Shanaia Aira's Point of View
NAKARAMDAM ako ng sobrang pagod ng humiga na ako sa kama ko. Sobrang na-missed ko ang kwarto kong ito. Habang iginagala ko ang tingin ko, hindi ko napigilan ang mga luha ko na tuloy - tuloy na naman sa pagtulo. Wala ng kahit anong bakas si Gelo dito, kahit yung built in closet ko, bakante na yung kabilang side.
Sinabi ko kila mommy kanina na kakayanin kong lumimot para sa mga anak ko. Pero sino nga bang niloloko ko? Ngayong mag-isa ako, heto na naman ang mga pasaway na luha ko. Pakiramdam ko ay walang katapusan ang sakit na nararamdaman ko.
Ang sabi ni daddy, masakit pero kailangang mag-move on. Hayaan na lang ang tadhana ang magtakda kung kami talaga. It's easier said than done. Madaling sabihin sa kanila na pipilitin mong lumimot pero makakaya ko ba talaga? Pwede mong ipakita sa kanila na ayos ka lang pero kapag nag-iisa ka na kagaya ngayon, muli ka na namang kakainin ng sakit na iniinda mo. It is difficult to unlove a person especially kung ang taong ito ang kauna-unahang minahal mo, ang una at nag-iisa. Your first in everything.
I cried and cried until I had no more tears to shed. Ang taong naging dahilan ng kaligayahan ko ay siya ring dahilan ng kalungkutan ko ngayon. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa mga desisyong ginawa ko pero nangyari na ang lahat at hindi na maibabalik pa ang panahon. May mga anak naman ako na naging bunga ng maling desisyong iyon at para sa akin sapat na sila para harapin ko ang buhay ko ng wala si Gelo.
Nang mahimasmasan ako ay muli akong lumabas para silipin ang kambal sa kwarto nila. Ito yung dating kwarto ni Dindin nung baby pa sya, pinaayos muli ni mommy kanina sa mga kasambahay.
Mahimbing na ang tulog nila. Marahil ay pagod sa byahe at paglalaro. Si Feliche ay umuwi kasama sina lolo Franz at lola Paz at si Jaytee ay umuwi naman sa kanila, bukas na lang ulit siya babalik.
Matapos kong halikan ang kambal ay bumaba ako ng hagdan. Iinom ako ng gatas para makatulog na ako. Pababa ako ng may marinig akong nag-uusap sa living room.
" Mommy baby!" I heard Dindin's voice.
" Dindin, my princess!" patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ko sya ng mahigpit.
" I missed you so much. Ang laki-laki mo na baby ko." sabi ko habang yakap ko siya ng mahigpit.
" Me too mommy baby. I always cry at night because you're not here with me." sabi niya na naluluha na.
"Sorry princess. Dito na ulit si mommy baby, don't worry."
" Hi baby sis!"
" Ate Shane!" kumalas ako kay Dindin at lumapit kay ate. Nang maglapit kami ay bigla nya akong niyakap. Dala marahil ng nararamdaman kong bigat sa dibdib ko, bigla akong humagulgol sa balikat ni ate Shane.
" Shh.. hush now bunso. Nasabi na ni mommy sa akin ang lahat kanina.Nasilip ko na rin yung kambal sa kwarto nila. My gosh! Kahit hindi mo sabihin kung sino ang tatay, malalaman mo agad. Kamukhang-kamukha sila ni Gelo. Anyway, I'm glad that you're here na. Huwag ka ng aalis ulit ha? "sabi ni ate.
" Yes ate. Dito na kami for good. "
" Ehem! Ehem! " sabay pa kaming napalingon ni ate sa taong tumikhim.
" Ay sorry love, na-excite kasi ako kay baby. Si Aris nga pala bunso,ang fiance ko." pakilala ni ate sa akin kay kuya Aris.
" Magkakilala na kami noon pa ni kuya Aris." sabi ko. Nagtaka naman si ate.
" Ha? Kailan yon? Bakit hindi mo yata nabanggit sa akin love? " tanong ni ate kay kuya Aris.
" Noon pa yon nung nasa US kayo nung ex mo. Di ba nagkita pa nga tayo dun? Pauwi ako nun dito tapos pinakilala siya ni Gelo sa akin. Paano ko rin babanggitin sayo eh hindi naman natin napag-uusapan si Aira. " sagot ni kuya Aris.
" Teka, paano naging kayo at kailan pa? " tanong ko.
" Nung umuwi siya dito 3 years ago, nagkita kami at hindi na ako pinakawalan pa. After two years of being together, nag-propose siya and now ikakasal na kami next month. Sayang hindi na nakasama yung kambal sa entourage pero ikaw, sinali talaga kita kahit hindi ako sigurado kung uuwi ka. Pero sabi naman ni mommy kanina na pwede pa daw ihabol yung kambal kaya lang gawa na yung invitation at naipamigay na. Kasama sa entourage pero wala yung pangalan nila sa invitation. Okay lang ba sayo yun? " napangiti ako. Nai-imagine ko kasi kung gaano ka-cute si Yella sa gown at si Shan naman naka-tuxedo.
" Pero ate, baka nandun si Gelo, ayoko pa siyang makita, hindi pa ako ready. "
" Baby, hindi pwedeng hindi kayo magkita ni Gelo. Its about time na makilala na siya ng mga anak ninyo at magkalinawan na kayo sa maling akala nya sa inyo ni Jaytee."
" Ate alam mo naman na may iba na siya. "
" So? Ikaw ang legal na asawa, girlfriend lang siya. At isa pa may mga anak kayo, hindi mo ba ipaglalaban ang karapatan ninyo ng mga anak mo? "
" Oo teh pwede kong ipaglaban ang karapatan namin ng mga bata pero anong silbi non kung wala na siyang nararamdaman sa akin kundi galit at pagka-muhi?"
"Hindi yan, mahal ka nun."
"Kung mahal pa niya ako eh di sana kahit nagkamali ako hindi siya susuko, pero hindi ganon ate, nagkaroon na siya ng iba kahit na hindi pa niya naririnig yung side ko. Hindi ko naman siya sinisisi, ako yung may pagkakamali eh." bigla na namang tumulo yung luha ko. Bakit ba ang babaw ng luha ko ngayon? Mabanggit lang si Gelo, nag-uunahan na sila sa pagbagsak.
" Shhh. baby stop it. Paano pag nagkita kayo sa kasal namin? How would you handle it? Ngayon pa nga lang pinag-uusapan natin siya, umiiyak ka na. Paano pa pag nakita mo siya?" tanong pa ni ate Shane habang hinahagod ang likod ko.
" I don't know ate. Next month pa naman yun, baka kalmado na ko that time." hindi siguradong turan ko.
" I heard uuwi na sila sa isang araw, tapos na yung ginagawa niyang movie dun sa US at may teleserye yatang gagawin si Gelo na kailangan ng mai-shoot dahil matagal ng na-delay yun. " sabi naman ni kuya Aris. Bigla namang sumikdo ang dibdib ko. Lord, hindi pa ako ready. Not now, medyo sariwa pa yung sakit.
Aira maliit lang ang mundong ginagalawan ninyong dalawa, imposibleng hindi kayo magkita.
Alam ko naman yun pero sana huwag muna kasi hindi ko pa kaya.
Para lang akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Kung sana pwede akong umalis muna dito kahit sandali lang para maihanda ko lang yung sarili ko. Na yung kapag nagkita kami medyo kalmado na ako.
THE NEXT day... Medyo tinanghali ako ng gising dahil hindi agad ako nakatulog matapos naming mag-usap nila ate. Iniisip ko yung nalalapit na pagdating ni Gelo. Sana lang hindi muna kami magkita hanggat hindi pa ako okay.
Bago ako bumaba ay tiningnan ko muna ang kwarto ng mga bata. Wala na sila kaya malamang pinapakain na sila ng breakfast.
Pagdating ko sa dining room ay nagkakaingay ang pamilya ko. Naroon kasama nila sa hapag si lolo Franz at lola Paz pati na rin si Jaytee at Feliche na pinapakain pa yung kambal.
"Morning everybody!" bati ko sa kanila saka nagmano sa aking lolo at lola.
" O hayan na pala si Aira, papa?" sabi ni mommy kay lolo Franz.
" Bakit nandito pa po kayo, mommy, daddy? Wala kayong taping mom?" tanong ko muna sa mga magulang ko. Nagtataka lang ako kung bakit tanghali na narito pa sila.
"It's Sunday baby." sabi ni daddy. Napatapik ako ng noo. Oo nga pala.
" And besides hindi na talaga kami gaanong umaalis ng bahay ng daddy mo." sabi ni mommy na siyang ikinagulat ko.
" Po? Bakit mom?"
" Hindi na ulit tumakbo ang daddy mo nung nakaraang election, pahinga muna daw. Nag-concentrate muna dun sa furniture business nila ni Archie while me, sa coffee shop na lang ako.Nag-retired na ako last year sa showbiz." talagang ikinagulat ko ang narinig. Nakakahinayang yung magandang career nila but on the contrary, it's a relief on my part because this is all I really wanted when I was young.
" It's sad to hear that. " sabi ko.
" No baby. That's the best decision na nagawa namin sa buhay namin. Wala ng stress at panganib gaya nung nakalipas na mga taon." turan ni daddy.
" Anyway, may kailangang sabihin sayo ang lolo mo." saad ni mommy.
" Ano po iyon lolo? " tanong ko kay lolo na nasa kabisera nakaupo.
" Nakausap ko yung kaibigan ko sa ospital dun sa Sto. Cristo. Nabanggit niya na kailangan nila doon ngayon ng doktor. Mga dalawang buwan lang naman doon pero after that dito ka na sa Maynila magpapatuloy. Hindi ba kailangan mo ngayon yun para sa residency mo?" sabi ni lolo. Biglang nagliwanag ang paligid ko sa narinig. Parang isang tugon mula sa langit ang dalang balita ni lolo.Narinig ko namang napasinghap ang mga kapamilya ko.
" Totoo ba ang narinig ko anak, nakatapos ka na sa med school at doktor ka na? " hindi makapaniwalang tanong ni mommy.
" Opo mommy. May 3 years residency pa po ako at nasa pangalawang taon na po ako." sagot ko.
"We're so proud of you anak." sabi ni daddy.
" Kahit po mahirap kinaya ko dahil nasa tabi ko po si Feli at Jaytee na tumitingin sa mga bata pag nasa med school ako." nakangiti naman silang tumingin sa direksyon ni Jaytee at Feli.
" Salamat sa inyong dalawa. " sincere na turan nila.
" Wala pong anuman yon. Pamilya po tayo kaya kailangan nasa likod ng isa't isa. " sagot ni Feliche.
" Haay cuz napaka-swerte mo talaga dyan kay Jaytee. Complete package." turan ni ate Shane kay Feliche.
" Ay oo naman ate Shane. Kaya nga nung mag-propose yan hindi pa nakakaluhod nag yes na ako. " nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Feliche.
" O ano apo, tatanggapin mo ba yung alok nung kaibigan ko?" tanong ni lolo Franz sa akin.
" Opo lolo, kailangan ko po talaga ngayon yan. Ang problema ko po, itong kambal ko. " nag-aalala kong saad.
" Walang problema anak, nandito kami ng daddy mo." sabi ni mommy.
" Oo nga cuz, hindi pa naman kami babalik ni Jaytee ng Canada, pwede kaming tumulong kila tita Elize sa pag - aalaga sa kanila. " sabi naman ni Feliche.
" Bakit hindi pa kayo babalik?" tanong ko.
" Wala kasing mag-aasikaso sa pharmaceutical company dito, nasa US si dad, nakiusap na ako na lang muna pansamantala, mga 3 months lang daw. " sagot naman ni Jaytee.
" Mabuti nga yon dahil kinuha kong bridesmaid si Feli kapalit nung isang friend ko na nasa US, hindi daw pinayagang umuwi. " singit naman ni ate Shane.
" Really? Well, lolo kailan po tayo pupunta ng Sto. Cristo?" tanong ko ng malamang okay naman ang lahat sa mga pag-iiwanan ko sa kambal.
" Bukas na bukas din apo."