Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 161 - Development

Chapter 161 - Development

Shanaia Aira's Point of View

TIME flies fast... Yung mga araw naging mga linggo at hanggang yung mga linggo naging buwan na at ngayon nga matatapos na ako sa residency ko dito sa Sto. Cristo dahil malilipat na ako sa Metro gaya ng napag-usapan.

Sila Gelo ay matatapos na rin sa shooting nila dito sa Sto. Cristo.Narinig ko sa usapan nila dra. Che na last shooting day na nila ngayon at kagabi nga ay paspasan na sila sa pagsu-shoot sa lahat ng scenes nila dito. Mamaya nga magkakaroon daw sila ng farewell party dito. Nag-imbita kasi yung producer nila kahapon sa buong staff ng ospital.

Sa mga nakalipas na araw, hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap muli ng personal, hindi ko na rin nakikita yung girlfriend niya na pumupunta sa set. Hindi na ako nagtatanong tutal gusto ko namang i-distansiya ang sarili ko sa kanya. Pero nagte-text naman siya paminsan-minsan, nangungumusta sa mga bata at nung isang araw dumaan siya sa bahay ni lolo Franz at nagdala ng isang malaking plastic bag ng toy kingdom para daw sa mga anak niya. Mayroon nga rin para sa anak ni ate Liyah na si Guilly. Wala ako noon, nasa kabayanan ako dahil sinama ako ni Martin para dalawin yung isang bata na pasyente niya.

Pagka-park ko ng kotse ko, namataan ko yung McLaren sa di kalayuang spot dito sa parking lot. Bukas yung pinto ng driver's seat tapos nakita kong lumabas si Gelo. Nakita rin naman niya ako kaagad, para pa ngang nagulat siya.

" Hi! Good morning! Long time no see." bati agad niya. Ngumiti naman ako.

" Morning! Yeah, medyo busy lang din kasi ako." sagot ko. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Buti naman walang tao dito sa parking, kaming dalawa lang.Nakatingin lang kami sa isa't isa. Wala kasi akong alam na sasabihin. Basta yung puso ko panay lang ang tahip ng mabilis.

Jusko! Teen ager lang Aira?

Ewan ko. Parang ganito kasi yung pakiramdam nung thirteen years old ako. Yung panahong gwapong - gwapo ako sa kanya. Hanggang ngayon kasi kahit nagkaedad na, ganoon pa rin siya ka-gwapo.

Sus! Tumigil ka na nga Aira!

Oo nga. Ano ba nangyari sa akin? Mukhang nasabuyan na naman ako ng love spell ni Gelo.

" Uhm... sige una na ako." paalam ko. Tila parang noon lang din siya natauhan.

" S-sige." maikling sagot niya. Tumalikod na ako saka nauna ng umalis sa parking lot.

Naging abala na naman ako sa buong maghapon. Halos nalilipasan na ako ng oras ng kain ko dahil sa dami ng pasyente. Tinawag na naman kasi ako sa ER para mag-assist doon.

Halos alas dos na ng hapon ng makabalik ako sa station namin para kainin ang lunch ko. Mabuti na lang pinabaunan ako ni tita Laine kaya hindi ko na kailangang pumunta ng canteen o sa food court. Hindi ko na rin halos maihakbang ang mga paa ko sa sobrang pagod.

" Huy ngayon ka lang magla-lunch dra. Aira?" puna ni dra. Cherry sa akin.

" Yeah. Tumulong ako kanina sa ER. Daming pasyente. Saan ka ba galing?"

" Sa lab, ang dami ring tao dun kanina." sagot niya. Tumango ako at inumpisahan ng kumain.

" Sama ka mamaya Doktora? " tanong niya.

" Saan? " tanong ko.

" Sa farewell party nila idol Gelo mamaya dito. " sagot niya. Napaisip ako. Hindi nga pala ako pwedeng sumama dahil baka makilala ako ni Charmaine Gonzalo. Mahirap na.

" Ah yun ba? Baka hindi kasi kailangan kong umuwi ng maaga, magpe-facetime kami ng mga bata. " sabi ko pero totoo rin naman kaya lang gabi pa.

" Ay sayang naman. Pero di bale magpapa-picture na lang ako with Gelo at sa ibang cast, pakita ko na lang sayo bukas. " ngumiti na lang ako at itinuloy na yung pagkain. Kung alam lang ni dra. Che na kausap ko lang kanina yung idol niya.

Nung matapos ang shift ko ay pinuntahan ko na si Martin sa NICU para isabay na sa pag-uwi. Dun daw kasi siya uuwi kila lolo ngayon dahil mag-bonding daw sila kasama sila tito Nhel at kuya Onemig.

Pagdaan namin sa lobby ay nakaligpit na yung mga ginamit sa shooting. Ang naroon ngayon sa may garden ay long table na puno ng pagkain. Namataan ko si Gelo na nakaupo sa may gilid katabi nung direktor at producer nila. Napatingin pa nga siya nung dumaan kami ni Martin pero inalis ko kaagad yung atensyon ko sa kanya at tuloy - tuloy na kaming lumabas.

" Wow! Insan, ang ganda talaga nitong kotse mo. Mahal ka talaga ni Gelo kaya sobrang mahal din nitong binili niya sayo." puna ni Martin nung nakasakay na kami sa kotse ko.

" Matagal na yan. Noon pa yung sinasabi mong mahal ako. Iba na ngayon."

" Bakit? Sa tingin mo ba binilhan din niya ng ganito kamahal na kotse yung girlfriend niya? I doubt that. " sabi pa niya.

" Malay mo naman. Baka nga mas mahal pa dito yung binili niya. " I said matter of factly.

" Alam mo insan, maganda ka, matalino tapos doktor ka pa pero ang tanga mo! " sabi niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

" Ang sira neto! Inaano ba kita?"

" Eh ikaw kasi. Ikaw ang legal na asawa pero hinahayaan mo na may girlfriend yang asawa mo. Kung ako sayo, lumaban ka. Ilaban mo yang karapatan mo bilang legal na asawa. Kawawa naman yung mga pamangkin ko. Ang nanay nila martyr ng dekada. "

" Martin, useless lang na lumaban ako kung hindi na niya ako mahal. "

" Paano mong nalaman? Sinabi niya sayo? " tanong niya pa.

" Oh eh hindi ba nagpasalamat pa nga siya sa akin? Ipinamukha pa niya na masaya na siya sa buhay niya ngayon. Parang nakalimutan mo na yon. "

" Ah basta! Iba ang pakiramdam ko dyan kay Gelo. Mahal ka pa nun. Wanna bet? " napailing na lang ako sa kakulitan ng doktor na to.

" Sus tigilan mo ako dr. Martin Francois Guererro Aragon. Ayoko ng umasa. Period."

" Okay. Let's see dra. Shanaia Aira Guererro Gallardo - Montero. Kapag tama ako, bibigyan mo ako ng all expense paid trip to Amanpulo. Ano, deal?" paghahamon sa akin ng magaling kong pinsan.

" Okay. Deal. Pero pag ako ang tama, sa Balesin yung libre mo sa akin. " sabi ko.

" Okay, deal! " nag-appear pa kaming magpinsan. Tapos nagulat pa siya ng batukan ko siya.

" Aray! Bakit ba namimisikal ka na naman? Kapag nakita ako ng mga fans ko nyan. " natawa naman ako sa sinabi niya.

" Ganti ko yan sayo. Tinawag mo akong tanga kanina. " turan ko. Nagkatawanan na lang kami. Ganyan din kasi kami nung mga bata pa kami.

Kinagabihan, patulog na sana ako nung tawagin ulit ako ni Martin sa kwarto ko. Nag-iinuman pa sila nila lolo sa garden kaninang pumasok ako dito.

" Ano na naman ba dudong?" pang-aasar ko sa kanya.

" May naghahanap sayo sa labas. Yes! mukhang nangangamoy Amanpulo." sabi pa niya na ikinakunot ng noo ko.

" Hoy! Inaantok na ako, nang-aasar ka na naman."

" Hindi ah! Gwapo lang ako pero hindi ako sinungaling. Nasa labas nga yung best actor mo, kausap nila lolo. Labas na kasi. " sabi niya na napapakamot pa.

Nanlaki ang mata ko ng mag-sink in sa akin yung sinabi niya.

Si Gelo, nandito?

Sinabi ko kay Martin na susunod na ako. Pangisi-ngisi pa ang kumag ng iwanan ako. Napaupo naman ako sa kama at hindi alam ang gagawin ko.

Kahit na ayaw ko munang maglalapit sa kanya, hindi talaga maiiwasan. Lahat ng mga kapamilya ko, close talaga sa kanya. Ang haba naman na kasi ng pinagsamahan namin ni Gelo. Simula grade school kami, magkaibigan na kami. Yung pamilya pa namin, parehong may mga pinagsamahan din. Kaya kahit na ganito ang sitwasyon namin, hindi maiiwasan talaga na hindi kami mag-interact.

Sa huli, napagpasyahan ko na lumabas na rin.

Paglabas ko sa garden, kasali na siya sa mga umiinom. Nang mapuna ako ni lolo sinabihan niya ako.

" Aira, dito muna patulugin itong asawa mo. Mahirap ng bumiyahe ng gabi. Baka kung mapaano pa ito sa daan." sabi ni lolo Franz.

" Opo lo pero pumasok na po kayo. Masama po sa inyo yang sobrang inom ng alak."

" Oo sige apo. Diyan na kayo at magagalit na itong doktora natin. Nhel ligpit na yan at may pasok pa kayo bukas. " sabi ni lolo tapos inalalayan na siya ni Martin para pumasok na sa loob.

" Sige na dad, kami na po ang bahala dito. " sagot ni tito Nhel.

Inubos lang nila yung natirang alak sa bote tapos nagligpit na sila.

Pumasok na rin ako sa loob kasunod si Gelo. Noong samahan ko siya sa guest room ay hindi ko mabuksan yung pinto.

" Kuya Onemig bakit sarado yung guest room?" tanong ko sa asawa ni ate Liyah na nakita kong lumabas mula sa kitchen.

" Ay oo nga pala. Nandyan si Gilbert, hindi nakauwi dahil lasing na. Tabi na lang muna kayo ni Gelo." sabi ni kuya Onemig na parang nanunukso pa.

" Kuya! "

" Goodnight! " sabi ni kuya Onemig na tatawa-tawa pa.

" Paano yan? Nasa isang room naman si Martin? " sabi ko kay Gelo. Nakangiti lang siya sa akin na parang timang.

" Pwede naman tayo sa isang room lang." natural lang na turan niya. Napatingin akong bigla sa kanya.

" Hoy! Ano bang gusto mo?"

" Ikaw! "

" Ha? " loko to ah.

" Sabi ko ikaw ang bahala. Eh ikaw ba ano gusto mo?" tanong niya.

" Ikaw!" ganti ko.

" Ha?"

" Ikaw kako kung okay lang sayo na sa couch ka dun sa kwarto ko."

Sus! Ano bang usapan ito? Kaloka naman.