. Kila Roxanne ako galing." napatingin ako sa kanya. Matagal bago ako nakasagot.

" Ahh.. Nakapag-usap na kayo?" siya naman ang natigilan at tumingin sa akin ng matagal bago din sumagot.

" Uhm.. uhuh. " sagot niya tapos tumitig ulit sa akin.

" Ano ba kayo? Magtititigan na lang ba kayong dalawa? Mag-usap na muna kayo tapos saka na kayo magkulong dun sa kwarto ninyo. Maglagay kayo ng do not disturb sign sa pinto para walang umistorbo sa inyo. Leshe. Gigil nyo ko eh!"

" Ate nga!" nahihiya kong bulalas. Si Gelo naman ay napapakamot na lang ng sariling ulo sa sobrang kaprangkahan ni ate.

" Ano nga ang nangyari Gelo? Huwag mo na nga pansinin yan si ate. Nayayamot yan kasi hindi niya masolo si kuya Aris. "

" Tse! Wala kang alam Shanaia Aira. Nakapuslit na kaya kami kanina dun sa CR." pilyang turan ni ate. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat at ako pa yung pinamulahan ng mukha sa pinagsasasabi ng kapatid ko. Napapailing na lang si Gelo.

" Hayun nga galing ako sa kanila. May pa welcome party kasi sa kanya yung modelling agency nila. " umpisa ni Gelo para matapos na si ate Shane sa kakulitan niya.

" Then sabi ko mag-usap kami kaharap yung pamilya niya. Medyo nagtaka pa siya kung bakit ganon tapos akala nga nung kapatid niya magpo-propose ako. Pero sabi ko mali yung akala nila. Sabi ko after four years, nalaman ko na may anak ako, kambal sila. Kaya kinausap ko siya sa harap ng pamilya niya para makipag hiwalay ng maayos. Gusto kong malaman nila na nirerespeto ko sila na hindi ko basta na lang iiwan yung anak nila ng hindi nila nalalaman yung side ko. Sabi ko gusto kong bumawi sa mga anak ko na apat na taon kong hindi nakasama. Naintindihan naman ako nung pamilya niya lalo na yung tatay, nakita raw niya yung paninindigan ko bilang ama pero syempre nasaktan din sila para sa anak nila. Tama naman daw yung ginawa ko na makipag-usap ng maayos sa kanila pero na kay Roxanne daw yung pagpapasya. Kahit daw naintindihan nila ako, yung anak nila ang talagang masasaktan. At yun nga, ayaw niyang makipag-break sa akin. Tatanggapin niya yung mga bata pero hindi daw kami magbi-break. Sabi ko may nanay yung mga bata at kasama nilang bumalik. Wala daw siyang pakialam basta hindi daw niya ako papakawalan. " napaisip ako ng malalim sa sinabi ni Gelo.Sabi ko na nga ba hindi papayag si Roxanne na makipag-hiwalay.

Sino nga ba ang papayag ng ganun?

Haler! Gelo Montero na yan, papakawalan mo pa ba?

Si Aira Gallardo Montero lang ang may lakas ng loob na gawin yun sa isang Gelo Montero.

" So paano Gelo, plan B tayo?"

" Hindi na pwede baby, nauna na siya sa plan B natin, nagpa-interview na siya sa reporter na bisita doon."

" What?" gulat kong tanong.

" Eh ano ba kasi yang plan B ninyo?" singit ni ate Shane.

" Ako teh yung kikilos, kakausapin ko si Roxanne para magpakilala na bilang asawa ni Gelo. Ngayong nagpa-interview na siya, siguradong lalabas na bukas sa balita, eh Gelo Montero yan, malamang na headline yan. "

" Oh that means matutuloy yung suggestion ko? " tanong ni ate Shane.

" Anong suggestion yan besty? " tanong naman ni Gelo kay ate Shane.

" Tawagin natin itong plan C. Tama si Aira, headline yan sigurado, so maraming speculations ang lalabas niyan, dahil may anak ka ang tatanungin niyan ng tao, sino ang nanay? Doon ka na magpapa-interview bunso, kay tito Roy dapat para malaking pasabog. Pero kakausapin ko muna si tito Roy. Iinterviewhin din niya si Roxanne, sa parehong segment din pero syempre mauuna si Roxanne at hindi niya alam na nandun ka. Para sasagutin mo na lang yung mga sasabihin niya para malinawan din siya. Its like hitting two birds in one stone. Dahil malilinawan na siya at ang publiko sa kung ano ang nangyari sa inyo ni Gelo, kung bakit nagka-girlfriend siya inside your marriage at hindi rin siya masisisi ng pag-abandona sa inyo dahil apat na taon ang lumipas bago niya nalaman na may anak siya. That way, madali pang matatanggap ni Roxanne kung bakit siya hiniwalayan ni Gelo. Okay ba yon? " tanong ni ate Shane sa amin.

Napatingin kami ni Gelo kay ate Shane.

" Ano titingnan niyo na lang ba ako? Sumagot naman kayo! "

" Great! " sabay pa naming sambit ni Gelo.

" Hala sabay pa. Mag-asawa nga kayo. Ano baby, kapag lumabas bukas yung interview ni Roxanne, tatawagan ko si tito Roy para sa Plan C natin. Payag ka na? "

" Oo ate. " pinal at siguradong tugon ko.

This is it. Wala ng urungan to. Isisiwalat ko na ang katotohanan para kay Gelo at sa kambal.

And the truth will set us free...