Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 93 - If its not yours, it never was

Chapter 93 - If its not yours, it never was

Shanaia Aira's Point of View

NAKATAYO lang ako sa habang pinagmamasdan si Gwyneth na paulit-ulit na hinahagkan ang kamay ni Gelo.

Napagtanto ko na gustong-gusto nya talaga ang asawa ko. Sabagay ayon nga kay Gelo, nag-confessed ito ng feelings niya sa kanya. Hindi miminsan na sinamantala rin niya ang pagkakataon na wala sa tamang huwisyo si Gelo. Nung una, hinalikan niya si Gelo ng lasing ito at ngayon naman, tulog ito. At aaminin ko na sa mga sandaling ito ay nakakaramdam ako ng pagkadismaya at takot sa maaari nyang gawin makuha lang niya si Gelo.

Siguro naramdaman nyang may tao sa likuran nya kaya awtomatiko ang paglingon nya. Mabilis nyang binitawan ang kamay ni Gelo ng makita nya ako. Para syang pusa na nasukol na nang-uumit ng ulam sa mesa.

" I'm sorry. Nagi-guilty kasi ako. Kundi dahil sa akin, hindi aabutin ni Gelo ang ganito." tumango lang ako. Kahit na galit ako sa kanya dahil sa mga ginawa nya sa akin nung mga nakaraan at sa tagpong dinatnan ko ngayon, kahit paano ay naaawa pa rin ako dahil hindi maganda sa pakiramdam yung may tao na halos mamatay at napahamak dahil sayo. Pansin ko na medyo namumula yung mga mata nya tanda ng galing sya sa pag-iyak.

" Kumakain na sila dun sa kitchen, kumain ka na rin." out of courtesy na sabi ko. Sayang naman yung mga values na itinuro ni Elize Gallardo sa akin kung hindi ko gagamitin . Para naman ma-realize nitong babaeng may attitude na to na kahit ginawan nya ako ng hindi maganda, mayroon akong GMRC towards her. Nang sa gayon para na rin akong nagbunton ng baga sa kanyang ulunan.

Tumango lang sya at tumayo na mula sa kanyang kinauupuan. Lumakad na sya papunta sa kitchen, nilampasan nya ako ng hindi na nagsalita pa. Mabuti naman. Wala akong time makipag-usap sa kanya.

Umupo na akong muli sa may side ng hospital bed ni Gelo. Hawak ko yung libro ko sa Anatomy at nagsimula ulit ako dun sa naudlot kong pagbabasa kanina.

" Ang sipag naman mag-aral ni Mrs. Montero." nanlaki ang mata ko ng marinig ko si Gelo. Lumingon-lingon pa ako sa paligid baka may makarinig sa kanya.

" Bhi, you're awake. Ano ka ba? baka marinig ka nila." pabulong kong wika sa kanya.

" Nila?" nagtataka nyang tanong.

" Yup. You have a bunch of visitors. Nasa kitchen sila kumakain."

" Sila Shane?" tanong nya.

" Hindi. Si mama D, yung producer ninyo, si direk Cathy at yung ibang cast ng movie mo. At si Gwyneth na nahuli ko na paulit-ulit na hinahagkan ang kamay mo habang tulog ka. "

" What? " nadidismayang bulalas nya.

" Opo. Walo silang dumating pero pito lang ang pumasok sa kitchen, kaya lumabas ako para tawagin siya at hayun ang eksenang inabutan ko. How sweet. "

" Baby, bakit hinayaan mo naman na mapagsamantalahan ako? Wala akong kalaban-laban dahil tulog ako." reklamo nya.

" Wow ha! Kasalanan ko ba kung bantay salakay ang isang yon?"

" Tss. " inirapan pa ako. Aba parang ako pa ang may kasalanan ah.

Hindi ko na lang siya pinansin, may tililing yata. Kaya tinuloy ko na lang yung pagbabasa ko.

" Baby, kailan daw ba ako makakalabas dito?" tanong ni Gelo makalipas ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Nasa mood na siguro.

" Hindi pa sinigurado ng doktor kung kailan, sariwa pa daw kasi yang sugat mo. Naiinip ka na ba? "

" Medyo. Hindi kasi kita malandi dito. Laging may tao." nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Ang hudas na to, nasa ganitong kundisyon na sya, yun pa rin ang inaalala.

" Ariel Angelo nga! " pinandilatan ko sya.

" Hahaha. Aray ko! " bigla syang napahawak sa may balikat nya.

" Ano nangyari sayo? Sige tawa pa, alam mong nahihila yung tahi ng sugat mo pag tumatawa ka. Sariwa pa nga. " dinaluhan ko sya at tiningnan yung sugat nya, baka kasi dumugo.

" Masakit baby. Kiss mo nga ako para mawala. " bulong nya habang iniinspeksyon ko yung benda sa may balikat nya. May konting dugo nga.

" Ano ka bata? "

" Oo naman. Nagbe-breast—Aray naman baby! " hindi nya natuloy sinasabi nya kasi piningot ko sya. Wala na talagang filter ang bibig.

" Puro ka kasi kalokohan! " nginitian lang nya ako ng ngiting nang-aasar. Ganyan yan kapag alam nyang kunwari nayayamot ako. Hindi titigil hanggat hindi ako tuluyang nayamot talaga.

" Gising ka na pala Gelo. Kumusta pakiramdam mo?" boses ni mama D ang narinig namin kaya natigil kami ni Gelo sa pag-aasaran.

" Medyo makirot lang po yung sugat mama D. Aside from that wala na akong ibang nararamdaman."

" Mabuti naman. Kailangan mong magpagaling ng husto para matuloy na yung promo ng movie mo. Na-cancel na yung mall show ninyo sa Iloilo at Cagayan de Oro dahil sa nangyari. Tama na raw muna ang mall show sabi ni Mr. Chan. Radio and tv guesting na lang daw. " pahayag ni mama D.

" Okay mama D. " sagot ni Gelo.

" Oh Gelo! Thank God you're awake! " maarteng boses ni Gwyneth ang biglang bumungad. Lumapit sya kay Gelo at agad na niyakap ito. Tsansing level up. Level 2.0.

Nagsisunuran na rin yung ibang kasama nila sa bed ni Gelo. Pasimple akong umalis para ligpitin yung pinagkainan nila sa kitchen. Ikukuha ko na rin si Gelo ng pagkain pagkatapos.

Malinis naman nilang iniwanan yung table. Kaya hinugasan ko na lang yung mga pinagkainan nila na nasa sink.

Nang matapos ako ay kinuhanan ko ng pagkain si Gelo. Pakakainin ko na sya para may laman ang tiyan nya pag uminom siya ng gamot.

" Ano yan?" tanong ni mama D nung makabalik na ako.

" Pagkain po ni Gelo. Papakainin ko na siya." sagot ko.

" Ibigay mo kay Gwyneth."

" Po?"

" Sabi ko ibigay mo kay Gwyneth. Siya ang magpapakain kay Gelo!" napatingin ako kay Gelo. Parang nabasa ko sa mga mata nya na sumunod na lang ako para wala na lang gulo.

Lumapit ako kay Gwyneth na naroroon muli sa upuan ko, hawak nya yung book ko na naiwan ko sa upuan kanina.

Inabot ko sa kanya yung tray na may pagkain at binigay naman nya yung libro ko. Tumalikod na ako ng hindi man lang sinulyapan si Gelo. Umupo ako sa couch katabi ni direk Cathy.

" Sorry about that. I don't know what's on mama D's mind. Let's just watch." bulong ni direk sa akin. Tumango ako.

" You are reading an Anatomy book, med student ka?" tanong nya ng mapansin ang hawak ko.

" Yes po." tipid kong sagot. Natuon kasi ang pansin ko dun sa kama ni Gelo. Parang ayaw pa nyang kumain pero hawak pa rin ni Gwyneth yung tray.

" Wow, that's great. Alam mo ba na pumasok din ako ng med school ng isang taon bago ako nagtuloy kumuha ng associate degree program to film making?" pahayag nya. That caught my attention kaya nawala ang pansin ko kay Gwyneth.

" Talaga po? What happened?"

" Actually pangarap ko talaga ang maging doktor kaya lang ang dad ko gusto niyang ipagpatuloy ko yung nasimulan nya. He is a retired director. Walang magmamana ng sining na minahal nya kaya hayun, yung pangarap ng dad ko ang tinuloy ko at iniwan ang sarili kong pangarap. Minahal ko na rin naman ang sining kaya wala na akong regrets na hindi ako naging doktor. " kwento ni direk Cathy.

" Ayos na rin po yun direk. Sikat na sikat naman po kayo dahil magaling kayong direktor. " papuri ko kay direk na ikinangiti naman nya. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nyang ngipin. Pwede si direk sa toothpaste commercial ah.

" Salamat Aira. Matanong nga kita, sa ganda mong yan tapos kabilang ka pa sa pamilya ng mga artista, bakit hindi ka yata pumapasok sa larangang ito? Tingin ko sayo mukhang talented ka naman. Bakit ha? " kuryosong tanong ni direk.

" You want an honest answer po? "

" Ahuh. "

" Ayoko po sa show business, I don't fit in. Lalo na po yung nangyari sa mga kapatid ko nung mga nakaraan parang mas lalo po akong natakot. At yun nga po, pangarap ko na maging doktor." tugon ko. Napangiti naman sya sa akin.

" Alam mo ganyan din ako noon sa dad ko. Pinaglalaban ko talaga na gusto ko na maging doktor, hindi direktor. Pero siguro yun talaga, gaano man natin naisin ang isang bagay, kung hindi para sa atin, hindi talaga natin makukuha." sa huling sinabi nyang yon parang bigla akong napatingin kay Gwyneth. Sinusubuan nya ngayon ng pagkain si Gelo habang panay naman ang picture ni mama D.

" That's only for publicity. " turan ni direk. Parang nabasa nya yung iniisip ko.

" Alam mo, pansin ko na hindi talaga gusto ni Gelo si Gwyneth." sambit nyang bigla.

" Po?"

" Magaling lang talagang umarte si Gelo during takes. Parang totoong in love sya sa character ni Gwyneth. Magaling syang artista, laging isang take lang kahit sa mga kissing scene at bed scene. Parang natural na natural lang yung ginagawa nya. I doubt kung sino ang iniisip nya pag-umaarte sya, eh wala naman syang girlfriend. " parang naumid ang dila ko sa huling sinabi ni direk. Hindi ko lang masabi na kaya natural ang pag-arte ni Gelo sa kissing and bed scene ay dahil madalas kaming mag-exercise. Jusko baka ma-eskandalo pa si direk pag nasabi ko.

Malamang Aira.

" Bakit nyo naman po nasabi yon direk?" testing ko. Para malaman ko kung ano yung palagay nya.

" After ng shoot, umaalis agad si Gelo. Iba na rin yung nakikita ko sa mga mata nya kapag kausap nya minsan si Gwyneth. Parang pagka-disgusto. Kapag may lakad ang grupo, nagpapaalam agad yan sa akin na hindi sya sasama. Ayaw na nyang maulit uli yung nangyari nung nasa bar kami. Parang may pino-protektahan sya. Aminin mo nga sa akin Aira, may girlfriend ba yang best friend mo? " bigla akong napatingin kay direk. Tila naghihintay naman sya ng honest na sagot mula sa akin.

Naku naman, bakit ba nandito na naman ako sa sitwasyong ito na hindi ko alam kung paano lusutan ng hindi nagsisinungaling?

So help me God.