Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 92 - Publicity

Chapter 92 - Publicity

Shanaia Aira's Point of View

DALAWANG araw na si Gelo sa ospital. Si tita Mindy ang nagbabantay sa kanya sa umaga. Umuuwi lang siya kapag dumating na ako galing ng school. Sa ospital na ako dumidiretso pagkatapos ng klase ko.Dinala na ni Linda ang mga gamit ko sa ospital para hindi ko na kailangang umuwi ng condo.

Kahapon ay dumalaw ang mga kaibigan namin ni Gelo na sina Charlotte at Venice. Sumama sila sa akin pagkatapos ng klase namin kasama sina Kevin at Clyde. Nung gabi ay sina kuya Andrew, ate Faith at ate Shane ang magkakasabay tapos kaninang umaga bago ako pumasok sa school, dumating si tita Mindy kasama si ate Arienne at ang dalawang nakababatang kapatid nila ni Gelo.

Ngayon nga ay nagmamadali na akong pumunta ng ospital. Tumawag kasi si tita Mindy sa akin na kung maaari ay palitan ko muna sya sa pagbabantay dahil kailangan na nyang pumunta ng coffee shop. Wala daw kasi si mommy dahil may taping ito ngayong araw. Mabuti na lang maaga kaming na-dismissed dahil nagpasa lang kami ng project dun sa huling subject namin. Nagpaalam na ako sa dalawang kaibigan ko na mauuna na ako sa kanila.

Pagdating ko sa hospital room ni Gelo ay nakahanda na si tita Mindy sa pag-alis.

" Anak pasensya ka na kung pinagmadali kita. Wala kasi ang mommy mo kaya kailangan ako dun sa coffee shop. Nakainom na ng gamot si Gelo kaya nakatulog, mamaya paggising nya pakainin mo na lang. May pagkain dyan, pinadala ko kay Linda kanina para sa hapunan mo. Alis na ko anak. " bilin ni tita Mindy, tumango lang ako tapos humalik lang sya sa pisngi ko saka nagmamadali ng umalis.

Itinabi ko ang mga gamit ko sa mesa na naroon tapos pumasok ako ng CR para magpalit ng damit. Itinupi ko ng maayos ang uniform na hinubad ko at inilagay sa isang bag na para sa maruming damit. Napansin ko na wala na itong laman, siguro kinuha na ni Linda kanina para malabhan.

Umupo ako sa may side ng hospital bed ni Gelo. Pinagmasdan ko ang payapa nyang pagtulog. Sobrang thankful talaga ako kay Lord at hindi napuruhan si Gelo, lumihis sa lungs niya yung pagkakabaon nung knife.Kung nagkataon, hindi ko alam kung makakaligtas pa sya. Ang laki talaga ng nagagawa ng prayers.

Habang natutulog si Gelo ay minabuti ko na mag-advance study sa ilang subjects ko. Kinuha ko yung libro ko sa bag at nagsimula ng mag-aral.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral ko ng may kumatok sa pinto. Siguro may bibisita ulit kay Gelo.

Tumayo ako at tinungo ang pinto. Nang buksan ko ay tumambad sa akin ang mataray na mukha ni mama D, ang manager ni Gelo. Hindi siya nag-iisa. Nasa tabi nya si direk Cathy, Gwyneth at yung producer ng movie nila, si Mr. Chan. Nasa likuran naman nila ang apat na supporting cast nung movie nila.

Yumukod ako tapos ibinukas ko ng malaki ang pinto.

" Good afternoon po. Pasok po kayo." bati ko sa kanila.

" Good afternoon. Gising ba si Gelo?" si direk Cathy ang nagtanong. Maganda ang ngiti na isinukli nya sa akin.

" Tulog po sya, pinainom po siya ng pain reliever kanina kaya nakatulog siya. Tuloy po kayo. " pumasok sila isa-isa at umupo dun sa couch. Yung iba sa mga wooden chairs na dinala ng hospital staff kahapon.

" Bakit ikaw ang nagbabantay? Nasaan si Mindy?" mataray na tanong ni mama D.

" Ah tinawagan po nya ako dahil kailangan po sya sa coffee shop nila ni mommy." sagot ko.

" Mabuti na lang at wala kaming kasama na taga-media kundi madadawit na naman ang pangalan ni Gelo sayo. " turan ni mama D. Napatda ako sa sinabi nya. Bakit parang lumalabas na ako pa ang sumisira sa pangalan ni Gelo? Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya.

" Mama D you're so mean to the beautiful lady. Pasensya ka na miss, mainit lang ulo ni mama D. " sabi naman nung producer na si Mr. Chan. Umingos lang si mama D. Hindi ko alam kung bakit mainit dugo niya sa akin.

" Ang mabuti pa kunin mo itong mga dala namin at ayusin mo dun sa kitchen. Pagkatapos ikuha mo kami ng maiinom. " nagulat ako sa sinabi ni mama D. Ano tingin nya sa akin PA nya?

" Mama D!" bulalas ni direk Cathy. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagtrato sa akin ni mama D.

" Hmp. " yun lang ang sagot nya kay direk Cathy.

" Ang mabuti pa tayong dalawa na lang ang gumawa nyan. Ano na nga ang name mo beautiful?" tanong ni direk Cathy. Pumunta kami sa mini kitchen ng suite. May dining table dito na bilog at apat na dining chairs.

" Aira Gallardo po." sagot ko.

" Gallardo? Kapatid ka ni Shane? Ikaw yung best friend ni Gelo?" gulat na tanong nya.

" Opo direk Cathy. " sagot ko habang isa-isa naming inaayos yung mga dala nila para kay Gelo. Medyo malayo kami ni direk sa kanila.

" Pasensya ka na kay mama D ha? Ganon lang talaga yon, mataray. " wika ni direk.

" Okay lang po direk. Hindi ko po alam kung bakit parang mainit dugo nya sa akin. Wala naman po akong ginagawa." turan ko.

Bumuntong hininga si direk bago nagsalita.

"Alam mo kasi Aira, hindi nagustuhan ni mama D yung pagtatanggol ni Gelo sayo nung magkita kayo ni Gwyneth sa car shop. Dahil dun nag public apology si Gwyneth, parang lumabas na ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang expectation ng tao na may namumuong magandang pagtitinginan sa dalawa. Hindi nagustuhan ni mama D yung sinagot ni Gelo kay Gwyneth nung araw na yun. " turan ni direk. Hindi na ako nagtaka kung bakit alam nya ang tungkol duon.

[ At kung sakaling may magustuhan man ako kailangan tanggap nila si Aira, package deal yan. Obviously, wala talagang papasa dahil lahat ng babaeng nagpapahayag na gusto nila ako, inaaway siya.]

Kung hindi ako nagkakamali, yan ang eksaktong pahayag ni Gelo kay Gwyneth nung araw na makatagpo namin sya ni Gelo sa car shop.

Yun pala ang dahilan kung bakit parang galit si mama D sa akin. Kasi pinagtanggol ako ni Gelo. Parang nasira ko yung supposed to be love team nilang dalawa ni Gwyneth.

Apologetic kong tiningnan si direk Cathy. Hindi ko man gusto na ganun ang mangyari pero nangyari na.Sana lang huwag maka-apekto ito sa movie nila.

" Huwag mo ng alalahanin yon, nakausap na ni Gelo si mama D tungkol duon." sabi ni direk Cathy.

" Nag-aalala po ako na baka maka-apekto yun sa movie ninyo direk. Nakakahiya po sa inyo dahil pinag-hirapan ninyo yung movie." malungkot kong saad.

" Alam mo Aira, sa akin wala namang problema. Personal na buhay yan ni Gelo eh. Nung mag-apologized si Gwyneth, sa kanya natuon yung pansin ng masa. Parang in-assume na lang ng mga tao na may lovers quarrel sila ni Gelo dahil pinagselosan nya yung best friend nito. Para sa akin, may publicity o wala, kung magaling ang artista ko at maganda ang pelikula, tiyak patok yan sa takilya. Sa tulad ni Gelo na magaling na artista, kahit walang ka-love team, kikita pa rin ang movie nya. " napangiti ako sa sinabi ni direk. Mukhang malaki ang tiwala nya sa kakayahan ni Gelo.

Noong maiayos na namin ni direk ang pagkain at nakapagtimpla na ako ng juice, tinawag na namin sila para makakain. Walo silang lahat na bumisita pero nung nagsipuntahan na sila sa kitchen, kulang na sila ng isa, wala si Gwyneth.

Nung kumakain na sila, pasimple akong umalis para tawagin si Gwyneth.

Nung nasa loob na ako, agad kong namataan si Gwyneth na nakaupo dun sa upuan ko kanina. Sa side ng hospital bed ni Gelo.

Gusto kong mainis sa eksenang nasaksihan ko.

Hawak nya ang kamay ng natutulog na si Gelo at paulit-ulit na hinahagkan.

Bantay salakay.