Shanaia Aira's Point of View
HANGGANG ngayon sa aking paghiga sa kama, iniisip ko pa rin yung sinabi ni Gelo. Bakit parang napakadali lang sa kanyang sabihin na gusto niyang makumpleto kami bilang pamilya samantalang siya naman itong may karelasyon na iba?
Gaano kaya kabilis ang gagawin niyang hakbang? I doubt kung magagawa niya kaagad yon, hindi yon madali lalo na't mukhang mabuting babae rin naman si Roxanne. It takes time, I know. Kaya naman pag-aaralan ko na hindi umasa, mahirap asahan lalo na at ganyan ang sitwasyon. Kung dati showbusiness ang problema ko kaya hindi ko siya maasahan ng buo, ngayon pa kayang bukod doon ay mayroon pang babaeng involved?
Marami pa kaming napag-usapan kagabi, mostly about our kids then yung pag-aaral ko noon at ang naging buhay namin sa Canada. Napag-usapan na rin namin kung paano ang visiting hours niya sa mga bata kung sakaling maayos na namin ang pagpapakilala sa kanya sa mga ito. I know he's excited to meet them, nakikita ko yon sa kislap ng kanyang mga mata habang pinag-uusapan namin sila. In fairness to him, alam ko na magiging mabuti siyang ama. Doon nga lang sa alaga naming si Argo noon, sobrang parang tatay na siya eh aso lang yon, what more pa kaya kung sa mga anak niya na talagang galing sa kanya?
We also talked about Jaytee. Ngayon marami na siyang gustong ipagpasalamat kay Jaytee. Kung dati threath si Jaytee sa kanya, ngayon naman, savior ang tingin niya dito. He is looking forward for the moment na makapagpasalamat siya ng husto kay Jaytee. Sabi niya pa, palagi na lang si Jaytee ang nagiging tulay sa aming dalawa. Gusto rin niyang papalitan ang surname ng mga bata, kay Jaytee pa rin kasi ang gamit nila pero pinaayos ko na kay kuya Andrew, may kaibigan siyang nasa ahensiya kaya medyo madali ng palitan from Arellano to Montero ang surname nila.
So far, wala naman kaming pinag-usapan tungkol sa aming dalawa. Nung sabihin niya na gusto niya ng complete family with his kids and their mother, hindi agad ako sumang-ayon at inilihis na lang sa ibang topic ang usapan. Alam ko na nahalata niya yon kaya tumingin siya sa akin na tila nagtatanong.
Nanahimik na lang ako, wala na akong sinabi para hindi na lang lumubha ang paghihirap ng sarili ko. Nababahala at nangangamba rin ang puso ko. Habang iniisip ko yung sinabi niya, lalo lang akong nalilito. Maging complete family man kami hindi rin kami magiging masaya dahil may iba na siyang mahal. Wala rin naman kasi siyang direktang binabanggit na ako pa rin ang mahal niya hanggang ngayon. Marahil natakpan na ng galit ang dating pagmamahal niya sa akin. Maibabalik ba agad yun overnight? Hindi ganoon kadali yon kaya mahirap umasa. Mahirap buoin ang may lamat na. Mabubuo pero matatagalan, at yung lamat pwedeng takpan pero naroon na yung magpapaalala na minsan sinubok kayo ng tadhana.
Nasa kabilang guest room lang si Gelo, hindi na siya pinauwi ni lolo Franz sa Metro dahil gabi na. Nalaman ko na hindi na pala siya umuuwi sa condo simula nung umalis kami doon at sa Dasma na umuwi. Yung kapatid niyang si Arcel na ang nandoon dahil college na ito. Yung mga gamit namin ay inuwi na niyang lahat sa Tagaytay kaya doon na rin siya tumutuloy.
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil nasabi ni Gelo na maaga ang call time niya. Sa bukid ulit yung location nila kaya kailangang maaga ang shooting, mainit na kasi ang sikat ng araw kapag medyo tinanghali sila.
Naligo na ako at nagbihis ng uniform ko bago lumabas ng kwarto. Nang matapos ako ay kinatok ko na si Gelo sa kabilang silid para gisingin.
Medyo natigilan ako ng buksan niya ang pinto. Bagong paligo siya at nakatapis lang ng towel ang pang-ibabang katawan. May tumutulo pang bahagyang tubig mula sa kanyang buhok papunta sa.... papunta sa... abs niya. Jusko!
Mabilis akong tumalikod para itago ang pamumula ng mukha ko. Kahinaan ko kasi yung mga pandesal na yun. Bwisit!
" Uhm.. dalian mo na dyan para makapag-breakfast na tayo. Baka mahuli ka sa call time mo." turan ko ng nakatalikod sa kanya.
" Okay. Bakit nakikipag-usap ka ng nakatalikod?" tila may pang-aasar pa sa tono niya.
" You're not decent, that's why."
" Sus! Parang hindi mo naman ito nakita noon, nahawakan—"
" Tigilan mo ko Gelo! " bulalas ko saka mabilis na lumakad palayo sa kanya. Narinig ko pa ang malakas na tawa niya. Bwisit na hudas na yon. Pag-tripan ba naman ako ng ganito kaaga. Leshe!
SABAY na nga kaming pumunta sa ospital, medyo malayo pa ng konti ng magpababa ako. Ayoko kasing may makakita sa amin na magkasama. Naintindihan naman niya yung gusto kong mangyari, gusto ko ng privacy. Gamit ko nga ang apelyido niya pero hindi naman ako yung nakikita ng publiko na karelasyon niya.
Mas mabuti na yung ganito na discreet kami para walang problema. Sa tagal ng pagkawala ko, malamang nakalimutan na rin ng mga tao yung tsismis sa amin noon. Kaya kung pwede lang na huwag na nilang malaman na Montero ang gamit ko, baka mai-connect pa ng iba sa tsismis nung nakaraan, mahihirapan kaming makalusot unless nakapag-asawa ako ng Montero din tulad ni ate Shane.
Isang kanto ang layo ng pinagbabaan niya sa akin hanggang sa ospital. Labag man sa loob niya pero inunawa na lang yung dahilan ko. Siya naman ay tumuloy na sa location nila doon sa bukid na malapit lang din sa ospital.
Nung sumunod na araw ay pareho kaming abala sa mga trabaho namin. Hindi na kami nakapag-usap na muli. Nakikita ko siyang kumakain sa food court kasama yung mga co-stars niya. Iniiwasan ko rin na magpakita kay Charmaine Gonzalo dahil kilala niya ako. Mabuti naman at hindi nga nagkaroon ng pagkakataon.
Isang araw pag-uwi ko ng bahay, as usual si Martin ang kasama ko dahil sa bahay siya nagdi-dinner palagi. Naratnan namin sa garahe ang kotse ko. Yung BMW na binili sa akin noon ni Gelo.
" Lola Paz bakit nandito po yung kotse ko? Sinong nagdala?" tanong ko kay lola Paz matapos magmano sa kanya. Nakita ko kasi si Gelo sa location kanina kaya malamang hindi siya ang nagdala. Hindi rin naman kami nakapag-usap dahil pareho kaming busy.
" Kanina pang maka-pananghali yan, si Simon ang nagdala, inutos daw ni Gelo sa kanya. Pinasabi rin na naaawa na raw sayo dahil nakikisakay ka lang dyan sa pinsan mo. Kapag siya daw ang nagdala ay tiyak na tatanggihan mo raw." sabi ni lola Paz. Napahinga na lang ako ng malalim. Ano pa nga ba ang magagawa ko, nandyan na yan.
Nung gabi ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Gelo.
" Pasensya ka na kung hindi ako tumupad sa pinag-usapan natin. Ayoko lang kasi na nahihirapan ka." bungad agad niya sa kabilang linya.
" It's okay.Nandito na eh. Salamat na lang." sagot ko.
" You don't have to thank me. It's yours. Ayokong nakikitang nahihirapan ka, you're still my wife and——"
" Ah Gelo may gagawin pa pala ako. Thank you ulit. Goodnight." pinutol ko na yung anumang sasabihin niya, ayokong lumawig pa. Baka may masabi na naman siya at umasa na naman ako.
" Okay. Goodnight too. See you tomorrow. " medyo malungkot yung boses nya, pero hindi ko na lang inintindi yon at ibinaba ko na yung tawag.
I sighed. Gusto ko man siyang kausapin ng matagal, pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ayoko na kasing makarinig ng salita mula sa kanya na alam kong aasa lang ako. Pagdating kasi kay Gelo, marupok talaga ako. At ayokong maging marupok sa mga panahong ito dahil ayoko ng komplikasyon lalo na may mga batang involved.
Napangiti ako ng mapait ng maalala ko lahat ng mga pinagplanuhan naming dalawa noon.
Gusto kong magkaroon ng maliit na Gelo tapos siya naman maliit na Aira na magpapasaya sa bahay namin. Naalala ko pa nga na gawin na lang daw naming twins para mas masaya. Iyon nga ang binigay ng Diyos sa amin. Natupad din yung plano ko na maging doktor at siya naman ay naging magtagumpay lalo sa career niya dahil may mga international movies na rin siya. Sikat na endorser mapa-local o International products man.
Natupad lahat ang mga plano namin ngunit ang masaklap, hindi na kami magkasama. Natupad din yung prediction sa amin nung lola sa Japan na nakilala namin.
Pero ang tanong, aasa pa ba ako na magbabalik pa rin ang ibon sa pugad niya pagdating ng dapit-hapon?
Only time will tell.
Only God knows.