Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 118 - Investigation

Chapter 118 - Investigation

Shanaia Aira's Point of View

MATAPOS ang mahabang pag-uusap namin sa dining room, nagyaya naman si daddy kay kuya Andrew at Gelo na mag-inuman muna sila para pampalibang lang. Kami naman ni mommy at ate Shane ay nagpatimpla ng kape sa kasambahay para may kaharap naman sila.

Saktong isang oras lang ang itinagal namin sa garden ng maubos yung iniinom na wine nila daddy. Magpapakuha pa sana ulit siya ng isa pa ngunit pigilan na ni mommy. Mahirap kasi gisingin si daddy kapag nakainom, maaga pa naman siya kailangan sa Congress bukas.

Pagdating namin ni Gelo sa room ko ay nauna na akong maligo. Mabilis lang naman ako dahil ayaw ko syang maghintay ng matagal, mukhang inaantok na kasi sya dahil sa ininom nilang alak.

Paglabas ko ay nakahiga na nga sya sa kama.

" Bhi maligo ka muna bago ka matulog." untag ko sa kanya.

" Okay. Inaantok na ako baby, pasensya ka na mukhang hindi tayo makakapag-exercise ngayon." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Talaga to kung ano-ano sinasabi.

" Bhi nga! Puro ka kalokohan. Sige na maligo ka na, ikukuha kita ng pantulog sa closet ko." pagtataboy ko sa kanya. Tinulak-tulak ko pa nga sya hanggang sa pinto ng bathroom dahil parang tinatamad syang kumilos.

Bago sya pumasok ay hinawakan muna nya ako sa magkabilang balikat. Hinalikan ako ng matagal sa labi. Tapos namumungay ang mga mata na tumingin sa akin. Nakangisi ng pilyo.

" Bakit ganyan ka makatingin bhi? Lasing ka ba?" pigil ang ngiting tanong ko.

" Hindi ako lasing baby, nakainom lang. Bakit anong klase ba ang tingin ko sayo?" tanong nya.

" Wala. Parang hindi pagkakatiwalaan yang ngisi mo." biro ko.

" Grabe ka talaga sa akin baby. Pero bukod dun sa gusto nga kitang i-exercise, gusto ko lang sabihin sayo na masaya ako. Masaya ako kasi ikaw yung binigay ni Lord sa akin. Nakita ko rin kung gaano ka kamahal ng pamilya mo at kung gaano yung suporta nila sa ating dalawa. Baby nangako ako kay tito Adrian na poprotektahan kita at iingatan. Hinding-hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay nila sa akin. "

" I know bhi. Masaya rin ako na ikaw yung inilaan ni Lord sa akin. Sana lang wala tayong maging problema sa relasyon natin kahit marami pang intriga ang dumating. " tugon ko.

" Sana nga pero kailangan nating mag-ingat simula ngayon. Iniisip ko nga kung paano ko malulusutan si Gwyneth sa mga antics nya. "

" Okay ba talaga sayo na dito muna tayo umuwi? " tanong ko.

" Oo naman. Magandang solusyon ito, wala namang problema sa akin. Ang importante mawala ang hinala ni Gwyneth sa atin. " tugon nya.

" Sige na bhi maligo ka na muna. Mamaya na tayo mag-usap." sabi ko tapos tumango sya at pumasok na ng bathroom.

Hinanda ko na yung pantulog nya at inayos ko na rin ang higaan namin. Ilang sandali lang ang lumipas nung mag ring ang cellphone ko.

Gwyneth calling.....

Hindi ko pwedeng sagutin dahil malalaman nya na magkasama kami ni Gelo. Hinayaan ko na lang na tumunog ng tumunog ang cellphone hanggang sa tumigil na lang. Tatlong beses pa itong naulit bago tuluyang huminto.

Isang mensahe naman ang pumasok matapos ang ilang sandali.

Gwyneth : Gelo why didn't you answer my call? I'm here outside your condo building. I want to talk to you, please Gelo.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Naisip ko, ako ang sinasabihan ng mga fans nila ni Gelo na ipinagsisiksikan ang sarili ko kay Gelo. Ano itong ginagawa ni Gwyneth ngayon?

" Ang lalim ng buntong hininga mo baby. May problema ba?" nakalabas na pala sya ng bathroom hindi ko namalayan. Hindi ako sumagot sa halip inabot ko sa kanya yung cellphone ko.

Napakunot ang noo nya nung mabasa ang text ni Gwyneth.

" What am I going to do with her? Kahit anong sabihin ko hindi siya nakikinig. She's so persistent. Mukhang mayroon na naman syang binubuong plano. Natatakot ako na baka hindi ko mapaghandaan ano man yon. " tila naghihirap ang kalooban na turan nya.

" Bhi!"

" Baby reply to her text. Tell her anything. Kahit anong sabihin mo sa kanya, okay sa akin. Kung ano ang sasabihin mo, doon ako. "

" Okay bhi. " sang-ayon ko.

Kinuha kong muli ang cellphone at nagsimulang magtipa ng sagot. Of course, kunwari si Gelo ang nag-reply sa kanya.

Gelo : Sorry I'm busy. I'm out of town, wala ako dyan sa condo.

Gwyneth : Really? Perhaps you're with Aira now. Right?

Gelo : Aira's not with me. Bakit mo naman naisip na kasama ko siya?

Ang tagal bago dumating ng reply nya. Siguro nag-iisip sya ng magandang sagot.Syempre hindi nya pwedeng sabihin na sinundan nya kami. Ang hindi nya alam nakita namin syang sumusunod sa amin ni Gelo kahapon.

Gwyneth : Just a wild guess. Sorry kung mali ang hula ko.

Gelo : Just go home. Hindi ako uuwi dyan. I'm with my friends .

Gwyneth : Okay Gelo, see you tomorrow.

Then hindi na ako sumagot sa huling text nya. Binigay kong muli kay Gelo ang cellphone ko para makita nya yung thread ng usapan namin ni Gwyneth.

" That's fine baby. May naisip ako para malaman natin kung may gagawin bang plano si Gwyneth bukas. Pakiramdam ko may kinalaman sya dun sa babaeng nang-away sayo sa supermarket kahapon."

" You think so bhi?"

" Gut feel lang. Kasi nagtanong ako sa mga member ng Gelonatics kung kilala ba nila yung nasa video, ang sagot nila hindi nila kilala yon, hindi daw member yon ng Gelonatics. So naisip ko, sobrang co-incidence naman. Yung oras na inaaway ka nya ay yun din yung oras na nasundan ako ni Gwyneth sa condo. Kakaalis mo lang nung dumating ako, so malamang ganun nga. " napaisip din ako sa sinabi nya. May point sya pero ano ang motibo kung pakana nga ni Gwyneth yon?

" So anong plano yang naisip mo?" tanong ko.

" Tutal wala ka pang pasok sa school, isasama kita sa shooting ko. "

" What! " umiiwas nga kaming makita ng media at ng mga taga management na magkasama tapos isasama nya pa ako sa shooting.

" You heard me right baby. "

" Eh hindi nga tayo pwedeng makita na magkasama tapos isasama mo ako sa shooting. "

" Kailangan nating mag-investigate kung ano pa ang plano ni Gwyneth para mapaghandaan natin yon at kung connected nga sya dun sa babae sa supermarket. Magagawa mo lang yun kung naka-disguise ka. "

" Oh.. interesting. Mala-James Bond ang peg. Gusto ko yan bhi. That way, mababantayan pa kita. " excited kong turan. Medyo hilig ko rin yung mag-investigate kaya ayos tong naisip ni Gelo.

" Ano payag ka? Don't worry I've got your back. Hindi ko hahayaang mapahamak ka. "

" Sus para namang may action na mangyayari, mag-investigate lang naman. "

" Wala nga baby. Lalo na sa naisip kong disguise mo." pigil ang ngiti nyang turan. Mukhang hindi maganda ang magiging papel ko ah.

" Ano nga aber? " tanong ko.

" Magdi-disguise ka bilang matandang yaya ko. "

" What? " tumawa sya ng malakas, hindi lang tawa actually halakhak na.

Bwisit talaga tong asawa ko. Pag-tripan ba ako!

Effective nga kayang mag-investigate kung parang lolang nirarayuma ang disguise ko?

Sus, bahala na nga si Batman.