Shanaia Aira's Point of View
THE day after, pabalik na ulit kami ni Gelo sa condo unit pero bago yun dumaan muna kami sa bahay dahil ayon kay ate Shane gusto raw kaming makausap nila daddy over dinner.
Ang hinuha ko ay tungkol ito doon sa kumakalat na video ko sa Youtube at yung mga patutsada sa akin ni Gwyneth sa isang social media site.
Kumpleto na ang pamilya ko sa hapag kainan nung dumating kami ni Gelo. Nagmano muna kami kina daddy at mommy bago umupo sa upuang nakalaan sa amin ni Gelo. Nasa gitna ako ni Gelo at kuya Andrew tapos kaharap namin si mommy, ate Shane at Dindin at si daddy ang nasa kabisera.
Tahimik lang kaming lahat habang kumakain. Kakaiba ang atmosphere ngayon kumpara sa usual naming pagsasalo sa hapag. Medyo nangangamba ako na hindi maganda ang sasabihin ni dad sa amin.
" Ano itong kumakalat sa Youtube Shanaia Aira? Bakit may ganoon kang video na nakikipag-away sa isang fan?" tanong ni daddy nung tapos na kaming kumain. Seryoso syang nagsasalita, this time.
" Dad hindi naman nakipag-away si baby, siya yung inaway at pinagsalitaan ng masasakit. Kalmado nga lang sya dun sa video. " si ate Shane ang sumagot kay dad.
" Hindi ikaw ang kinakausap ko Shane Adrianna, itong kapatid mo ang tinatanong ko." singhal ni dad kay ate Shane.
" Sorry na po. Init agad ng ulo. " bulong ni ate Shane.
" May sinasabi ka? " si dad ulit kay ate Shane.
" Wala po dad. Sabi ko nga si Aira ang kinakausap nyo. " sagot ni ate. Gusto kong mangiti sa inaasal nila pero tila seryoso ngayon si daddy.
" Tama po dad si ate, ako po yung inaway. Sinabihan ko lang naman sya na wag syang manghusga lalo na kung hindi nya lubusang kilala ang isang tao. Mahinahon naman ako dad kasi wala naman pong katotohanan yung mga sinabi nya tungkol sa akin pero kahit ganun, nasaktan pa rin po ako kasi pinahiya nya ako sa maraming tao. Hindi naman ako yung lumabas na masama dyan sa video dahil hindi ko naman ginantihan ng masama yung ginawa nya sa akin. " paliwanag ko kay daddy. Nakita ko ang awang sumilay sa mga mata nya para sa akin. Pinalaki nga naman nila ako na busog sa pagmamahal at binigay ang lahat ng makakaya nila tapos ganito lang ang gagawin sa akin ng ibang tao.Masakit para sa magulang yung ganon.
Dad heaved a very deep sigh. Mataman syang tumingin sa akin. Kitang-kita ang pagmamahal at lungkot sa ekspresyon ng kanyang mukha.
" Bunso maganda yung ginawa mong pagtitimpi ng galit at pagpipigil sa sarili na gawan din sya ng masama pero kahit ganon ang ginawa mo, may feedback pa rin na hindi maganda mula sa ibang tao at yun ang masakit sa akin. Sobra ka daw nagpapaawa at pinalalabas mo na ikaw pa ang dehado. Alam ko na hindi maiiwasan na madawit ang pangalan mo dahil artista si Gelo. Ngayon pa nga lang na magkaibigan ang alam nilang relasyon nyo eh kung ano-ano na ang intrigang ibinabato sayo, what more kung malaman pa nila na engaged na kayo? Para hindi na maulit yung ganitong pangyayari, I strongly suggest na wag na muna kayong magpakita na magkasama in public. And please, iwasan mong magkaroon ng interaction sa anak ni senator Faelnar. She's a spoiled brat na kahit ang sariling ama ay napapaikot at napapasunod sa gusto nya. " mahabang turan ni dad.
" Opo daddy. " tumatangong sagot ko.
" And Gelo, please iwasan mo na may mahalata sa inyo yang si Gwyneth. Mag-ingat ka na dahil nasundan ka na nya sa condo nyo. Baka matuklasan nya na nagsasama na kayo sa iisang bubong ni Aira. Mas lalong hindi maganda ang maaaring mangyari pag nagkataon. Protektahan mo si Aira laban sa kanya. " si Gelo naman ang hinarap ni daddy.
Tumango naman si Gelo sa sinabi ni daddy.
Ngayon ko lang naisip ang posibilidad na may hindi magandang mangyari sa pagkakatuklas ni Gwyneth sa inuuwian ni Gelo. Baka magtanong sya sa mga staff at guards sa condo, tiyak na mabibisto kami.
" Dad, paano kung magtanong si Gwyneth sa mga tao sa condo?" nag-aalinlangang tanong ko.
" Don't worry nagawan na ni Archie ng paraan yan."
" Po?" sabay pa kaming nagulat sa sinabi ni dad.
" Hindi ba tumawag ka sa akin kahapon? Sabi mo mukhang sinusundan kayo ni Gwyneth. " tanong ni dad. Saka ko lang naalala na may tinawagan nga pala ako nung dumaan kami sa village para makaiwas kay Gwyneth. I thought its kuya Andrew's number, kay dad pala yung napindot ko sa sobrang pagmamadali.
" Dad, honestly hindi ko alam na kayo yung kausap ko, alam ko number ni kuya yung pinindot ko."
" Nagtataka nga ako dahil hindi ka man lang nag hello. Ang sabi mo lang sinusundan kayo ni Gwyneth mula sa condo at papunta kayo ng Tagaytay tapos ibinaba mo na. Magkasama kami ni pareng Archie non kaya nagdesisyon na sya kaagad na tawagan ang management ng condo para sabihan ang lahat ng staff, mga guards kahit yung mga nasa maintenance na huwag magsasalita tungkol sa inyo. Alam nyo naman yon advance mag-isip. I guess you are safe on that part pero kailangan nyo pa rin na mag-ingat. " turan ni daddy. Pareho kaming nakahinga ng maluwag ni Gelo nung marinig namin yung ginawa nilang solusyon ni tito Archie.
" Dad salamat sa Diyos at magkasama kayo ni tito Archie nung mga sandaling iyon. Marahil itinulot ng Diyos na number nyo yung napindot ko instead of kuya para makagawa agad kayo ng solusyon. Salamat po. " sincere kong turan.
" Paano yan kung ikaw naman bunso ang sundan ni Gwyneth para malaman kung pumupunta ka nga palagi dun sa condo ni Gelo? Minsan ka na nyang nahuli syempre manunubok muli yon lalo na't hinahanapan ka talaga nya ng butas. " tanong naman ni kuya Andrew.
" Ang mabuti pa siguro, dito na muna kayo umuwi pansamantala. Sundan man ni Gwyneth si bunso atleast makikita nya na dito umuuwi at si Gelo naman, mag-iingat na lang kapag pauwi na dito. " suhestiyon naman ni mommy.
Nagkatinginan kami ni Gelo ng marinig ang suggestion ni mommy. Pagkaraan ay tumango sya sa akin.
" Sige po mommy mas mabuti po na dito na muna kami ni Gelo, tutal may mga damit naman kami dito. " sang-ayon ko.
" Dadaan na lang ako sa condo bukas after ng shooting ko. Kukuha ako ng ilang damit at gamit natin." sabi ni Gelo sa akin.
" Mag-iingat ka na lang anak at baka masundan ka na naman. "sabi ni mommy kay Gelo.
" Opo tita. Mas mabuti na rin yung nandito si baby kapag may shooting ako at malalayo ang location namin. Nag-aalala rin po ako kapag mag-isa lang sya sa unit namin. "
" Yeah, that's good. Dito mapo-protektahan namin kayong dalawa, hindi basta-basta nakakapasok ang mga outsiders ng village. " sagot naman ni daddy.
Natapos ang dinner namin na mayroon na kaming temporary solution. Kaya mula ngayong gabing ito ay dito na muna kami uuwi ni Gelo pansamantala.
Hindi na kami pinaghiwalay ni daddy ng tulugan. Tutal naman daw magkasama na kami sa condo pero binalaan ni daddy si Gelo na mag-behave. Syempre lihim akong natatawa. Kung alam lang ni daddy na kasal na kami ni Gelo ilang buwan na ang nakakaraan at kung gaano ito ka-active mag-exercise, baka mag-ala Bonifacio ito at habulin ng itak si Gelo.