Shanaia Aira's Point of View
STO. CRISTO. Matapos ang halos apat na oras na biyahe ay narating na rin namin ang lugar nila lola Paz. Hindi ko na halos matandaan kung kailan ba ang huli kong punta dito basta ang natatandaan ko nasa Elementary pa kami ni ate Shane noon, nung bago siya pumasok sa Showbiz.
Kagabi nung magpaalam ako sa kambal, ayaw nilang pumayag noong una pero nung sinabi ni Jaytee na hindi sila nito pababayaan at magwo-work lang ako gaya noong nasa Canada kami, pumayag na rin sila. Malaking bagay talaga kapag si Jaytee ang nagsasalita sa kanila, sumusunod talaga kaagad sila sa kanya.
Nung pumasok ang kotse na sinasakyan namin sa malawak na bakuran, parang nanariwa sa akin nung kabataan namin nila ate Shane. Si ate Liyah yung anak nila tito Nhel at tita Laine ang madalas kong kasama dahil halos magkasing-age kami, one year older lang siya sa akin. Si ate naman ay yung mga bata dito ang kalaro.
" Hi dad and mom! musta po ang biyahe?" salubong ni tita Laine kila lolo at lola at ng makita ako ay napanganga siya sa gulat. Grabe si tita kahit nakanganga ay ang ganda pa rin. Sana all.
" Oh my! Aira is that you?" sabi nya nung makabawi sa gulat.
" Yes po tita Laine. Kumusta po? " tanong ko. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Niyakap naman niya ako.
" Mabuti naman. Kumusta si ate Elize at ang dad mo?"
" Mabuti rin po tita."
" Si Shane pala ikakasal na ulit. Kailan ka pa nakauwi sa inyo?" tanong muli ni tita.
" Nung isang araw lang po. Inuwi po ako nila lolo mula sa Canada."
" Mabuti naman umuwi ka na. Ang tagal kang hinanap ng mga magulang mo at nung asawa mong si Gelo. Nabalitaan namin Aira yung nangyari sa inyo. Kapag artista talaga kadalasan nasisira ang pagsasama, katulad na lang ng ate mo. Masaya kami at ikakasal na ulit siya. Mabuti naisipan mong sumama dito sa mga lolo mo? " naalalang itanong ni tita Laine.
" Sa ospital po kasi dito ko itutuloy yung residency ko tita. " sagot ko.
" Really? Natapos mo yung medical course mo? Great! I'm happy for you. "
" Thanks po tita Laine. "
" Halika na sa dining baka gutom ka na. Ngayon ka na ba pupunta ng ospital?"
" Yes po after lunch daw po ako sasamahan ni lolo Franz. "
Pagdating namin ni tita Laine sa dining area, naroon na si lolo Franz at lola Paz at may katabi silang bata na matanda lang siguro sa kambal ng konti.
" Guilly, she's your tita Aira, your mommy's cousin. " pakilala ni tita Laine sa akin dun sa bata. Anak pala siya ni ate Aliyah.
" Hi po tita Aira. I'm Guilly po." lumapit siya sa akin at nagmano.
" Hi Guilly! nice meeting you. How old are you?" tanong ko.
" I'm five years old po. " sagot nya tapos nakataas pa yung limang daliri niya.
" Ah you're older than my kids."
" You have kids? " gulat na tanong ni tita Laine.
" Yes tita. Twins po. Hindi po alam ni Gelo. "
" Oh sad to hear that." malungkot na saad ni tita Laine.
" It's okay tita. I'll be fine. I have kids,I can handle it. "
" That's the spirit apo." proud na sambit ni lola Paz.
AFTER lunch nga ay tumulak na kami ni lolo Franz dun sa ospital.Hindi naman ito kalayuan sa bahay nila. Mga 10 minutes drive lang siguro. Bagong tayo pa lang yung ospital, ilang buwan pa lang itong nag-ooperate. Branch ito dito ng isang sikat na ospital sa Metro. Kinausap ako nung may-ari, tiningnan yung mga dala kong credentials at namangha pa siya nung makita niya na sa isang sikat na med school sa Canada ako nagtapos.
Matapos ang ilan pang tanungan ay umuwi na kami ni lolo Franz. Bukas ng umaga na ako mag-uumpisa sa ospital.
Pagdating sa bahay ay naroon na si tito Nhel at ate Liyah. Pinakilala nila ako sa husband ni ate Liyah na si Onemig at dun sa adopted daughter nila tita Laine na si Celestine. Wala si Neiel dahil nasa Switzerland daw ito at doon nagwo-work kasama si Andrei.
Yung mga gamit ko ay naiayos na ng mga kasambahay nila sa isa sa mga guest room.
Naging maayos naman ang tulog ko kinagabihan, matapos kong makausap ang mga bata sa video chat ay hinila na ako ng antok.
Kinabukasan ay maaga pa lang ay nasa ospital na ako. Yung kotse ni Neiel ang pansamantalang pinagamit sa akin ni tita Laine. Iba kasi ang way nila sa pagpasok sa trabaho kaya hindi nila ako maisasabay sa sasakyan kaya pinahiram na lang muna nila yung kotse ni Neiel sa akin. Tinatanggihan ko nga nung una dahil sabi ko magko-commute na lang ako dahil malapit lang, ayaw naman ni lolo at lola kasi daw pag doktor dapat may sariling sasakyan, paano daw pag may emergency sa ospital.
Naging maayos naman yung unang araw ko. Sinamahan ako nung director ng ospital na mag-rounds para maging pamilyar ako sa buong hospital premises. Pinakilala rin ako sa mga doktor at nurse pati na rin yung mga nasa opisina.
Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa makagamayan ko na ang trabaho ko. Pamilyar na ako sa buong lugar sa ospital pati na rin sa mga taong nakakasalamuha ko. Marami akong ginagawa dahil marami kaming pasyente ngayon dahil nauuso na naman yung dengue. Karamihan sa pasyente namin ngayon ay mga bata. Kaya pag-uwi ko ng bahay, sobrang pagod na ako, nawawala lang kapag nakakausap ko na yung kambal through video chat. Kaya hindi ko talaga kinakalimutang mag-chat sa kanila tuwing gabi, sila kasi yung energy booster ko.
Mag-iisang linggo na ako dito sa Sto. Cristo. So far maayos naman ang trabaho ko at sa bahay naman, inaasikaso naman ako nila lolo Franz, masaya silang kasama at hindi ako nakakaramdam ng bad vibes sa bahay nila. Laging masaya at pansin ko, laging may pagkain dahil mahilig magluto si tita Laine. Dinadamay na nga rin nya ako sa mga pinababaunan niya ng lunch kaya hindi na ako nag-aabala pang pumunta ng canteen para sa pagkain ko.
Halos sabay-sabay kaming umalis sa bahay ngayong umaga. May end of the month meeting daw kasi sila sa FCG. Si Guilly na nga lang ang natira sa bahay at yung yaya niya dahil mamaya pa ang pasok niya sa pre-school.
Pagdating ko sa parking lot ng ospital, pansin ko na parang ang daming tao at may sine-set up sila na kung ano. Pagbaba ko ng kotse ay nakasabay ko yung isang nurse na galing sa OPD.
" Hi dra.Aira! Good morning po. Ang ganda po ninyo talaga." masayang bati niya.
" Good morning din nurse Trina. Sus binola mo pa ako pero salamat. Anong meron?"
" Ah yan po? Naku dra. mukhang sisikat tong ospital natin." masayang turan niya.
" Bakit naman?" tanong ko.
" Nakuha po ito bilang location sa bagong teleserye. Nurse po yung ganap nung bidang babae kaya dito sila magte-taping ng ilang buwan. Kausap nga po ni madam direktor yung producer at tv direktor kanina."
" Ah ganon ba? Sige Trina magra-rounds pa ako."
" Sige po dra. see you later po. "
Dumaan muna ako sa station namin para ilagay ang gamit ko at nag-ayos ako ng kaunti. Dala yung chart ng mga pasyente ay nag-umpisa na akong mag-rounds.
Naging abala ako sa ginagawa kaya hindi ko napansin na break na pala namin sa umaga. Pumunta ako ng canteen para umorder ng kape at sandwich ng mapansin ko yung mga crew na nag-uumpisa ng mag-set up dun sa garden ng ospital.
Nasa may gilid na yung camera at nakaupo na yung direktor nila sa may tabi. Bigla akong napatda sa kinatatayuan ko ng makita ko yung leading lady, si Charmaine Gonzalo tapos katabi niya ang leading man niya. May katabi ring babae yung leading man na panay pa ang punas sa mukha niya. Tila tuwang-tuwa naman yung leading man sa ginagawa nung babae. Hinawakan pa nga nya yung isang kamay nito. Parang may sumuntok sa sikmura ko sa nasaksihan. Mukhang balewala sa kanila kung may nakakakita sa kanilang paglalambingan.
Hindi ko kilala yung babae, ngayon ko lang siya nakita. Maganda siya, maputi, mahaba ang straight na buhok at maganda ang hubog ng katawan. Mukha siyang mabait kaya siguro nahulog ang loob nung leading man sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ako pupunta sa station namin, isa lang ang pwede kong daanan at tiyak na makikita ako pag dumaan ako.
Bahala na nga.
Medyo iniyuko ko yung ulo ko nung maglakad ako. Saktong padaan na ako sa harap nila ng biglang...
" PAGING DRA. AIRA GALLARDO-MONTERO PLEASE PROCEED TO ER IMMEDIATELY.
DRA. AIRA GALLARDO-MONTERO TO ER PLEASE.
Jusko lang. Napakalakas pa ng paging system at paulit - ulit pa. Pasimple akong tumingin dun sa may garden habang walang tigil yung paging system sa pagtawag sa pangalan ko. Nakita kong napatda si leading man. Tumakbo na ako papuntang ER para matigil na yung paging system pero bago ako nakalayo, nakita kong hinabol nya ako ng tingin. Ngunit madilim ang tingin na ipinukol niya sa akin.
Hindi niya siguro nagustuhan na ginamit ko pa rin ang apelyido niya.
Ang apelyido nung leading man kanina na may kaharutang iba.
Si Gelo Montero, ang aking asawa.