Shanaia Aira's Point of View
" Ano ba kasi ginagawa mo dito? Hayan tuloy wala kang maayos na tulugan." tanong ko kay Gelo nung nasa loob na kami ng room ko. Doon siya sa couch tapos sa kama naman ako.
" Si lolo Franz nga kasi ang tumawag sa akin. Niyaya ako nung minsan na narito ako, mag-bonding daw kami. Sabi ko kapag last day na ng shooting namin saka ako pupunta dito. Yun nga, kanina yon kaya nandito ako. May tanong pa po doktora?" I heard him chuckled.
" Y-yung g-girlfriend mo, bakit hindi ko na yata nakikitang pinupuntahan ka? " medyo nag-stutter pa ako. Wala lang, curious lang kasi ako, konti lang naman.
Sus! Kunwari ka pa Aira!
" Bakit interesado ka yata? Baka kasi magselos yung asawa ko pag nakikita niya kami kaya hindi ko na lang pinapupunta. " sabi niya pero yung tono niya mukhang nang-aasar.
" Ariel Angelo nga! " medyo nag-init yung mukha ko, buti na lang malayo siya ng konti sa akin.
" Hahaha. Joke lang! Masyado ka namang pikon. " natatawang turan niya.
" Nagtatanong naman kasi ng maayos."
" Oo na, sorry na. Nasa Paris Fashion Week siya ngayon tapos may conference din syang dadaluhan don, next week pa ang balik niya." sabi niya. Ah kaya pala naman naglalaro ang daga, wala kasi yung pusa.
" Ah nagtanong lang ako ha? Baka kung ano na isipin mo architect. " narinig ko na bahagya siyang natawa.
" Wala naman akong iniisip. Kilala naman kita simula pagkabata. Hindi ka insecure na tao."
" Hindi naman. Marami rin akong insecurities noon pero hindi ko hinayaan na kainin ako nito. Nakita mo naman kung paano ko in-improved ang sarili ko noon para mawala yung mga insecurities ko. "
" And I admired you for that. " hayun nag-blushed na naman ako sa sinabi niya. Buti na lang talaga madilim.
Sasagot pa sana ako ng mag-ring ang phone ko.
" Wait lang. I'll just take this call. "
Dinampot ko ang cellphone ko na nasa bedside table. Napangiti ako ng si Jaytee ang nakita kong tumatawag.
" Hello dada! " excited kong bungad.
" Hey! tutulog ka na?" tanong niya.
" Hindi pa naman. Why po? "
" Gusto ng kambal na mag-video call tayo."
" Sige. Nandito rin yung tatay nila."
" Really? Bakit magkasama kayo?" tanong niya. Parang nakikita ko na nanlalaki ang mata niya sa gulat.
" Nag-bonding sila nila lolo Franz."
" Ready ka na ba na ipakilala siya sa mga anak niya through video call? "
" Yeah. Why not? "
" Okay! (Kids come here.) "I heard him calling my twins." I'll drop this call and turn on your laptop. " sabi niya. Binaba ko ang tawag at kinuha ang laptop ko.
Nakatingin lang si Gelo sa akin.
" Gusto mo bang makausap ang mga anak mo? " tanong ko. Gulat siyang napatingin muli sa akin.
" Of course! Pero akala ko ba hindi mo muna ako ipapakilala sa kanila hanggat hindi ko naaayos yung sa kay Roxanne?"
" Through video call ka lang nila makikita, hindi muna sa personal. Okay ba?"
" Oo naman. Sa kahit anong paraan basta makilala ko sila. Salamat Aira. "
Tumango lang ako tapos binuksan ko na yung laptop ko.
" Hi mommy! We missed you. " sabay pa silang nagsasalita. Napangiti ako ng malapad. Sobrang missed ko na rin sila. Naging busy kasi ako nung mga nakaraang araw kaya ngayon lang ulit kami nakapag video call.
" How are my babies?"
" Fine!" sabay na naman sila tapos tatawa lang. Ang cute.
" Mom, have you seen our dad?" si Yella ang nagtanong. Tumingin ako kay Gelo. Ang lapad ng ngiti nya kasi naririnig niya yung dalawa. Medyo teary eyed pa nga siya.
" Yeah. Wanna meet him?"
" Of course mom!" they giggled uncontrollably.
" Well, he is here. "
" Really? " nanlalaki sa gulat ang mga mata nila. Pumapalakpak pa sa excitement.
Hinila ko si Gelo at pinaupo sa tabi ko.
Sabay pa na napatakip sa bibig ang dalawa sa sobrang gulat.
" Hi kids!" malapad ang ngiti ni Gelo pero umiiyak siya. Medyo nangilid na rin sa mga mata ko ang luha ko. Yung nakikita ko kasing saya at gulat sa sobrang excitement ng mga bata pagkakita sa daddy nila mean something to me. Ang tagal nilang hinintay ang pagkakataong ito.
" Kids, this is Ariel Angelo Montero, your dad." pakilala ko sa kanya sa kambal.
" Wow cool. We have the same name as our dad." sabi ni Shan. Napangiti naman si Gelo.
" I am Ariella and he is Ariel.We have the same name but there's 'a' at the end of my name. " sabi ni Yella na ang kinakausap ay ang kakambal.
" Yes. But I'm Angelo and he is also Angelo. "
" Kids don't argue. I named you both after him. Sige makipag-usap ka na sa kanila. I'm warning you, parehong makulit yan, hindi nauubusan ng tanong. " sabi ko kay Gelo tapos iniwan ko na siya at lumabas ako para magtimpla ng gatas.
Natutuwa ako para sa mga anak ko at kay Gelo. Hindi matatawaran yung kagalakan na nakita ko sa kanila kanina. Maaaring kaya kong bilhin ang anumang magustuhan nila para maging masaya sila pero yung nakita kong saya sa kanila kanina pagkakita sa daddy nila, yun ang hindi ko kayang bilhin.
Nag-stay lang muna ako sa dining area habang iniinom yung gatas ko. Gusto ko kasing magkaroon ng moment yung mag-aama. Halos apat na taon yung nasayang sa kanila. Hindi ko naman sila ipagdadamot kay Gelo. Ang gusto ko lang ipaalam niya sa girlfriend niya para kung sakaling kailangan siya ng mga bata hindi na siya kailangang magdahilan dito kung saan siya pupunta. Gusto ko kasi kapag araw niya sa mga bata, sa mga bata lang siya, walang girlfriend na nakasabit.
Nang maubos ko yung gatas ay bumalik na rin ako sa kwarto ko, bukas pa rin yung laptop pero si Jaytee na ang kausap niya, hindi na yung kambal. Tumabi ako para bumati lang kay Jaytee.
" Hi dada! Nasaan na yung makukulit?"
" Hayun nakatulog na. Sa sobrang excitement, inantok."
" Okay bye na. Kumusta mo ako kay Feli ha?"
" Okay. Umuwi ka naman daw, nami-miss ka na nya."
" Soon dada. Soon."
Hinayaan ko na lang silang mag-usap at nahiga na ako.Naririnig ko si Gelo na nanghihingi ng pasensya kay Jaytee tapos nagpasalamat siya sa lahat ng ginawa ni Jaytee sa aming mag-iina.
Ilang saglit lang ang dumaan nung makita kong isinara na niya yung laptop. Siya na ang naglagay dun sa ibabaw nung study table.
Pinatay na niya yung ilaw tapos bumalik na siya doon sa couch.
" Kumusta yung pag-uusap niyo nung mga anak mo?" tanong ko nung nakahiga na siya.
" Sobrang saya ko Aira, para akong nanalo ulit ng award o mas higit pa dun.Thank you baby."
Baby na naman? strike 2 na.
" Pasensya ka na kung hindi ko pa sila maipapakilala sayo ng personal. Gusto ko kasi alam na ng girlfriend mo yung tungkol sa kanila. Para naman hindi magkaroon ng conflict sa inyong dalawa. Kapag oras mo dun sa mga bata, sa kanila ka lang at alam niya kung nasaan ka. Hindi kayo magkakaroon ng problema kapag ganoon. "
" Okay. Sige pagdating niya, kakausapin ko siya. " sagot niya.
" And Gelo, kapag tinanong niya kung sino ang nanay nila, pwede bang huwag mo ng sabihin kung sino? "
" Bakit naman? "
" Mas maganda na yung ganun, hindi niya kilala kung sino yung nakaraan mo. "
" Okay. Kung yun ang gusto mo pero Aira, wala ka ba talagang balak? "
" Balak na ano? " nagtatakang tanong ko.
" Ipaglaban ang karapatan mo at bawiin ako. Subukan mo namang bawiin ako. "
" Gelo!"