Ariel Angelo's Point of View
MATAPOS ang guesting ko sa morning talk show, tumulak ako papunta sa talent agency kung saan ako naka-kontrata. May meeting kami ngayon tungkol doon sa kinita ng movie. I can't believe na kikita ng ganoon kalaki on its second day. Magbibigay daw ng bonus ang producer kaya kami pinatawag.
Nauna na ako kay Gwyneth. Pagkatapos ng talk show ay nagmamadali akong umalis. Ayoko syang kasabay dahil binabagabag pa rin ako nung mga banta nya kanina.
Pagdating ko ng agency ay naroon na si Mr. Chan, direk Cathy at ilang cast na kapareho ko na contract star din ng talent agency. Si Gwyneth na lang ang wala kaya naghintay pa kami ng kaunti bago mag-umpisa.
" Bakit ba hindi na lang kayo nagsabay pumunta dito, ha Gelo? Mas maganda kung makikita ng tao na lagi kayong magkasama para mas tangkilikin pa nila yung susunod nyong movie together." turan ni Mr. Chan sa akin.
" May kausap pa sya kanina boss kaya po nauna na ako. " katwiran ko.
" Next time mas gawin nyong kapani-paniwala yong relasyon nyo ni Gwyneth sa mga tao. Mas tatangkilikin nila ang love team ninyo, mas malaking pakinabang sa atin." tumango lang ako sa mungkahi ni Mr. Chan. Gusto nyang magpanggap kami para sa sarili nyang interes. I sighed. Ang kalakaran nga naman sa showbiz industry. Puro kasinungalingan. Wala na rin halos privacy kasi ang mga artista. Showbiz is full of lies and deceits and I'm afraid that I am beginning to be one of its biggest liars.
Ilang minuto pa ang lumipas ng sa wakas ay dumating na rin si Gwyneth. Nagsimula ang meeting tapos ang pamamahagi ni Mr. Chan ng bonus. Hindi pa tapos ang showing ay namimigay na sya, baka daw kasi maisipan na namin na magbakasyon kaya ngayon pa lang namamahagi na sya. Kapag mas nahigitan pa raw ang kita sa mga susunod na araw dun sa panibagong target nila, magdadagdag daw ulit sya ng bonus. Galante naman pala si Mr. Chan kahit paano kaya naman tuwang-tuwa ang mga crew at staff.
Natapos ang meeting isang oras bago ang pagsundo ko kay Aira. Mabuti na lang medyo malapit ang office ng agency sa med school kaya hindi ako male-late sa pagsundo. Ayaw ko pa naman na pinaghihintay siya.
Fifteen minutes bago matapos ang huling klase niya ng marating ko ang parking lot. Nakita ko si Kevin at Clyde na nakasandal sa mga kotse nila. Namataan nila ang kotse ko kaya patakbo silang pumunta sa spot na hinintuan ko.
" Mga brod!" bati ko sa kanila. Ginawa namin yung kakaibang hand shake na nakasanayan na namin noon pa.
" Musta brod? Grabe sikat na sikat ka na Gelo. Nanood kami nung movie mo nung first day, muntik pang mahimatay si Venice sa dami ng tao." kwento ni Clyde.
" Anong sikat? Uy grabe kayo, ako pa rin to. Salamat sa suporta nyo sa movie ko. Kailan ba kayo libre, labas tayo minsan.? " turan ko.
" Talaga brad? Lagi naman kaming libre. Ikaw yung walang time. Ikaw ang magbigay ng schedule. " sabi ni Kevin.
" Yung mga babae tanungin natin, kung kailan sila pwede. " suhestyon ko.
" Yown. Mas mabuti nga. " sagot ni Clyde.
Dumating na yung tatlong babae na hinihintay namin. Bago magkahiwa-hiwalay ay pinag-usapan na namin yung paglabas namin.Napagkasunduan na after ng finals nung tatlo ay magbabakasyon kami, hindi pa nga lang napag-usapan kung saan kami pupunta.
" Bhi pwede kaya na mag-Amanpulo na tayo. What do you think?" tanong ni Aira nung palabas na kami ng school nila.
" Yeah pwede rin. Pero hindi ba kasal na nila Kevin at Lot this coming April? I suggest na dito na lang muna tayo sa malapit. Let's say Baguio or Ilocos. "
" Gusto ko yun. Sige dun na lang. Kung sa Amanpulo, baka sayang lang, kasi yon ang regalo ko sa kanila sa wedding nila. Tayo na lang dalawa sa Amanpulo, gamitin natin yung gift ko sayo. " sagot nya.
" Sure baby. By the way, gusto mo bang umuwi na o mag-mall muna?" tanong ko.
" Bakit bhi? " nagtatakang tanong nya.
" I will spoil you today. We will buy whatever you want. " kunot noong tumingin sya sa akin.
" Anong meron? "
" Here." inabot ko sa kanya yung cheque na bigay ni Mr. Chan. Nanlaki ang mata nya ng makita ang halagang nakasulat.
" Really bhi? Ang laki naman nito. "
" Bonus yan. Kumita na kasi yung movie ng 60million on its second day. Dagsa pa rin ang manonood kaya hayan nagbigay agad sya ng bonus. Bawing-bawi na si boss dun sa lahat ng gastos nya sa movie."
" Lagay na lang muna natin ito sa banko bhi. Wala naman akong gustong bilhin. Gusto kong umuwi at matulog. Next time na lang. " turan ni Aira.
" Alright baby, no problem. Uuwi na tayo at matutulog. " sabi ko at tinahak na ang direksyon pauwi ng unit namin.
" Uuwi at matutulog ha bhi? " paninigurado nya pa.
" Sabi ko nga. Uuwi at matutulog. "
" Matutulog lang. " ulit na naman nya.
"Matutulog.... lang." napipilitan kong ayon.
" Walang exercise." pigil ang ngiting sambit nya. Inaasar na naman ako.
" Walang.... ay baby hindi naman pwede yon. Magbiro ka na sa lasing wag lang sa lalaking tigang." napahagalpak sya ng tawa.
" Ako nga Ariel Angelo tigil-tigilan mo. Paano ka naging tigang eh bago tayo umuwi ng Metro eh sinulit mo na yang karapatang pantao mo? " nangiti ako sa sinabi nya.
" Aba Mrs. Montero, ilang oras na ba ang nakalipas? Hindi na makatarungan yan."
" Katarungan para kay Ka Gelo! " sigaw nya.
" Katarungan para kay Ka Gelo! " gagad ko saka kami nagkatawanan.
Ito lang ang gusto ko sa aming dalawa ni Aira. Happy lang. Nakakalimutan ko ang anumang alalahanin ko kapag magkasama kami. Hindi siguro kami agad tatanda kasi madalas naming nakakalimutan na hindi na pala kami mga bata.
Actually kaya na nga namin gumawa.... ng bata!
Haha.. peace. naughty Gelo strikes again!