Shanaia Aira's Point of View
NAKATINGIN lang ako kay Gelo habang nakatayo siya sa may pinto at hawak yung gatas ko. Yung damit nya ay iyon pa ring suot niya kanina sa kasal.
Seriously? Saan galing to at hindi man lang nakapagpalit pa ng suot niya?
" Ang haba ng chance mo kanina para lapitan sila pero hindi mo ginawa. Ngayong tulog na sila saka mo naisipang puntahan sila. Hindi ganyan ang ine-expect ko mula sayo sakaling malaman mo na anak mo sila. Wala man lang lukso ng dugo,Gelo?" masama ang loob ko habang nagsasalita ako. Wala kasi akong nakita kanina na masaya siya na malaman na may anak kami. Buong oras niya kanina inubos niya dun sa babae niya. Tapos ngayon siya pupunta ngayong tulog na yung kambal?
" Masaya ako na malaman na may anak ako kaya lang gustuhin ko mang lapitan sila, hindi ko magawa dahil may mga reporters sa paligid." katwiran niya.
" May reporters o dahil nandoon din yung girlfriend mo?" may diin kong turan. Bigla naman syang napatingin sa akin. Hindi niya siguro inaasahan na magsasalita ako ng ganon.
" Aira hindi naman sa ganoon. Ayaw ko lang na pag-awayan namin yon."
" Pag-awayan? Bakit hindi mo ba sinabi sa kanya ang nakaraan mo?" hindi siya kumibo. Silence means yes, ladies and gentlemen.
" Oh I see. Walang alam si girlfriend na ang sikat na aktor na boyfriend niya ay very much married with kids. Sounds interesting di ba? Malaking scoop yan pag nagkataon. " sarcastic kong turan.
" Aira naman. Sasabihin ko rin naman kaya lang kumukuha pa ako ng tamang tiyempo. Wag muna ngayon. " parang may kumurot sa puso ko sa narinig mula sa kanya. Kailangan pa rin ba akong mag-intindi para sa karapatan ng mga anak ko? Hindi nila deserve yung itago sila kahit na sa girlfriend pa niya. Girlfriend lang yun pero yung kambal, mga anak niya yun, dugo at laman niya.
" Sige hayaan mo, ipapaintindi ko sa mga bata na kailangan nilang maghintay kasi yung girlfriend ng tatay nila hindi pa handang malaman. " hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko na agad ko namang pinunasan. Ang kapal naman niyang sabihin na kumukuha pa siya ng tiyempo. Ilang taon ng gustong makilala nung kambal ang tunay na ama nila. Tapos siya itatago lang sila.
" Please wag na nating pag-awayan to. Konting panahon lang naman ang hinihingi ko." pakiusap niya.
" Ihanda mo muna yung girlfriend mo bago kita ipakilala sa mga anak mo. Tutal mas mahalaga siya sayo kaysa sa mga dugo at laman mo. Kasi once na makilala ka nila, they will expect from you, ilang taon ka nilang hinintay tapos ngayong nandito na paghihintayin mo na naman? "
" Bakit ganyan ka na ngayon Aira? " tila hirap ang kalooban na tanong niya.
" Gelo walang nagbago sa akin. Sayo ang marami. Hindi na ikaw yan. Bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Isipin mo nga yang sinasabi mo at gusto mong mangyari. Mga anak mo sila, dapat sila ang priority mo hindi ang kung sino. Girlfriend mo lang yan, hindi mo asawa kaya bakit kailangan maging handa pa siya para malaman niyang may anak ka na? Kung mahal ka niya maiintindihan ka niya, hindi yung mga bata pa ang kailangang mag-adjust sa inyo. Umuwi ka na, may duty pa ako sa ospital bukas. Kausapin mo na lang ulit ako kapag may sense na yang sasabihin mo. Goodnight. " tinalikuran ko na siya at humiga sa kama. Bahala siya diyan basta ako inaantok na.
Hindi ko alam kung umalis ba siya. Nagising na lang ako na mayroon akong katabi.
Katabi?
Waaah.. bakit may katabi ako?
Paglingon ko sa kabilang side, naroon nga si Gelo at payapang natutulog.
Ang dimunyung ito! Anong karapatan niyang matulog na lang basta sa tabi ko?
Tiningnan ko ang oras sa relo sa bedside table ko. Mag-aalas kuwatro na ng madaling araw. Alas nuwebe ng gabi siya dumating kagabi, ibig sabihin halos pitong oras kong katabi ang hudas na to?
" Hoy Montero! Bakit dito ka natulog ha?" panay ang tapik ko sa braso nya. Nagising naman at idinilat ang isang mata.
" Bakit dito ka natulog? May bahay ka naman ah!" singhal ko sa kanya
" Tinulugan mo kasi ako, hindi mo man lang ako binigyan ng chance na masilip man lang yung mga anak natin. " sabi niya. Naka pout pa yung lips nya. Nagpapa-cute pa ang damuho.
" Natin? Anak mo o anak ko lang. Walang natin kasi wala namang tayo!"
Napakamot pa siya ng ulo sa sinabi ko.
" Oh eh di mga anak ko. Sungit! "
" Ano kamo? " medyo mahina kasi yung huling salitang sinabi niya.
" Wala sabi ko inaantok pa ako. Matulog ka na rin dahil maaga pa. "
" Hindi na ako makakatulog nito. Maghahanda na ako para sa pagbalik ko ng Sto. Cristo. "
" Sabay na tayo pabalik doon. " turan niya.
" Ha? Bakit? Kay Martin ako sasabay. Nakay Neiel na yung kotseng ginagamit ko. "
" Dala ko yung sasakyan ko. " sabi niya.
" Alin yung mcLaren? Hindi na. Pinagamit mo na sa iba yung upuan ko. Kaya thank you na lang. " nag-iinarte kong turan. Kahit buhusan ko pa yung ng alcohol nakakapit na dun yung amoy nung sawa.
" Sino maysabi sayo?" tanong niya.
" Hindi ba dinala mo sa shooting sa Sto. Cristo yung McLaren at naroon din yung girlfriend mo nung araw na yon? Saan mo siya isinakay? Sa bubong? " gusto niyang mangiti pero pinipigilan lang.
" FYI Dra. Montero. Hindi pa kailanman sumakay si Roxanne sa McLaren dahil hindi ko madalas dalhin yon. May dala siyang sarili nyang sasakyan nung araw na yon. And FYI din, lahat ng kotse ko bawal ang umupo sa passenger's seat dahil may tatak lahat yon. Kahit magmukha akong driver ng kung sino man ang makisakay sa akin basta't hindi uupo sa particular seat na yon. " nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata. Tumalikod na ako saka ko pinakawalan ang pinipigilan kong ngiti.
" Ano sabay na tayo? " ulit niya. Hindi ako humarap.
" Kagabi lang kaaway kita ah. Bakit ako sasabay sayo? "
" Syempre wala ka ng choice dahil kagabi pa umuwi sila lolo Franz sa Sto. Cristo kasama si Martin. "
" Ha? Bakit mo alam? "
" Sinabi ni daddy sa akin. "
What? Alam pala nila daddy na dito siya natulog?
Hmm. I smell something fishy.
Wag ka ng mag-inarte Aira. Makipag-reunite ka na lang sa kanya kahit bilang kaibigan na lang.
Yeah right. Kaibigan na lang.
Kaibigan na naanakan...