Shanaia Aira's Point of View
AKALA ko matatagalan pa bago kami makapag-usap ni Gelo. Kaagad din kaming nagkita after so many years pero hindi maganda ang naging outcome. I thought galit lang siya sa akin, sabi ko kaya pang ayusin lalo na may anak kami pero huli na ang lahat. May girlfriend na siya at hindi na ako ang mahal niya.
Panay ang hingi niya ng tawad at nakikita ko naman na sincere siya pero gusto ko kasi ipakita niyang nagsisisi talaga siya. Hindi naman basta-basta maibabalik yung nasira na. Pero pinapatawad ko na siya. Kahit mahirap at masakit, you can only find peace if you will find forgiveness and acceptance in your heart. Hindi na mahalaga yung nakaraan kasi hindi na maibabalik yon.
Siguro ganoon talaga. Baka yun ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. It makes you selfless. Kaya mong magbigay ng walang hinihinging kapalit. Kasi mahal mo.
Pero hindi ko ipaparamdam sa kanya yon o ipahalata man. Natatakot akong sumugal muli. Okay lang sana kung single sya pero hindi eh. Kahit pa nasa akin ang lahat ng karapatan, ayokong manlimos ng pag-ibig. Kaya hanggat maari, ayokong maging third party sa kanila ni Roxanne. Hindi ako manggugulo, kahit nasasaktan ako.
Inabala ko ang sarili ko sa trabaho ko maghapon. Kahit niyayaya ako ni Gelo na sumabay sa kanya sa lunch, hindi ko pinaunlakan. Ayokong makita kami ng mga tao na magkasama. Baka maungkat pa ang pagiging magkapareho namin ng surname. Ma-intriga na naman ako.
Nung matapos ang duty ko, niyaya ko si Martin na doon na mag dinner kila lolo Franz para may maghatid sa akin pauwi. Pumayag naman ang damuho kundi malilintikan siya sa akin dahil kaya ko siyang isumbong kay lolo.
" Oh mabuti at naririto na kayong dalawa. Sabay-sabay tayong magdi-dinner ngayon. Maagang umuwi ang mga tita Laine ninyo." salubong ni lola Paz sa amin sa may front door. Nagmano kaming dalawa ni Martin sa kanya.
" Talaga po la? Tamang-tama gutom na po ako." sabi ni Martin.
" Ikaw talaga doc Martin, hindi ko alam kung saan mo dinadala yang kinakain mo. Ang dami mo kayang nakain kanina sa canteen bago tayo umuwi." sabi ko na natatawa.
" Naku parang hindi mo naman kilala yang pinsan mo Aira, bata pa kayo ganyan na yan." sabi naman ni lola Paz. Nagtawanan naman kami habang papasok sa loob ng bahay.
Pumunta lang ako saglit sa kuwarto ko para maligo at magpalit ng damit. Maya-maya lang ay nagtawag na si lola Paz para sa dinner.
Kumpleto nga kami ngayong dinner. Kasama namin pati sila ate Liyah at kuya Onemig pati si ate Tin at yung fiance niyang si Gilbert. Dati kasi naiiwan pa sila sa opisina.
Sa kalagitnaan ng dinner ay may bumusina sa may gate. Nagkatinginan kami dahil wala namang kulang sa amin.
" Okay I'll take it." tumayo si tito Nhel para tingnan kung sino yung nasa labas.
Ilang sandali lang ay pumasok na siyang muli at hindi siya nag-iisa.
" Good evening po sa inyo.Pasensya na po sa abala." tila nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses nung kasama ni tito Nhel. Nakatalikod kasi ako sa entrada ng dining room kaya hindi ko agad nakita.
" Oh Gelo, napapasyal ka? Aira ipwesto mo na dyan sa tabi mo itong asawa mo ng makakain na rin." utos ni lolo Franz.
Sumunod naman si Gelo kay lolo matapos niyang magmano sa kanilang mga nakatatanda. Nang makaupo siya ay tiningnan ko siya ng tinging nagtatanong. Bumulong lang siya ng salitang 'later'.
Nilagyan ko ng pagkain yung plato niya, matapos magpasalamat ay nag-umpisa na rin siyang kumain.
" Saan ka galing niyan apo?" tanong ni lolo Franz kay Gelo.
" Sa shooting po namin lolo, dun sa ospital." sagot niya.
" Ah oo nga pala, nabanggit nga nitong si Martin na may shooting nga kayo doon." parang pang-aasar pa ni lolo dahil dun sa nangyaring panununtok ni Gelo kay Martin.
" Lolo! Wala na yun, nag-sorry na po siya nung kasal ni ate Shane. " agap ni Martin.
" Ay si dad talaga. Mapang-asar lang talaga yan Gelo. Kilala mo naman siguro yang lolo niyo, pasaway." sabi ni tita Laine.
Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni tita Laine. Quiet na si lolo kapag yung anak na niya ang nang-asar sa kanya.
After ng dinner ay nagyaya muna si lolo sa mga kalalakihan na magkape sa may terrace. Kuwentuhan lang sila habang kami namang mga babae ay nasa dining room nanonood ng tv. Paborito nila dito ang manood ng telenovela. Kahit mga kalalakihan ay nahahawa na rin sa kanila.
Noong nagyaya si lolo Franz na pumasok na sa loob ng bahay ay saka pa lang kami nagkaroon ng pagkakataon ni Gelo na makapag - usap. Niyaya ko siya dun sa swing para medyo tahimik.
" Bakit nandito ka? Paano mong nalaman itong bahay?" tanong ko kaagad pagkaupo pa lang namin sa swing.
" Wala lang, gusto ko lang mag-usap tayo. Hindi tayo nakapag-usap masyado kanina dahil tinulugan mo ako sa biyahe. Sinundan ko kayo ni Martin kanina. Kanina pa ako diyan sa labas. "
" Ha? Sana bumusina ka kaagad. Ang tagal mo tuloy naghintay."
" Sanay naman akong maghintay. "
" Gelo! " I said with a warning.
" Alright. Sorry. " sabi naman niya. Napakamot pa sa likod ng ulo niya.
" Di ba sabi ko sayo, maging casual na lang tayo for the sake of our children? Ayokong makigulo sa relasyon ninyo ng girlfriend mo. Okay na ako sa ganito na nakakapag-usap tayo."
" Okay. I understand."
" Well, thank you. Now anong gusto mong pag-usapan natin? " tanong ko.
" Uhm.. tungkol sa mga bata. I don't even know their names. Tell me everything about them. " turan niya. Pansin ko na may kakaibang excitement sa tono niya.
" Well, Yella is older by 3 minutes than Shan. Yella is Ariella Shaira and Shan is Angelo Shaniel. "
" Oh they have our names combined. " sabi niya na may ningning sa mga mata. Para nga akong maiiyak sa reaksyon niya.
" Kailan mo sila pinanganak?"
" June 22. 4 years old na sila sa June which is 3 months from now. "
" Anong mga gusto nilang gawin or yung mga favorites nila?" tanong niya ulit.
" Si Yella, nakuha sa akin yung hilig ko sa books tsaka sa pagtugtog ng musical instruments. She knows how to play piano and a little bit of drums. Si Shan, ikaw na ikaw. Matalino pero pilyo rin. Lahat ng hilig mong gawin nakuha niya, natatakot nga ako na baka isang araw magpaalam na rin na mag-aartista. Kamukha mo sila Gelo, from head to foot, pati nga kuko mo nakuha ni Shan. I wonder why you didn't even notice that when you saw them with Jaytee. "
" No. The truth is may naramdaman akong kakaiba nung makita ko sila ng malapitan dun sa church. But I ignored it kasi nga masama pa ang loob ko sayo nun. Then nung sabihin mong anak ko sila, para akong nasa cloud nine. Gusto ko sana silang lapitan nun kaya lang may mga reporters at ayokong masali sila agad sa intriga. I want to protect them as long as I could. Kaya kahit na gustong - gusto ko na silang yakapin, tiniis ko. Mabuti pa nga si Jaytee, close sa kanila. " sabi niya tapos bigla siyang nalungkot.
" Kasi si Jaytee ang kinagisnan nilang ama. Arellano rin ang surname nila pero alam nila na hindi si Jaytee ang totoong daddy nila. They wanted to meet their real dad pero hindi ko alam kung paano ko sasabibin sa kanila na
may... may iba ka na." napabuntung-hininga siya at mataman siyang tumingin sa akin.
" I'm sorry. Will you give me time to fix everything? "
" Gelo, kung binabalak mong saktan ang girlfriend mo just to be with your kids, don't. You can be with them basta ipangako mo lang na hindi sila masasaktan o ma-aagrabiyado."
" Paano kung hindi ganoon ang gusto kong mangyari? "
" What do you mean? "
" I want a complete family. Ang mga bata kasama ang nanay nila. "
Natigilan ako sa sinabi niya. Is it possible?