Shanaia Aira's Point of View
NAGISING ako sa hindi pamilyar na silid. Nang igala ko ang tingin ko, napagtanto ko na nasa ospital ako, hindi puti ang paligid pero alam kong ospital ito, nasa isang private suite nga lang ako. May nakalagay na IV sa braso ko at kakaiba ang pakiramdam ko sa katawan ko, parang may masakit sa akin. Hindi ko alam kung yung tiyan ko ba o yung puson?
Posible ba na nung nahimatay ako ay tumama ang tiyan ko sa kung saan?
The last scene before I lost consciousness once again came across my mind. Yung mga larawan. Si Gwyneth. Ang galit na si Gelo.
Ano na kaya ang nangyari matapos akong mahimatay? Sa sobrang galit ni Gelo, ano kaya ang ginawa nya kay Gwyneth? O nagkausap kaya sila ng maayos?
Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko.At muli ko na namang naisip ang mga pinanghahawakan ni Gwyneth laban sa amin ni Gelo. Kapag inilabas niya ang mga pictures namin ni Gelo, siguradong mae-eskandalo kami. Makikita ng buong pamilya at mga kaibigan namin. Magagalit sila at malamang ikahiya pa kami. Magagalit sa kanya ang mga fans nya at siguradong ako ang magiging tampulan ng galit nila. At ang pinaka masaklap, baka mapaalis ako sa med school dahil sa imoralidad.
What will happen to me and Gelo now? It is confirmed that Gwyneth knew everything about us.
Nangilid ang luha ko sa mga possibilities na maaaring mangyari ngayong alam na ni Gwyneth ang lahat.
Natatakot ako para kay Gelo. Sa career nya. Sa relasyon namin at sa kahihiyan once na ilabas ni Gwyneth ang mga pictures.
Biglang napabaling ang tingin ko sa pinto ng marinig ko na may pumihit sa doorknob.
A picture of a broken man came inside. I knew deep inside why he's like that. We're both in the same state.
" Oh you're awake! How are you feelin'?" nakangiti siya ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata. Umupo siya sa tabi ko at hinagod ang aking ulo.
" A bit fine. Medyo masakit lang ang tiyan ko." sabi ko. Napansin ko na parang may dumaang sakit sa mga mata nya at takot na rin. Para saan naman?
" Baka nagugutom ka na. What do you want to eat?" masuyong tanong nya. Pero napapansin ko na parang hindi nya ako matingnan ng diretso. Ano kaya ang nangyari habang wala akong malay?
" Bhi saglit lang. May napapansin lang ako sayo, bakit parang iniiwas mo ang tingin mo sa akin? May nangyari ba kanina nung nahimatay ako? Si Gwyneth? Ano na nangyari? Nagkausap na ba kayo? Ilalabas ba nya in public yung mga pictures natin?" sunod-sunod na ang tanong ko. Mas lalo ko naman syang nakitaan ng pagkabalisa.
He heaved a very deep breath. He looked straight into my eyes.
" Baby I don't know how to say this. This is not the right time kasi mahina pa ang katawan mo, paglabas—" I cut him off. Naguguluhan kasi ako.
" Anong mahina? Masakit lang ang tiyan ko bhi. Tapos may IV pa na nakalagay sa akin eh hinimatay lang naman ako. Ano ba kasi ang nangyari? " naguguluhang tanong ko. Puno naman ng pagsusumamo ang mga mata nya na para bang mayroon akong dapat malaman pero hindi nya kayang sabihin.
Hinawakan ko ang braso nya at pilit na niyugyog para magpatuloy siya. Nag-uumpisa ng may mamuong takot sa akin. Ngayon ko lang kasi nakitaan si Gelo ng ganitong emosyon.
" Baby, I'm sorry." malungkot nyang pahayag. Mas naguluhan ako lalo na nung makita ko na may pumatak na luha mula sa kanyang mga mata.
" Bhi, bakit ka nagso-sorry? Ano ba ang ginawa mo?" nangingilid na rin ang luha sa mga mata ko.
" Baby, almost two days ka na dito simula nung mahimatay ka. I brought you here immediately because you had a ——a threatened miscarriage, according to your doctor, you are pregnant, 4 weeks exactly. " may garalgal ang tinig nya habang nagsasalita. Tila humihiwa naman sa puso ko ang lahat ng sinabi nya.
Napatakip ako ng bibig ko at tahimik na lumuha. Bakit hindi ko alam na buntis ako? Bakit kailangang madamay ang magiging anak namin sa nangyayari ngayon? Ano ba ang kasalanan niya at pati siya ay nadamay sa makasariling hangarin ni Gwyneth?
Bakit ayaw niya kaming tigilan? Hindi na tama ang paraan niya ng pagmamahal. Nakakamatay. Nakakasakit. Masyado siyang makasarili.
Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Gusto kong magwala. Sa mga sandaling ito, ang nararamdaman ko lang ay gusto kong saktan si Gwyneth. Gusto kong iparamdam sa kanya yung sakit na nararamdaman ko. Yung maglalatay sa pagkatao nya yung sakit para malaman nya kung gaano kasakit ang mawalan ng anak.
Ang sakit ng pagluha ko. Hindi lang pagluha kundi hinagpis para sa anak na pinagkaitan ng pagkakataong mabuhay sa sinapupunan ko. Nagagalit ako kay Gwyneth at sa maling paraan nya ng pagmamahal. Patawarin nawa ako ng Diyos pero suklam na suklam ako kay Gwyneth. Sa sandaling makaharap ko sya ay baka kung ano ang magawa ko sa kanya. Patawarin ako ng Diyos.
Naramdaman ko na humiga si Gelo sa tabi ko. Lumuluhang niyakap nya ako ng mahigpit. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya dahil pareho kaming nawalan ng anak. Sabay kaming umiiyak para sa pagkawala ng bunga ng aming pagmamahalan. Dama ko yung sakit na nakapaloob sa pag-iyak niya.
" Baby, just rest. Hindi makakabuti sayo ang sobrang pag-iyak. You need to regain your strength. I'm just here whenever you need me." turan nya habang panay ang hagod nya sa ulo ko. Manaka-nakang hinahalikan din ako sa may sentido.
" Bhi, ano ba ang nangyayari sa atin? Bakit ba ginagawa sa atin ni Gwyneth ito? Ganoon ka ba nya kagusto na pati anak natin nadamay pa? Makasarili siya. Wala siyang iniisip kundi sarili lang niya. Dapat tumigil na sya umpisa pa lang nung sabihin mo na ayaw mo sa kanya. Bakit ipinagpipilitan pa nya yung sarili nya? Such a desperate witch. Sorry. Galit kasi ako bhi. Galit na galit. " habang nagsasalita ako ay wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Panay na ang pagpunas ni Gelo pero hindi pa rin maawat.
" Shhh.. hush now baby. We will talk after you rest. " masuyong turan nya.
Tumango lang ako at marahang ipinikit ang aking mga mata.
Kahit nakapikit ay panay pa rin ang iyak ko. Gusto kong gumanti ng yakap kay Gelo kaya lang baka dumugo ang braso ko na may swero kaya hinayaan ko na lang na siya yung nakayakap.
Hindi ko alam kung anong oras na pero nagising ako na ganon pa rin ang posisyon namin ni Gelo.
Naramdaman ko ang halik nya sa noo ko kaya tiningala ko sya. Nakangiti sya sa akin pero naroon pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
Bumangon siya at pumunta sa comfort room na nasa kabilang panig ng suite. Eksaktong nakapasok si Gelo sa comfort room ay sya namang pagdating ng nurse.
" Good morning ma'am. Check ko lang po yung vitals nyo." bati nya sa akin. Tumango naman ako at pilit na ngumiti. Sinabi ko na gusto kong umupo kaya tinulungan nya akong umupo pasandal sa hospital bed bago nya kinuha ang vitals ko.
" Nurse, anong oras na po ba?" tanong ko. Tumingin sya saglit sa wristwatch nya.
" Ma'am 7:05 na po ng umaga. Aalisin ko na po ang swero nyo ma'am, wala na pong laman. Anyway, last na po ito. Pwede na daw po kayong I-discharge ngayong araw. Pupuntahan po kayo ni dra. mamaya para sa final check up." tumango ako at nagpasalamat bago lumabas yung nurse.
Lumabas si Gelo ng cr matapos ang ilang minuto. Bagong ligo na sya at iba na rin ang damit nya. May dala syang basin na may bimpo at sa balikat nya ay nakasampay ang mga damit ko.
" What do you want to eat. I'll go out to buy you food. Oh wala na yung IV mo? " tanong nya nung napansing naka-pasandal ako ng upo sa kama.
" Yeah. Inalis na nung nurse. Pwede na raw kasi akong lumabas ngayong araw bhi." nakita kong nilapag nya yung basin sa may table tapos yung mga damit ko sa ibabaw ng kama.
" That's good. Madali kitang malilinisan. " sabi nya tapos inumpisahan na nya akong hilamusan nung bimpo.
Nang matapos ay binihisan nya ako saka sinuklayan ang buhok ko. Then bumalik na sya sa cr para ibalik yung ginamit nyang basin.
Anong gusto mong kainin? " tanong ulit nya nung makabalik sya.
" Lugaw lang bhi para hindi mabigla ang tiyan ko. "
" Okay. Wait for me here, sandali lang ako." saad nya tapos lumakad na papunta sa pinto.
Nang mapag-isa ako ay nakaramdam na naman ako ng matinding lungkot at pangungulila. Masakit pa rin kapag naalala ko na wala na ang baby sana namin ni Gelo. Kung alam ko lang na buntis ako, sana nag-ingat ako. Nagpa-shot ako kay ate Faith pero lumampas na yata ako sa period at hindi ako nakapagpa-shot ulit kaya mabilis na may nabuo. Kahit ganon na hindi ko alam na buntis ako, nakakaramdam pa rin ako ng sakit at panghihinayang. Paano pa kaya kung alam ko at nag-ingat ako? Baka hindi lang ganito katindi ang galit na mararamdaman ko kay Gwyneth.
Nakabalik na si Gelo at may dalang sandamakmak na pagkain. Hindi lang lugaw ang dala nya. Mayroon ding isang bucket na chicken, spaghetti at mushroom soup. Binilhan din nya ako ng isang carton ng fresh milk at mayroon ding pinapple juice. At ang nakatawag pansin sa akin ay yung dala nyang isang bouquet na pink and lavender tulips.
" Ang dami mo namang dala bhi." namamangha kong turan.
" Hindi sa akin lahat galing yan baby."
" Ha? Kanino?"
" Sa kanila." matapos nyang sabihin yon ay isa-isa ng pumasok ang mga bisita. Nauna ang mommy at daddy ko tapos si tito Archie at tita Mindy.
Umiiyak na ako ng lumapit si mommy at daddy sa akin. Niyakap ako ni mommy ng mahigpit. Nang maramdaman ko ang mga bisig nya ay lalo pa akong napaiyak. Pakiramdam ko nawala ang lahat ng sakit at bigat na nararamdaman ko.
" Anak kung ano man ang nararamdaman mo, iiyak mo lang kay mommy lahat yan.Nandito lang ako bunso, hindi ka iiwan ng mommy. Be strong. Mahal na mahal kita anak." madamdaming wika ni mommy. Lalo lang akong umiyak sa mga sinabi nya. Alam ko, higit kanino man, siya lang talaga ang makakaunawa sa nararamdaman ko dahil nanay ko sya. Kapag nasasaktan kaming mga anak nya ay dobleng sakit sa kanya yun.
" Dad alam nyo na po?" si daddy naman ang hinarap ko.
" Oo anak. Sinabi na ni Gelo sa amin nung isugod ka nya dito. Nandito rin kaming lahat nung tulog ka.Nung una, nagalit kami dahil naglihim kayo. Hinintay nyo pa na magkaroon ng ganitong pangyayari bago ninyo aminin sa amin. Kung sinabi nyo lang kaagad na nagpakasal kayo, sana nagawan natin ng paraan ng hindi na kayo nagtago pa sa publiko. Sa ngayon, wala pang lumalabas na balita na kasal na kayo. Yung engagement lang ninyo ang kalat na kalat ngayon. Maraming problema anak pero huwag mo munang intindihin sa ngayon. Magpahinga ka para makabawi ka ng lakas. Just leave everything to us. We can deal with it. Okay? "
" Yes dad. " sabi ko tapos hinalikan ako ni daddy sa noo. Lumapit din si tita Mindy at tito Archie tapos niyakap din ako.
" Gelo! " lahat kami ay napalingon sa may pintuan. Naroon ang humahangos na si ate Shane papunta sa direksyon ko.
" Hi bunso! Mabuti gising ka na. Nag worry sayo ng husto si ate.I'm sorry for the lost of your baby. " lumapit si ate sa akin at niyakap ako. Malungkot akong tumango.
" Bakit humahangos ka Shane Adrianna? " biglang tanong ni daddy kay ate.
" May problema dad. Nalaman ko sa agency kanina na magsasampa daw sila ng kaso kay Gelo sa paglabag daw niya sa rules ng company. Triple ang hinihingi nilang danyos dahil yun naman ang nakasaad sa contract ni Gelo. Pero may kumausap daw sa kanila para hindi na nila ituloy yung kaso. " kwento ni ate. Kinabahan naman ako dahil parang may naiisip na ako kung sino.
" Sino naman? Ikaw ba pare?" tanong ni dad kay tito Archie.
" Hindi.. although yun nga ang balak ko sana kung papayag sila. " sagot ni tito Archie.
" Wala po sa kampo natin dad. Dahil ang kumausap ay walang iba kundi si Senator Faelnar kapalit ng pakikipagmabutihan ni Gelo sa anak nya. "