Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 128 - Knowing You're Beside Me I'm Alright

Chapter 128 - Knowing You're Beside Me I'm Alright

Shanaia Aira's Point of View

WE were all stunned by what ate Shane said about the Faelnars. I can't believe such a respectable Senator can do an embarrassing move just to please her desperate daughter. So pathetic. It's so annoying. Tiningnan ko ang reaksyon ni Gelo. His palms are tightly closed and anger was evident in his eyes.

" NO!" matigas na pagtanggi ni Gelo. Makikita ang matinding galit sa paraan ng pagbitaw nya ng kataga.

" Anak, calm down." pag-alu ni tita Mindy sa anak. Hinawakan nya ito sa braso upang pakalmahin.

" I'm sorry mommy. But how do I calm down? They are making our lives miserable. At ano ang palagay ni senator sa akin? Last piece na laruan sa toy store na pakikiusapan nya yung naunang nakakuha dahil nagwawala yung anak niya kasi gusto rin yung laruan? Tao ako na may sariling buhay. Bakit kailangan pakialaman niya ang sitwasyon ko sa buhay para lang mapagbigyan niya ang kapritso ng kanyang anak?Hindi ko kailangan ng tulong niya lalo na may hinihinging mabigat na kapalit. Hindi ko isasakripisyo ang relasyon namin ni Aira para lang sa tulong na binibigay niya. Kaya kong solusyunan ito at lalong kaya kong bayaran ang damages sa paglabag ko sa kontrata ko. I will pay for the damages whatever it may cost. I can afford to lose everything I have but not my wife. Nawalan na kami ng anak at ayokong pati ang asawa ko ay mawala rin sa akin dahil lang sa pansariling hangarin ng isang tao. Paninindigan ko ang lahat ng ito dahil mahal ko si Aira at hindi ko hahayaang manipulahin nila ang buhay ko. I am not a toy. I am my mother's son and I am not a Montero for nothing. " matigas na pahayag ni Gelo. Natahimik ang lahat ngunit kakikitaan ng paghanga sa kanilang mga mukha dahil sa determinasyon at prinsipyo niya. It warmed my heart and I'm proud that he is my husband.

" Well, that's good to hear anak. And I'm proud that you are my son. Naririto kami para tulungan kayo sa problemang kinakaharap ninyo. Lahat kami. Isang pamilya tayo. Matatapos din ang lahat basta't kumapit lang tayo sa Diyos." turan ni tito Archie sabay tapik sa balikat ni Gelo.

" Thank you dad. Marami pong salamat sa inyong lahat. Basta't alam naming nandyan kayo, hindi kami panghihinaan ng loob ni baby. We have the best support team. " turan ni Gelo sa pamilya namin na may malapad na ngiti sa labi.

Sa kabila ng kalungkutan at unos na pinagdadaanan namin, mapalad pa rin kami dahil may pamilya kaming masasandigan. Sila yung constant sa buhay namin. Mawala man ang lahat pero sila yung siguradong nandyan palagi. Family is a blessing, the very first group created by God.

HINDI kami iniwan ng pamilya namin hanggang sa na-discharge ako sa ospital nung after lunch. Kasama din namin sila nung umuwi kami sa amin sa Dasma. Napag-desisyunan nila na doon muna kami umuwi ni Gelo. Iwan na muna daw namin ang condo unit namin dahil madali kaming mapuntahan doon ni Gwyneth at baka matunton rin kami ng mga taga media.

Kahit na pangit ang mga nangyayari sa buhay namin ni Gelo ngayon, may isang magandang nangyari naman kahit paano. Ito yung wala na kaming lihim sa pamilya namin. Alam na nilang kasal kami kaya hindi na kailangang magpaalala ni daddy na kasal muna bago honeymoon. Kung noon, hinayaan ni daddy na si Gelo na ang magdesisyon para sa akin dahil engaged na kami, ngayon naman dahil nalaman na nilang kasal na kami, ibinigay na nya yung full control kay Gelo. Pati pag-aaral ko ay siya na rin ang sasagot.

Ngunit ang kaalamang kasal na kami ay mananatiling lihim sa ibang tao. Pamilya lang ang nakakaalam at hahayaan na lang muna na engaged lang kami sa pagkakaalam ng publiko. Tutal wala pa rin namang church wedding na nagaganap.

And speaking of my studies, pinlano nila na huminto muna ako ngayong sem na ito dahil kailangan kong magpahinga. Para na rin daw kasing nanganak ang isang babaeng nakunan. Kailangan ng tamang pahinga dahil mas delikado pa nga daw ito kaysa sa nanganak. Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod na lang. Kahit na gusto kong mag-aral mas makabubuti naman para sa akin ang naging desisyon nila. Pagbubutihan ko na lang sa susunod na sem para makahabol ako kina Venice at Charlotte.

Si Gelo pa rin ang nag-aalaga sa akin ngayong nandito na ako sa bahay. Nagtataka nga ako, dahil simula sa ospital hanggang dito sa bahay, hindi siya umaalis. Lagi lang siya sa tabi ko at personal na nag-aasikaso ng mga pangangailangan ko.

Wala ba syang trabaho?

Habang inaayos nya ang mga gagamitin ko sa paliligo, hindi ko na natiis na hindi magtanong.

"Bhi wala ka bang shooting? Ilang araw ka ng hindi umaalis ng bahay ah."

"Wala pa baby." sagot nya pero hindi sya nakatingin sa akin.

"Wala pa? Sabihin mo nga sa akin, may problema ba?" noon lang siya tumingin sa akin at saka malalim na bumuntung-hininga.

"Pina-stop muna ni Mr. Chan yung shooting dahil sa nangyaring gulo sa amin ni Gwyneth. At isa pa, may nakahaing demanda sa akin ang agency kaya magpapatuloy lang ang shooting kapag naayos ko na yung problema sa kanila. Ayaw mo ba nun? Dito lang ako lagi sa tabi mo. "

" Siyempre bhi gusto kitang kasama palagi pero nag-aalala ako sayo sa mga nangyayari ngayon. Apektado na ang career mo dahil sa kumakalat na balita tungkol sa paglabag mo sa rule ng agency mo.Magbabayad ka pa ng malaking danyos. Ang lahat ng yon ay dahil sa akin. Kung hindi ako sumama sayo sa Batanes, wala sanang pinanghahawakan si Gwyneth sa atin ngayon. Hindi na sana nalantad yung lihim nating relasyon at hindi na sana nawala yung... yung anak natin. " naiiyak kong turan.

" Baby ano ba yang sinasabi mo? Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyayari ngayon.Ginawa nating lahat baby, dalawa tayong nagtulong na protektahan ang relasyon natin. Hindi mo rin kasalanan na nawala ang anak natin. Masakit mang sabihin pero baka hindi pa talaga siya para sa atin. So please,huwag kang mag-isip ng ganyan. Lahat ng bagay na nangyayari ay may rason. Hindi man natin malaman ang sagot sa ngayon, darating ang araw na masasagot din ang lahat. Matatapos din ang mga problema natin kaya huwag mo ng isipin yon,hindi ka dapat nai-stress, makakasama sa kalagayan mo. Okay ba baby? " masuyong tanong nya.

" Yes bhi. Sorry kung nag-iisip ako ng kung ano-ano.Sobra kasi akong nag-aalala sayo,kasi mag-isa mong hinaharap yung problema natin. Samantalang ako, nandito lang, inaalagaan mo pa."

"Baby,you're my wife. Dapat lang na alagaan kita at hindi biro ang nangyari sayo.Kahit hindi nangyari sayo yan, tungkulin ko talaga na alagaan ka. Don't worry about me, kaya kong harapin ang problema,as long as you're beside me." iniyakap nya ang mga braso nya sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya.

Then he kissed me passionately.

" Tomorrow maghaharap kami ng management with our lawyers. I am willing to pay for the damages huwag lang akong pilitin ni senator na gawin ang bagay na ayaw ko talagang gawin.Tigilan na sana nila tayo para maging tahimik na ang buhay natin katulad noon, nung wala pa sila sa buhay natin. " turan muli ni Gelo.

KINABUKASAN, nagising ako na nakagayak na si Gelo. Simpleng white polo shirt ang pang-itaas nya na tinernuhan ng pants na kulay beige. Brown na loafers naman ang kanyang shoes.

" I'll be leaving baby.Tumawag na yung lawyer natin, papunta na daw sila sa agency. Yung breakfast mo nasa table na. I'll call you when I get there.Just rest, uuwi rin ako kaagad." nagmamadali syang humalik sa akin at halos patakbo ng lumabas ng room.

I just heaved a sigh. Hindi ko na naman siya natanong kung ano ang nangyari kay Gwyneth nung mahimatay ako.

Sa tuwing tatangkain ko kasing magtanong, parang umiiwas siyang pag-usapan at binabago niya ang topic.

Kaya tuloy parang may malaking question mark sa utak ko na hanggang ngayon nakabitin pa rin.

Ano nga kaya ang nangyari matapos akong mahimatay? Nag-away kaya sila?

Hapon na nung dumating si Gelo galing sa agency. Nakangiti agad siya nung pumasok siya sa room.

" Hi baby! How's your day?" tanong agad nya habang humahalik sa pisngi ko.

"It's fine bhi. Ikaw kumusta yung lakad mo?" tanong ko. Medyo malakas yung boses ko kasi nasa closet na sya at nagpapalit ng damit.

"Ayos na baby. Hindi na tinuloy yung pagsasampa ng kaso kasi kinausap nung lawyer natin na babayaran ko na lang kung magkano lahat ng danyos. Hindi lang yon baby, nagmulta din ako dahil hindi ko na tatapusin yung contract ko sa kanila. Nagbayad na rin lang ako, nilubos ko na kapalit ng paglaya ko sa kanila. Tatapusin ko na lang itong movie ko sa kanila and after that I'm on my own. " medyo nakadama ako ng relief sa nalaman.

Sa tingin ko naman may kukuha pa rin naman sa kanya kahit wala ng agency na humahawak sa kanya. Mahusay siyang artista, walang pasubali yon. Kahit ilang milyon yung nabawas sa pera namin dahil sa damages na binayaran nya, ayos lang kung ganitong nakikita ko namang nabawasan na yung problema niya at nakalaya na siya sa kontrata.

" Paano na bhi kung wala ka na sa agency? Wala ng magha-handle sayo. " tanong ko pa.

" Pwede namang wala, maraming artistang ganyan na hindi na dumadaan sa agency. Kung may mag-offer na movie producer, direkta na sa artista or sa manager, hindi na kailangang dumaan sa agency."

" I see. Si mama D pa rin ba ang manager mo? "

" Nag-usap na kami ni mama D. Siya rin kasi ang manager ni Gwyneth ngayon kaya sabi ko papalitan ko muna siya. Naintindihan naman niya ako at ang sitwasyon. " tugon nya.

" Sino na manager mo bhi? " tanong ko ulit.

" Pareho na kami ni besty ng manager. Si tita Jellyn. " tukoy niya sa nag-iisang kapatid ni mommy.

" Really? Mabuti kung ganon. Mabait na manager si tita."

Biglang naputol ang pag-uusap namin ni Gelo dahil naagaw ng tunog ng cellphone ko.

Nag-init ang ulo ko ng makita kung sino ang nag text. Hindi ba talaga titigil ang pathetic na babaeng ito?

Gwyneth : I heard that you paid for the damages in our agency. Umalis ka na rin daw doon at pati si mama D ay pinalitan mo na rin. I know you did that because you despised me. I'm sorry but please let's talk Gelo.

" Huwag mong pansinin yan baby. Lalo lang akong namumuhi sa kanya.Ni ayaw ko na ngang makita man lang yan."nayayamot nyang turan habang nakatunghay din sa cellphone na hawak ko.

" Hindi ko pa nga naitatanong ulit sayo ito bhi. Ano nangyari kay Gwyneth nung mahimatay ako? "

" Huwag mo ng itanong baby at magagalit ka lang. " tanggi nya.

" Ano nga sabihin mo na? " pangungulit ko pa.

" Saka na pag okay ka na. " determinadong turan nya kaya wala na akong nagawa.

Hindi na lang ako kumibo. Pero ipinangako ko sa sarili na hindi ako titigil hanggat hindi niya sinasabi sa akin.