Shanaia Aira's Point of View
BUMANGON na rin ng tuluyan si Gelo nung sabihin ko na hindi na ako muling babalik pa sa pagtulog. Ilang minuto na lang naman at tutunog na rin yung alarm clock ko,might as well, unahan ko na.
Kahit naman gustuhin ko pang bumalik sa higaan ay hindi ko na magawa. Ang awkward na kaya, ngayong dilat na dilat ka na eh saka ka pa tatabi sa kanya. No way! nangyari lang yung nakatabi ko sya dahil tulog na tulog ako.
Pumasok ako sa bathroom para maligo. Iniwan ko siyang nakaupo sa kama habang may ginagawa sa cellphone niya.
Baka magte-text sa girlfriend niya.
Nang matapos akong maligo ay dumiretso kaagad ako sa walk in closet ko. Naka-bathrobe lang kasi ako, baka isipin niya sine-seduce ko siya.
" Baby pwedeng maki-ligo?" medyo nahihiya pang tanong nya.
Baby?
" Oo naman. Mukhang kahapon pa nga yang suot mo eh." sagot ko.
" Hindi na nga ako nakapag-palit kagabi, may damit naman ako sa kotse, kukunin ko lang saglit." akmang tatayo siya ng pigilan ko sya. Nagtataka syang napatingin sa akin.
" May mga damit ka pa sa closet, yun na lang ang isuot mo. " nahihiya ko pang turan.
" Meron pa?" parang nagtataka naman siya. Ang alam siguro niya nahakot na nyang lahat noon.
" Oo may naiwan ka yata sa labahin nung umalis ka. And, uhm... may dala din ako para sayo nung bumalik kami dito, akala ko lang kasi may babalikan pa ako." tumingin siya sa akin at nakitaan ko ng lungkot yung mga mata niya.
Nagulat ako nung bigla nya akong hilahin sa may balikat at mabilis na niyakap.Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko sa ginawa niya. Hindi ko alam kung yayakap din ba ako sa kanya o ano. Sa huli napagpasyahan ko na ilagay na lang yung mga kamay ko sa gilid ko. Siya lang yung nakayakap sa akin.
" I'm sorry." yun lang ang sinabi niya tapos mabilis na niya akong tinalikuran at pumunta na ng bathroom para maligo.
Anyare dun?
Nagbihis na ako tapos inilabas ko yung tatlong piraso ng Lacoste polo shirt at pants na binili ko sa Canada para kay Gelo, may briefs din mula dun sa mga dati niyang mga damit tapos inilapag ko sa kama para piliin na lang niya ang gusto niyang isuot. Umupo naman ako sa harap ng vanity mirror at sinimulang mag-ayos ng sarili.
Eksaktong nakatapos akong mag blow dry ng buhok ko nung lumabas siya sa bathroom. Nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya tapos sa isang kamay niya ay dala niya yung pinag-hubaran niyang damit. Nilabanan ko ang sarili ko na huwag tumingin sa katawan nyang.... hmmm.
" Uhm... mamili ka na lang dyan ng gusto mong isuot tapos dalhin mo na lang yung iba, para sayo naman talaga yang mga yan." sabi ko. Sa repleksyon sa salamin lang ako nakatingin. Nakita kong dinampot niya yung pants na medyo dark gray at yung polo shirt na may combination na blue and gray ang kulay at yung briefs.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na siya sa walk in closet ko. Lihim akong napahanga dahil lalo siyang gumwapo sa napili niyang kasuotan. Salamat naman at hindi ako nagkamali sa sukat dahil yun pa rin naman ang built ng katawan niya.
" Thank you for this." sabi niya sa mga damit na hawak niya, ito yung mga natira sa ibabaw ng kama.
" You're welcome." sabi ko. Tapos binalik niya ulit sa akin yung mga damit. Kunot ang noo ko ng tingnan ko siya.
" No. Mali yung iniisip mo. Pwedeng iwan ko na lang dyan sa closet mo just in case na, alam mo na... makatulog ulit ako dito." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Hala! At may balak pa pala ulit na makitulog?
Hindi na lang ako kumibo at kinuha mula sa kanya yung mga damit tapos dinala ko ulit sa closet.
Sabay na kaming bumaba sa stairs. Dumiretso kami sa dining area.
Nanlalaki ang mga mata sa gulat ang mga taong dinatnan namin sa dining table, maliban kay daddy na alam kong pinagpaalaman niya kagabi kaya napunta siya sa room ko at nakatulog.
" Morning mom, dad and kuya." bati ko sa parents ko at kay kuya Andrew. Gumaya din si Gelo sa pagbati bago umupo dun sa usual seat niya.
" Magkasama kayong natulog?" tanong ni mommy.
" Yeah. I mean nagising na lang ako na katabi ko siya. Nagpaalam pala dun sa isa diyan. " sabi ko tapos narinig kong tumikhim ang hari ng bahay.
" Gusto ka daw niyang makausap at makita yung mga bata kaya pinayagan ko. Hindi ko naman sinabing matulog siya sa kwarto mo. Bakit naman natulog ka sa kwarto niya hijo? " tanong pa kunwari ni dad pero alam ko naman na kinunsinti nya talaga. Hay, nako!
" Tinulugan po niya ako dad. Sa kahihintay ko sa kanya, nakatulog na rin po ako. Pero nag-usap na po kami tungkol sa mga bata. "
" Ipapakilala mo na ba siya sa mga bata, ha baby?" tanong naman ni kuya.
" Haay kuya, oo sana."
" Bakit? May problema ba? " tanong muli ni kuya.
" Sa amin na lang muna siguro kuya, we have a lot of things to patch up pero hindi ibig sabihin, babalik na kami sa dati. Okay na siguro yung ganitong casual lang kami sa isat-isa, marami ng nabago. "
" Aira! Hindi ganyan ang gusto kong mangyari sa pagitan natin. " sabad ni Gelo.
" Pwede yan Gelo kung single ka. Yung wala kang girlfriend na alam ng publiko. Gusto mo ba na lumantad na ako para matapos na ang lahat? Hindi di ba? Hindi ka ready. Hindi mo kayang saktan yung girlfriend mo dahil mahal mo siya. Alam ko naman ang gusto mong mangyari eh. Pero wag kang mag-alala, ayos lang ako, kasalanan ko naman kung bakit tayo napunta sa sitwasyong ito. Hindi kita sinisisi kung bakit nagkaroon ka ng iba. Kasalanan ko. Umalis ako." nakatingin lang si Gelo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya.
" Walang may kasalanan. Pareho lang kayong biktima dito pero sana ayusin ninyo ang relasyon ninyo alang-alang sa mga anak ninyo. Gelo, anak hindi ko sinabing hiwalayan mo yung girlfriend mo, pero anak sana mag-isip ka. Si Aira ang legal mong asawa, kung gugustuhin niya pwede ka nyang idemanda. Pero hindi niya gagawin yon kaya lang sana lumagay ka rin sa tama. Ngayon kung hindi mo kaya dahil mahal mo yung nobya mo, pag-usapan nyo na lang ni Aira ang dapat gawin para sa kapakanan ng mga anak ninyo. " mahabang turan ni mommy.
________
Habang nasa daan kami papunta ng Sto. Cristo, hindi kami nag-uusap ni Gelo. Tingin ko may malalim siyang iniisip. Siguro iniisip niya yung mga sinabi ni mommy kanina.
" I'm sorry Aira. " basag niya sa katahimikan.
" Ano ba ang hinihingi mo ng sorry Gelo? Panay ang sorry mo hindi ko naman alam kung para saan. Stop saying sorry. Kawawa naman yung word, paulit-ulit mo na syang ginagamit na hindi ko naman alam kung para
saan. "
" For everything Aira. For hurting you. For making the wrong decision. For giving up on you. For not believing in you. Sa lahat. Sorry kung humihingi rin ako ng pabor sayo para maihanda ko muna ang lahat. Hindi ko inisip na masakit para sayo yun. Naiinsulto ka. Hindi ko dapat sinabi yun, ang gago ko. Kaya tama lang yung desisyon mo na hindi mo muna ako ipakilala sa mga bata. Ayokong makita nila kung gaano kagago ang tatay nila. "
" Gelo! "
" Hindi nila deserve ang isang tatay na katulad ko Aira. Tama ka, hindi ako dapat lumapit sa kanila kung aasa lang sila sa akin pagkatapos. "
" Huwag kang magsalita ng ganyan. Kaya mo naman na maitama ang lahat.
Ihanda mo na si Roxanne para makilala mo na ang mga anak mo. Para makasama ka na nila. Hindi ko sila ipagdadamot sayo,huwag kang mag-alala. "
" Thank you for understanding. Ang bait mo talaga. Proud din ako na natapos mo yang pagdodoktor mo. Alam mo ba nung malaman ko ang totoo? sobrang panghihinayang ang naramdaman ko. Kung hindi ako nagpadalos-dalos, sana tayo pa rin hanggang ngayon. "
" Ha? " biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
" Alam mo ba kung bakit ako humihingi ng konting panahon sayo para makakuha ng tiyempo? Hindi yun para masabi ko kay Roxanne ang totoo. Ikaw lang naman ang nag-conclude non, sinakyan ko na lang. "
" Ha? "
" Bakit ba puro ka HA diyan, dra. Montero? " natatawa nyang sambit.
" Eh linawin mo kasi Architect Montero. "
" Bakit Architect? "
" Mas gusto ko na yun ang propesyon mo kaysa isang actor. "
Ngumiti siya sa akin at tinitigan ako. Buti na lang naka-red ang traffic light.
" Ano na nga yung sinasabi mo kanina?" tanong ko para mawala na sa akin yung atensyon niya. Ang awkward kasi ng mga titig nya.
" Ang totoo, sarili ko ang hinahanda ko, ang aayusin ko para maging deserving ako sa inyo ng mga anak natin."
Ano raw?