This chapter is written in Gelo's point of view.
Ariel Angelo's Point of View
PINAGMAMASDAN ko ang pagkatigagal ni Aira ng marinig ang sinabi ko. Totoo yon, ginawa ko lang dahilan si Roxanne kasi pinangunahan niya agad ako kaya hinayaan ko na lang na yun ang paniwalaan niya.
Gusto ko talagang makilala ang mga anak namin. Nung malaman ko na may anak kami, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko, parang nasa cloud nine ako. Pero naisip ko ring bigla ang kapakanan nila, ayokong madamay sila sa gulo ng mundo ko. Isang dahilan na rin na ang alam ng publiko ay si Roxanne ang girlfriend ko. Umalis at nakabalik si Aira na walang nakaalam ng tunay kong relasyon sa kanya.
Nakikita ko kung gaanong nasasaktan si Aira nung sabihin ko na hindi ko pa sinasabi kay Roxanne na may anak na ako. Nasasaktan siya sa pag-aakalang kailangan ko ng tiyempo para masabi ko kay Roxanne ang lahat. Well that's not the case. Wala naman akong problema kung sabihin ko man kay Roxanne ang totoo, wala naman siyang magagawa tungkol doon. Ang problema ko ay ang sarili ko. Sa tingin ko ay kailangan kong ihanda ang sarili ko para maging karapat-dapat ako sa kanila.
Tama si Aira, hindi na ako ito. Hindi na ako yung dating Gelo na minahal niya. Binago ako ng masasakit na pinagdaanan ko nung mawala siya, nung iwan niya ako.
Nung mga unang taon ng pagkawala niya, punong-puno ng pag-asa ang puso ko na isang araw ay babalik siya. Nagtiis akong makasama si Gwyneth ng ilang linggo dahil yun ang gusto ni Aira na gawin ko para mailigtas ang pamilya namin. Sa tuwing magiging intimate si Gwyneth sa akin, parang nandidiri ako sa sarili ko dahil parang nagtataksil na rin ako kay Aira. Ngunit iniisip ko na siya rin naman ang nagtulak sa akin para mapunta ako sa sitwasyong iyon. Iniisip ko na ngang magdemanda laban sa mag-amang Faelnar noon dahil sa pagkidnap nila sa aming dalawa ni Aira para maalis na ako sa sitwasyon ko kay Gwyneth. Salamat sa Diyos at tinulungan kami ni lolo Franz kaya hindi rin ako nagtagal sa piling ni Gwyneth at hindi tumagal sila daddy at kuya Andrew sa kulungan. Halos isang araw lang sila doon nung dinampot sila.
Hindi ako umalis sa bahay nila kahit na panay ang paghahanap ko sa kanya. Hanggang sa malaman namin mula kay ate Faith na nasa Canada daw siya. Hindi na kasi nakatiis si ate Faith na halos sirain ko na ang sarili ko. Napabayaan ko na rin noon ang career ko. Madalas kaming mag-away ni tita Jellyn dahil hindi ko sinisipot yung mga projects na nakukuha niya para sa akin. Self destruction is the right term. Kaya kong sirain ang sarili ko dahil kay Aira. Handa akong mawala sa akin ang lahat dahil sa kanya.
Ngunit ng makarating ako ng Canada, doon na nagsimula ang matinding galit ko sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa niya akong pagtaksilan, na kaya niyang talikuran ang aming sinumpaan nung ikasal kami. At ang pinaka-masakit sa lahat nagkaroon siya ng anak, at kay Jaytee pa. Yung taong labis kong pinagseselosan noon pa.
Malaking threath si Jaytee sa akin.Crush ito noon ni Aira back in high school. At aaminin ko nai-insecure ako kay Jaytee noon. That guy is not only good looking, he was really superior to me in everything. Kaya naman nung manligaw siya kay Aira noon ay doon na nagsimula ang takot ko, kaya naman inamin ko kay Aira yung damdamin ko sa kanya na matagal ko ng tinatago.
Si Aira ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. She made me the best version of myself. Kaya naman nung magkaroon ako ng pagkakataon hindi ko na siya pinakawalan kahit na alam kong mahihirapan kami sa pagtatago sa relasyon namin. Ang importante sa akin ay, akin na siya. Pagdating sa kanya, territorial ako. I only want her for myself. Si Aira Gallardo ay para kay Gelo Montero lang.
Ngunit gumuho ang lahat ng iyon nung malaman ko ang pagtataksil niya. Yung matinding pagmamahal ko sa kanya ay napalitan ng galit.
Damn you, Aira Montero. When we meet again and I'll know you still love me, I will just repay you with hatred.
At iyon nga ang ipinakita at ipinaramdam ko sa kanya nung magkita kami. Isinantabi ko ang atraksyon ko sa kanya nung unang beses na makita ko siya makalipas ang ilang taon. Kahit halos matulala ako sa sobrang ganda niya at malaman ko na isa na siyang ganap na doktor, nanaig pa rin yung sama ng loob ko sa kanya. Para sa akin, anong silbi non kung isa naman siyang taksil.
Pinapakita ko sa kanya kung gaano ko ipinangangalandakan si Roxanne sa publiko. Gusto kong maramdaman niya kung gaano ako kasaya ngayon sa buhay na si Roxanne ang kasama ko. Nagpasalamat pa nga ako sa kanya para lalo siyang masaktan. Pero parang walang epekto sa kanya. Parang balewala sa kanya ang mga ginagawa kong pagpapasakit. Hanggang sa dalawin siya ni Jaytee doon sa ospital kasama ang mga anak nila. Doon ko nakita kung gaano siya kasaya sa buhay niya. At lalo namang nadagdagan ang galit ko dahil doon.
Hindi ko na iniisip kung ano ang mga lumalabas sa bibig ko kapag nakakausap ko siya. Nagpapaka-gago ako. Gusto kong makita niya na naging ganito ako ng dahil sa kanya.
Pero kapag nakikita ko siya sa ospital na lalong gumaganda, pakiramdam ko unti-unting gumuguho yung pader na iniharang ko sa pagitan naming dalawa. Nakakaramdam ako ng selos sa tuwing may lalaking lumalapit sa kanya. Nakuha ko pa ngang bugbugin yung doktor na lagi niyang kasama. May paakbay-akbay pa kasi ito sa kanya. Kaya hayun binugbog ko. Huli na ng malaman ko na pinsan pala niya ito. Ang gago ko talaga.
Nung kasal ni Shane doon ko nalaman ang lahat. Ang akala kong pagsasakripisyo ko ay balewala lang pala dahil ang tunay na nagsakripisyo talaga sa aming dalawa ay siya. Pinoprotektahan din pala niya ang sarili niya laban kay Gwyneth. Para sa aming mga anak. Mas nasaktan ako ng malaman ko ang totoo. Dahil ang dami kong masasakit na salita na nasabi sa kanya. Nagpakita ako ng magaspang na ugali, ininsulto ko siya, inakusahan ng kung ano-ano. At ang pinaka masakit ay nung magpasalamat pa ako sa kanya dahil naging masaya ako sa piling ni Roxanne.
Ang gago ko. Dahil ang nag-iisang babae na minahal ko ay sinaktan ko ng labis. Tama nga si mommy Elize, dapat nga idemanda pa niya ako dahil may karelasyon ako dahil kasal pa kami ni Aira. Pero hindi niya ginawa. Mas sinisisi pa nga niya ang sarili niya dahil iniwan niya ako.
Dapat ako yung nag-iisip. Dapat ilagay ko sa tama ang lahat. Nangangahulugan non na kailangang i-give up ko na si Roxanne. Sa parteng ito ako mahihirapan. Hindi ko rin kayang saktan si Roxanne ng ganoon na lang. Siya ang savior ko nung mga panahong halos magpakamatay ako dahil sa pag-aakalang pinagtaksilan ako ni Aira. Siya ang nagligtas sa akin nung magtangka akong tumalon sa Ayala Bridge sa sobrang kalasingan ko. Nagtiyaga siya na maayos kong muli ang sarili ko. Siya ang nag motivate sa akin na muling ibangon ang career ko.
Matapos ang ilang buwan, naging kami. Walang ligawan na nangyari basta na lang naging kami. Naging mabuti siyang girlfriend sa akin at nirerespeto ko siya. Pakiramdam ko, siya rin ang dahilan kung bakit naging masigla muli ang career ko. Gusto siya ng mga fans para sa akin. Isa kasi siyang mahusay na model at photographer. Akala ko kuntento na ako kay Roxanne pero naguluhan muli ako ng makita kong muli si Aira. Sa kabila ng galit ko ay hindi pa rin maipagkakaila ang kakaibang pintig ng puso ko. Natakpan nito ang anumang damdamin ko para kay Roxanne.
Si Aira pa rin pala.
Ngayon hindi ko alam kung paano kong babalikan si Aira para mabuo ang pamilya ko. Kahit mas mahal ko siya kaysa kay Roxanne, ayaw ko pa rin na masaktan si Roxanne. Pawang kabutihan din kasi ang binigay niya sa akin at marami na rin akong utang na loob sa kanya.
Wala namang problema kung sabihin ko sa kanya na may mga anak ako. Alam ko na maiintindihan niya. Ang hindi niya maiintindihan siguro ay ang hindi ko pagsasabi sa kanya na may asawa na ako. Ipinagtatapat ko na noon sa kanya pero siya ang pumigil at ayaw na niyang makarinig pa ng tungkol sa nakaraan ko. Ganun daw talaga ang mga artista. Ang importante daw sa kanya ay kung ano ang mayroon kami sa kasalukuyan.
Inuumpisahan ko na ulit na lumapit kay Aira. Gusto kong iparamdam sa kanya na nagsisisi talaga ako sa mga nagawa ko. Sa mga nasabi ko. It was a perfect excuse to get close to her. Hanggang sa unti-unti kong napagtanto na hindi na iyon ang kaso ngayon. Ang tunay na dahilan ay mahal na mahal ko siya. Na kaya kong itama ang lahat kahit na alam ko na mahihirapan ako dahil mahal ko siya. Ang inaakala kong galit sa kanya ay hindi talaga galit kundi pag kawalang sigla lang. Hindi kayang lampasan nun ang pag-ibig na nararamdaman ko sa kanya simula pa noong una.
Ngayon sa nakikita kong Aira na nasa tabi ko, gusto kong malaman kung siya pa rin ba ang dating Aira ko? Sobra ko siyang sinaktan, ang nakikita ko ba sa kanya ngayon ay totoo? Parang malayo na kasi siya sa akin ngayon. Nung yakapin ko siya hindi siya gumanti ng yakap sa akin. Maibabalik ko pa ba yung dating kami?
Hindi ko siya masisisi, nasaktan ko siya.
Pero kahit ganoon, itatama ko ang lahat hanggang sa maging deserving ako sa kanila. Sa mag-iina ko. And it is to realized that I have to be loved and accepted, not by everyone but by myself. Tanggap ko na ngayon ang mga pagkakamali ko sa nakaraan. Lahat ng pagkakamali ko ay naging aral ngayon sa akin.
" Gelo salamat sa pagsasabay sa akin dito." nabalik na ako sa kasalukuyan nung marinig ko ang boses ni Aira. Nandito na pala kami sa ospital hindi ko namalayan sa dami ng alaalang nagbalik sa akin.
" You're welcome. Mamayang pag-uwi mo, sinong susundo sayo?" tanong ko.
" Ah, magpapahatid na lang ako kay Martin sa bahay. Minsan kasi dun nagdi-dinner yun."
" Gusto mo bang iwan ko na sayo itong McLaren para may magamit ka? O kung gusto mo kunin ko yung kotse mo dun sa condo? " tumingin siya sa akin na tila nag-iisip. Please baby pumayag ka na.
" Saka na lang Gelo kapag maayos na tayo. "
" Hindi pa ba tayo maayos ngayon? Magkagalit pa rin ba tayo? " puno ng pangamba na tanong ko.
" No. That's not what I meant. What I mean is, saka na pag mag-asawa na ulit tayo. Pero sa ngayon wala akong anumang kukunin sayo hanggat hindi pa maayos ang lahat sa pagitan natin bilang mag-asawa. Maging casual na lang muna tayo hanggat hindi mo pa kami kayang panindigan. " turan niya saka mabilis na bumaba ng sasakyan. Naiwan naman akong natitigilan.
Mukhang mahihirapan akong maibalik ang lahat sa pagitan naming dalawa. Pero alam kong maayos ko pa ito kahit paunti-unti.
It's not about trying to fix something broken. It's about starting over and creating something better.