Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 126 - Secret No More

Chapter 126 - Secret No More

Shanaia Aira's Point of View

I SURELY don't know what to do now. Nakaupo kami ni Gelo sa kama at parehong may malalim na iniisip.

Ang galing lang talaga ni Gwyneth. Ang tao kapag talagang desperado na, lahat kayang gawin.

Halos sabay pa kaming napabuntung-hininga ng malalim ni Gelo. All our efforts will only come in vain. Kahit gaano kami kaingat na itago ang tunay naming relasyon, nagsikap na maitago ang sarili sa pagdi-disguise at lahat ng paraan ng pag-iwas ay nagawa na namin pero sa huli, natalo kami ng isang tao na determinado rin sa kanyang mga balak.

Gusto ko man na maging kalmado pero nandoon pa rin ang takot sa maaring mangyari ngayong may nalaman na si Gwyneth tungkol sa amin.

" What are we going to do bhi?" tanong ko kay Gelo. Kahit nagsisikap akong itago ang nararamdaman ko ay hindi pa rin nakatakas sa pandinig nya ang pangamba sa tinig ko.

Nangunot ang kanyang noo at hinila ako palapit sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit. Gumanti rin ako ng yakap at isinubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Ang pintig ng puso nya ay damang-dama ko. In his arms, I feel safe. In his arms, I feel like no one can do me harm.

We stayed that way for a long time. He kissed my head repeatedly with so much care.

" I seriously don't know what to do now baby. Knowing Gwyneth, she will use the information she has found for her own benefit. Alam ko na hindi sya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto nya sa akin. I just don't know when or how she will push through with her plans, and that's what I'm afraid of. " puno ng pangambang turan nya.

Alam ko naman na nag-aalala siya, gaya ko sa kung ano man ang gagawin ni Gwyneth sa mga susunod na araw. Maaaring nanahimik sya nitong mga nakaraan, hindi malayong may ginawa na syang hakbang laban sa amin.

" Baby no matter what happens, let's just stick together and please baby, promise me, you'll stay." pagsusumamo nya. Tumango ako ng paulit-ulit kahit hindi ako sigurado kung ano ang kahihinatnan namin. Dahil higit kailanman, ngayon ako kailangan ni Gelo.

Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Mayroon at mayroong kalungkutan na pagdadaanan? Hindi ba pwedeng masaya na lang?

I just want to love Gelo and be happy. Is that so bad?

I smiled weakly at him before I lay myself down on the bed. All I want to do now is to rest. I am tired. Emotionally.

I WOKE up after a deep sleep. A familiar scent filled my nose as I slowly opened my eyes. Kinusot ko ang mata ko at tiningnan ang katabi ko. Kumilos siya ng bahagya at isiniksik ang sarili sa akin. Napangiti ako at biglang lumukso ang puso ko. He is the only person who can create a havoc in my heart even with just a simple movement from him.

Unti-unti syang dumilat at itinutok agad ang paningin sa akin. We were so quiet while looking into each others eyes. I saw pain and worry in his eyes. Pareho lang naman kami. Ito ang kauna-unahang araw na gumising kami na puno ng pangamba ang puso namin.

A little while later he broke the silence.

" I really love mornings like this, waking up with you by my side." turan nya sabay halik sa pisngi ko.

" Hmm... same here bhi. I hope this won't end." tugon ko. Caressing his face with my thumb.

" This will not end baby. Hanggat ang langit ay nakatapat sa lupa. " malungkot akong ngumiti pero napatili ako ng bigla nya akong buhatin papunta sa bathroom.

" Bhi, ano ba? " nagpupumiglas ako. Alam ko na kasi ang balak nyang gawin.

" Huwag kang malikot baby baka madulas tayo. " tumigil naman ako, baka nga madulas kami.

Inalis nya ang lahat ng kasuotan ko tapos siya naman ang sumunod. Napatili ako ng bigla nyang buksan ang shower. Kahit maligamgam ang tubig na lumalabas sa shower, maginaw pa rin dahil nasa Tagaytay kami, malamig ang pang-umagang hangin.

Medyo natagalan kami dahil nag-exercise pa kami. Gelo is insatiable. Parang dito nya ibinubuhos ang frustration nya at lahat ng worries nya. But I love every bit of it. Medyo naging wild din naman ako, feeling ko kasi hindi na mauulit na ganito kami. Pero agad ko rin namang binawi ang naisip.

Hindi kami matitinag ni Gelo.

I don't know what the future holds for us but one thing is for sure, we won't easily give up.

Naunang bumaba si Gelo matapos kaming magbihis. He is wearing a simple gray v-neck shirt and black cargo shorts. While I opted to wear a denim skirt and white v-neck shirt.

Nagulat ako ng pagbaba ko ay may narinig akong ingay na nanggagaling sa living room.

" What are you doing here?" medyo may katigasan ang tono ni Gelo sa sinumang kausap nya.

" Ser pinipigilan ko sya kaya lang po nagpupumilit po eh." tinig ni mang Turing yung sunod kong narinig kaya napabilis ang pagpunta ko sa living room.

Natutop ko ang bibig ko ng makita ko kung sino ang kausap nila. Huli na para umalis ako dahil nakita na nya ako.

" So tama nga ako. Dito ka tutuloy pagkagaling mo ng Batanes dahil kasama mo ang babaeng yan!" turo nya sa akin.

Nag-ugat naman ako sa kinatatayuan ko dahil nahuli nya kami sa akto. Hindi ako makapagsalita.

" This is my house Gwyneth kaya dito ako uuwi kung gusto ko. "

" Yes. Your house and hers too. Akala mo hindi ko alam Gelo. Engaged na kayo ng babaeng yan at binili mo ang bahay na to para sa kanya. Mabuti na lang madaling mauto itong care taker mo, napaniwala ko na alam ko ang lahat tungkol sa inyo, the truth is hinuhuli ko lang sya. Salamat manong sa impormasyon. " hinarap pa nya si mang Turing na may mala-demonyang ngiti sa labi.

" What do you want Gwyneth? " matigas na tanong ni Gelo. Puno ng pagtitimpi na hindi sya sumabog. Alam kong galit na sya base sa mahigpit na pagkakakuyom ng mga palad nya.

" You Gelo. I want you so bad." maarteng turan nya. Lumapit pa sya kay Gelo at hinaplos pa nito ang braso nya ng paulit-ulit.

" Stop it Gwyneth. I am engaged to Aira. At kahit ano ang gawin mo hindi ko maibabaling ang pagtingin ko sayo dahil siya lang ang mahal ko. "

" Really Gelo? Let's see. Paano kung ilabas ko ito in public and worst malaman ng management natin? They will sue you for breaking their rules. See, I have proofs here at hindi mo ito maipagkakaila. At magagamit ko rin ito para mapaamo kita dahil kung hindi ka susunod sa gusto ko, magiging malaking iskandalo ito sa inyo ni Aira. "

Halos magputukan na ang mga ugat ni Gelo sa tindi ng galit nya kay Gwyneth. Pulang-pula na sya sa galit habang minamasdan ang mga pictures namin na nakalatag sa center table. Halos mamutla naman ako sa nakita. Napatakip na lang ako ng aking bibig.

Oh Lord. This can't be.

Pictures namin yon ni Gelo sa Batanes in different intimate positions.Kung paano nyang nakunan yon, hindi ko na alam dahil nagsimula ng magdilim ang paningin ko pagkatapos.