This chapter is written in Gelo's point of view. Alamin natin ang side ng gwapo, malambing ngunit pilyong aktor.
Ariel Angelo's Point of View
MASARAP ang gising ko the next morning. Bakit nga ba hindi? Ang daming blessings na dumating sa buhay ko lately at kahit paulit-ulit akong magpasalamat sa Diyos, tila kulang pa yon para iparating ko sa Kanya ang buong puso kong pasasalamat.
And of course last night was really amazing. Sobrang passionate ng exercise namin ni Aira, first time na maging ganon kami katindi sa pagpapadama ng pag-ibig namin sa isa't isa. Hindi lang dahil special ang okasyon, kundi dahil sobra din akong na-overwhelmed sa mga surprises niya, kahit simple lang basta galing sa kanya para na rin akong nanalo ng award. Ipinaramdam kasi nya kahit na sa mga simpleng bagay lang kung gaano ako kahalaga sa kanya. Ganun din daw siya kaya pareho kaming ganado. Naging submissive din sya at wala ng mga inhibitions kaya naman ibinigay ko na rin ang best ko. Naipakita at naipadama namin kagabi kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Kahit pagod, nakatulog kami pareho na may ngiti sa labi.
Agad akong tumingin sa kanang bahagi ng kama kung saan nakapwesto ang natutulog kong reyna. Hanggang ngayon, sumisikdo pa rin ang puso ko sa tuwing magigising ako at siya agad ang masisilayan ko. Siya talaga ang pinaka-malaking biyaya na binigay ng Diyos sa akin. Siya ang dahilan kung bakit masaya at kuntento ako sa buhay ko. Siya ang lucky charm ko. Lahat ng tagumpay ko sa buhay, mula noon hanggang ngayon, siya ang inspirasyon ko at pinag-aalayan ko ng lahat . Kaya kahit hindi pa tamang panahon, pinakasalan ko sya dahil ayoko ng mawala pa sya sa akin.
I stroke her hair using my fingers. This is the life that I've really been wanted. With her by my side. Pakiramdam ko, kulang ako kung wala si Aira. Malungkot, walang buhay. Hindi ko masasabi na nakasanayan ko na kundi yung parang kapag wala sya, may malaking butas sa puso ko na tanging sya lang ang makakapuno.
Noong bata pa kami, sinubukan ko naman na ibaling ang paningin ko sa iba, pero wala eh, sa kanya at sa kanya lang ako palaging bumabalik. Kaya hindi ako nagkaroon ng ibang babae na kinahumalingan kasi siya lang yung gusto ng puso ko. Siya lang hanggang marahil sa pagtanda ko.
Kumilos sya at medyo nabago yung posisyon nya. Dahil dun kaya medyo naalis yung kumot na nakatakip sa hubad nyang katawan. Napalunok ako at nag-init bigla ang pakiramdam ko. Natutukso na naman ako sa baby ko. Tama sya, addict nga ako sa kanya.
I can't get enough of my wife. Kahit yata paulit-ulit naming pagsaluhan ang maiinit na sandali, parang hindi ako nagsasawa sa kanya. Maaaring sumuko sa pagod ang katawan ko pero yung kagustuhan kong makaniig sya ay hindi na yata mapapawi kailanman.
" Hmm. bhi bakit gising ka na? Ang aga pa." tanong nya. Isang mata lang nya ang nakadilat.
" Hindi na ako makatulog."
" Anong oras na ba?"
" It's 2am."
" It's so early. Tulog ka pa."
" Imeme mo ako para makatulog ako." lambing ko sa kanya.
" Okay. Come closer. " dumikit ako sa kanya at hinila nya ako papunta sa dibdib nya saka ako niyakap. Torture. Nararamdaman ko kasi ang bundok ng Makiling sa may pisngi ko. Tinatapik tapik nya ako na parang nagpapatulog ng bata.
" Bhi?"
" Hmm.?"
" I think your junjun is angry. He's poking my belly."
" Yeah, he is. It's because your boob is seducing my cheek." bigla syang lumayo nung marinig ang sinabi ko.
" Kasi naman matulog ka na bhi inaantok pa ako eh. You always have your way in teasing me. " reklamo nya.
"Okay. okay let's sleep not until we had our first batch of exercise." sabi ko. She pouted her lips kaya naman hinalikan ko.
" Hindi ka talaga nagsasawa noh?"
" Hindi kahit kailan. Para kang kanin baby na kahit araw-araw kong kinakain ay hindi ko pinagsasawaan. "
" Bakit pakiramdam ko double meaning yang sinasabi mo? You are so naughty Mr. Montero." napangiti na lang ako ng pilyo sa kanya. She just rolled her eyes, as usual.
" Hahaha. Come on, let's get it over and done. " She just shrugged. Kilalang kilala nya talaga ako lalo na ang kapilyuhan ko. Sa kanya lang naman ako ganito, kanino pa ba? Siya lang naman ang pinagbigyan ko ng lahat sa akin.
_______________
When morning came, we drove back to Metro. At bago ako pumunta sa network para mag guest sa morning talk show, hinatid ko muna si Aira sa med school. Kapag wala rin lang akong masyadong ginagawa, mas gusto ko yung ako ang personal na naghahatid sa kanya.
Kahit na binili ko sya ng sarili nyang sasakyan, nag-aalala pa rin ako kapag nagmamaneho syang mag-isa. Hindi rin ako napapakali hanggat hindi sya nakakauwi ng bahay.
" Baby susunduin din kita. Sandali lang naman ako sa network. After this wala na akong masyadong trabaho, pahinga ako ng ilang buwan bago umpisahan ulit yung next movie ko. May gusto ka bang ipabili, hmm.?" sabi ko habang magkayakap kami sa loob ng kotse ko. Nasa may parking lot na kami ng school nya.
" Nothing bhi. I just want to sleep. " malambing nyang tugon.
" Okay. let's just sleep when we get home. No more exercise tonight. Promise. " turan ko.
" Sus ganyan din yung sinabi mo nung isang araw. Sleep lang daw pero may hirit pang isa." reklamo nya pero pansin ko yung pinipigilan nyang ngiti. Ang ganda talaga ng babaeng to.
" Masisisi mo ba ako baby? May asawa akong maganda at kaakit-akit kaya ganito ako kabaliw sa kanya. Hindi naman pwedeng basta na lang titigan magdamag, sayang kung hindi titikman, baka mapanis lang." nakatikim ako ng hampas sa braso mula sa kanya ng marinig nya ang sinabi ko. O di ba may pagka-amazona rin yan minsan.
" Ikaw bhi nagiging balahura na yang bibig mo. Ano palagay mo sa akin, pagkain? "
" Oo baby, parang kang pagkain. Kapag wala ka, mamamatay ako sa gutom." sagot ko sabay kindat sa kanya. Napapailing na lang sya sa akin. I cupped her face and leaned closer to claimed her sweet lips. Ang labi na hindi ko pagsasawaang halikan.
Matapos ang makapugtong hiningang halik na pinagsaluhan namin, idinikit ko ang noo ko sa noo nya. Medyo hinihingal pa kami pareho kaya walang nagsasalita sa amin. Nanatili lang akong nakatingin sa mga mata nya.
" I love you baby, so much." sincere kong turan. Hindi na kasi magkasya sa puso ko kaya kailangan ng ilabas.
" I love you too bhi, very much." sagot nya na alam kong galing din sa puso nya.
" Alright, just go ahead baka ma-late tayo pareho. Don't skip lunch, okay?" paalala ko sa kanya then I kissed her lips again.
" Yes po. Ingat sa pagmamaneho. Hintayin kita mamaya ha?" sagot nya tapos hinalikan ako sa pisngi bago bumaba ng kotse.
PAGDATING ko sa network ay tumuloy agad ako sa dressing room na nakalaan para sa mga guest. Nasabi ng PA na nasa kabilang dressing room na raw si Gwyneth. Kaming dalawa talaga ang guest, hindi ko na binanggit kay Aira kanina dahil ayokong mag-alala na naman siya.
Natapos kaming ayusan kaya tumuloy na kami sa backstage. Maghihintay na lang na tawagin kami ng mga host.
" Hi Gelo!" bati ni Gwyneth sa akin.
" Hi!" tipid kong sagot. Ayoko talagang makipag-usap sa kanya. Baka kung saan-saan na naman kasi mapapunta ang usapan.
" I heard nasa 60million na daw ang kinita ng movie natin ngayong second day, isn't it amazing?" masayang balita nya. Medyo ngumiti naman ako ng tipid.
" Yeah it is. And I'm thankful for that."
" Can we celebrate after this? My treat." sabi na nga ba para-paraan ito eh.
" Uhm, I'm afraid I can't, susunduin ko kasi si Aira sa school after this, wala syang dalang sasakyan." sagot ko, hindi talaga pwede dahil hihintayin ako ng asawa ko.
" Aira. She's so lucky to have a best friend like you. Or mag-bestfriend nga ba?" sarcastic nyang tanong.
" You know Gwyneth wala akong dapat ipaliwanag sayo tungkol sa amin ni Aira. You can talk all you want. Right now, I guess it doesn't really matter if you are busy speculating things about me, about us. It doesn't change the fact that me and Aira are best of friends since time immemorial. "
" Why are you like this towards me? Mahal lang naman kita Gelo. " tila maiiyak nyang sambit. Tiningnan ko sya ng matiim. Maganda sya pero hindi ako yung tipo ng tao na nakatingin sa panlabas na anyo. Mas importante sa akin yung may magandang pag-uugali and obviously wala sya non. Isa pa, si Aira lang talaga ang nakatatak dito sa puso ko, wala ng pwedeng umokupa.
" Gwyneth how many times do I have to tell you that I can't reciprocate your love? You deserve someone better. I'm sorry." tumayo ako ng hindi na pinakinggan pa kung may sasabihin pa sya. Ayoko ng ganito, ayoko ng may nasasaktan pero wala akong magagawa. Isa lang ang puso ng tao, hindi kayang pilitin kung sino ang dapat makatuwang nito.
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng magsalita syang muli.
" Tandaan mo ito Gelo, walang ibang makikinabang sayo kundi ako lang. I will do everything just to make you mine." hindi ko alam pero medyo kinabahan ako sa banta nya.
Aaminin ko natakot ako lalo na nung sumagi sa isip ko yung sinabi nung lola na na-encounter namin ni Aira sa Japan.
' Magkakaroon ng pagsubok sa relasyon ninyo at hindi ninyo ito mareresolbahan dahil sa makasariling hangarin ng isang tao. Magkakalayo kayo ngunit gaya nga ng kasabihan, ang ibon ay babalik sa kanyang pugad pagdating ng dapit-hapon.'
Yan ang eksaktong sinabi nya sa amin noon. Hindi kaya si Gwyneth ang taong tinutukoy nung lola na may makasariling hangarin?
Kahit sinabi niyang kami ang magkakatuluyan, ayoko pa rin na magkahiwalay kami ni Aira.
Ayoko. Hindi ko kaya.